CHAPTER 4

219 7 0
                                    

Habang nakatanga ako dito sa loob ng room ay abala naman ang mga kaklase ko sa kaniya-kaniya nilang gawain sa tuwing walang Prof.

One week had passed nang makilala na namin ang may-ari ng school at 'yung mga shareholders din. Ayun, wala namang nagbago.

Masaya lang kami dahil nakilala na namin 'yung may-ari ng school. Ang ganda niya talaga, hindi ako maka move on do'n.

"Teh." Napalingon ako sa gilid ko nang kalabitin at tawagin ako ni Chelsie.

"Ano?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya. Napahawak naman siya dibdib niya. Nag-iinarte na naman 'tong babaeng 'to.

"Bakit galit?" Tanong niya at umayos na lang ng upo. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to, pasalamat siya kaibigan ko siya, eh.

"Bakit ba kasi?" Inis na tanong ko. Wala ako sa mood, eh.

"Punta ka sa bahay mamaya, sabay tayo. H'wag ka ng tumanggi, maaga naman uwe natin 'di ba? At wala pa naman Mama, Papa at Ate mo sa bahay niyo at wala ka din gagawin do'n kaya samahan mo na lang ako sa bahay." Sabi niya at nag puppy eyes pa sa harap ko.

"Okay." Simpleng sabi ko na lang at umirap. Wala naman na akong choice dahil kahit na umayaw ako ay pipilitin niya pa rin ako kaya para hindi na siya mag-ingay pa ay pumayag na lang ako.

"Yes naman! Tenkyu, Bes!" Masayang sabi niya at niyakap niya pa ako kaya natawa ako sa ikinilos niya.

Nakapunta naman na ako sa bahay nila. I mean, mansyon nila. Ang yaman naman kasi ng kaibigan kong 'to. No'ng unang punta ko nga do'n grabe ang gulat at mangha ko, eh. Hindi ako makapaniwala na gano'n sila kayaman.

Pero hindi rin nagtagal ay nasanay na ako. Naging madalas kasi ang pagpunta ko sa bahay nila dahil sa babaeng 'to. Gusto kasing lagi akong nando'n sa bahay nila.

Pero hindi ko pa nakikita ang Kuya niya no'n dahil palaging wala sa bahay nila ang Kuya niya. Ang Ate lang ni Chelsie ang nakikita ko do'n dahil nando'n naman minsan 'yung Ate niya.

Nakita ko lang ang Kuya niya no'ng araw na pinakilala silang shareholders dito ng school. Doon ko lang nakita ang itsura niya.

* * *

Nandito na kami ngayon sa bahay nila Chelsie at ang pangalawang kapatid niya agad ang bumungad sa 'min.

"Hi, Ate!" Hyper na bati ni Chelsie sa Ate niya at agad niya itong niyakap.

"Hello, Ate Maxlyn." Nakangiting bati ko rin sa Ate ni Chelsie. Sa totoo niyan, Robelyn ang totoong pangalan ng Ate ni Chelsie at nickname lang ng Ate niya ang Maxlyn. Ang layo, noh? Hindi ko nga alam kung bakit, eh.

"Buti naman at napadalaw ka ulit dito." Sabi ni ate Robelyn. Actually, close kami niyan ni Ate, eh.

"Siyempre, alam muna Ate kung bakit." Natatawa kong sabi at nilingon si Chelsie na nakasimangot na. Natawa kaming dalawa ni Ate sa itsura niya.

Oo nga pala, isang taon lang naman ang tanda ng Ate ni Chelsie sa 'kin, eh. Ayaw niya nga sana na tawagin ko siyang Ate dahil nga isang taon lang naman daw ang tanda niya sa 'kin pero makulit ako, eh.

Tapos si Chelsie naman dalawang taon tapos ano, ay basta. H'wag na natin pag-usapan yarn, baka malito pa kayo, eh.

"Grabe kayo sa 'kin, ah." Pag-iinarte niya kaya mas lalo kaming natawa ni Ate Maxlyn.

Magsasalita sana 'yung Ate niya nang may marinig kaming nagsalita kaya napalingon kami sa pinanggalinan no'n.

"Bakit ang ingay mo, Chelsie Grace?"

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now