Nakatitig lang ako kay Timothy matapos kong marinig ang sinabi niya. Narinig ko lang din ang pagsinghap nila Mama.
No! Hindi pwede 'yon!
Magbabonding pa nga kami ni kuya, eh. Iinisin ko pa nga siya, aasarin kaya hindi pwedeng kunin siya sa 'min agad.
"Timothy, totoo ba 'yan?" tanong ko at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ko ang pag-iyak ko.
Napalingon ako kay Mama nang hawakan niya ako sa braso ko. Naiiyak na din siya.
Nang hindi magsalita si Timothy ay napatingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Phenelopy." agad akong tumingin kay Timothy nang tawagin niya ako.
Si ate naman na katabi niya ay nakatulala. Malalim ang iniisip. Mukhang hindi rin niya inaasahan ang sinabi ni Timothy.
"Hmm?" tanging sabi ko lang at pinunasan ang pisnge ko na may luha.
"Kasi..." sabi niya at napakamot sa batok.
"Ano na bang balita kay kuya? Buhay naman siya 'di ba?" umaasang tanong ko.
"Oo, buhay 'yun kasi nga..." naputol ang sasabihin niya dahil nagsalita ako agad.
"Kasi ano?" kunot noong tanong ko. Gusto ko ng puntahan si kuya ko.
"Kasi ano... hindi naman totoo 'yung sinabi ko. Hindi naman nag crash 'yung eroplanong sinasakyan niya. Binibiro lang kita." parang gusto ko siyang patayin dahil sa sinabi niya.
"Anong sabi mo?!" gigil na singhal ko.
Agad naman siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya dahil sa biglaang pagtayo ko. Tinaas niya pa ang dalawang kamay niya na parang nasuko siya sa police.
"Gago ka pala, eh!" singhal din ni ate sa kaniya at binatukan siya na ikinangiwi niya. Pinagalitan din naman siya ni Mama.
Sobrang kaba at takot ang naramdaman ko tapos sasabihin niya sa 'min 'yan? Hindi magandang biro 'yon!
"Sorry na!" sabi niya at ng akmang babatuhin ko siya ng kutsara ay agad siyang sumigaw. Napigilan din kasi ako ni Mama agad.
"Sorry na nga, eh! Hindi naman kasi 'yun 'yung sasabihin ko pero totoo 'yung sinabi ko na napaaga 'yung balik niya dito. Totoo ding siya 'yung tumawag sa 'kin kanina. Kausap ko siya. Sinabi niya na nasa hospital siya kasi nadisgrasya siya. Binangga 'yung kotse niya. Papunta kasi 'yun dito sa bahay niyo tapos ayon nga, nangyare 'yon. Sorry na." paliwanag niya agad. Napahilamos naman ako sa mukha ko.
Ang sarap niyang tiikin. Gusto ko siyang itakin ngayon sa totoo lang.
"Jusko." rinig kong sabi ni Mama at napahawak sa dibdib niya.
"Ayos lang ba siya?" nag-aalalang tanong ni Mama. Nanghihinang napaupo na lang ako ulit sa kinauupuan ko kanina.
Nanghina ang tuhod ko dahil sa sinabi ni Timothy kanina. Kingina, hindi nakakatuwa 'yung biro niya.
Pero napahamak pa din siya. Kailangan ko siyang puntahan para kumustahin. Nag-aalala ako.
Mamaya ko na tatagain ng itak 'tong hayop na Timothy na 'to.
"Uy, uy sa'n ka pupunta?" takang tanong niya ng nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko para kunin ang pera at cellphone ko. Pupuntahan ko na si kuya.
Nang huminto ako ay huminto rin siya. Napalunok pa siya ng masama ang tingin ko sa kaniya.
May pasabi-sabi siyang kahinaan niya kapag nagalit ako pero bakit gustong-gusto niyang ginagagalit ako? Gago ba siya?
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.