CHAPTER 7

208 8 0
                                    

PHENELOPY

Napataas ang isa kong kilay nang makita kong may isang napakagandang kotse ang nakaparada sa harap ng bahay namin.

May mayamang bisita sila Mama?

Pero wala akong maalala na may kaibigang mayaman ang Nanay ko o ang Tatay ko lalo naman si Ate.

"Baka nakiparada lang." Iiling-iling na sabi ko at pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.

Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa pinto ng bahay namin ng makita kong lumabas ng bahay si Mama at kasunod no'n ay isang lalaking matangkad na hindi ko nakita ang mukha sa kadahilanang may suot siyang face mask at nakasalamin pa. Kasunod naman niyang lumabas ay si Ate Lesley na kitang-kita ko ang magkasalubong niyang kilay.

Imbis na maglakad na ako padiretso sa bahay ay huminto muna ako sa may tindahan na kaharap ng bahay namin, pero ilang metro ang layo. Hindi pa ako nakikita nila Mama dahil busy sila sa pagkausap sa lalaking 'yon.

Bakit parang familiar sa 'kin?

Napailing na lang ako sa naisip ko at pinanood kong paanong pumasok ang lalaking bisita nila Mama sa kotse nito at pinaandar 'yon paalis.

Sa kaniya pala 'yung kotse na 'yon na nakaparada sa harap ng bahay namin, akala ko may nakiparada lang.

Nang mawala na ang kotse na 'yon ay dali-dali akong tumakbo palapit kila Mama at kita ko naman ang gulat sa mga mukha nila.

Napakunot tuloy ang noo ko. Bakit parang nakakita sila ng multo?

"Sino 'yon, Ate? Boyfriend mo ba 'yon?" Maya maya ay tanong ko at nakangisi pa ako nang tanungin ko 'yon. May pataas-taas kilay pa ako ng ilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Ano?! Yuck! Hindi ko boyfriend 'yon, tabi nga!" Napanguso ako ng itulak lang ni Ate ang mukha ko palayo sa mukha niya at padabog siyang naglakad papasok sa loob ng bahay.

Problema no'n? Nagtatanong lang naman ako, ah.

Mahaba ang ngusong nilingon ko si Mama na nakangiti lang sa 'kin. Naglalambing na yumakap naman ako sa kaniya. Nilagay ko ang ulo ko sa may balikat niya habang yakap ko ang braso niya.

"Sino 'yon, Ma? Nakita ko 'yon. Akala niyo, ah. Hindi ko alam na may kilala kayong mayaman." Sabi ko habang gano'n pa rin ang pwesto namin.

Bago ako sagutin ni Mama ay inaya niya muna akong pumasok sa loob ng bahay.

"Kaibigan lang 'yun ng Ate mo." Nakangiting sabi ni Mama sa 'kin, agad ko namang narinig ang pagkadisgustong boses ni Ate.

"Kaibigan? Kailan pa? Never!" Sigaw niya at umirap pa sa 'min sabay padabog na naglakad papunta sa kwarto niya.

Nagkatinginan naman kami ni Mama at sabay kaming natawa. Hindi ko alam kung bakit ganiyan 'yang Ate ko.

"Nakakapagtaka lang na nakasalamin at face mask siya. Artista ba 'yon?" Tanong ko kay Mama na agad namang umiling.

"Basta, makikilala mo rin 'yon." Sabi na lang ni Mama kaya tumango na lang ako.

"Oo nga pala, iniimbitahan ka niyang pumunta sa birthday ng pinsan niya next week." Sabi ulit ni Mama na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit ako? Hindi naman kami magkakilala, ah." Takang sabi ko. Nakakapagtaka lang kasi.

"Busy kasi kaming dalawa ni Ate mo next week kaya sinabi namin na ikaw na lang ang pumunta dahil wala ka namang gagawin no'n at wala kang pasok." Sabi ni Mama kaya napatango na lang ako.

"Pero nakakahiya naman, Ma. Hindi ko siya kilala tapos hindi ko rin kilala 'yung pinsan niya. Wala akong kakilala do'n kaya maoop lang ako. H'wag na lang kaya, Ma." Sabi ko pa kaya sinamaan niya ako ng tingin. Pero familiar siya sa 'kin. Nakita ko na ba siya?

"Ano ka ba. Mas nakakahiya kung tatanggihan natin ang imbitasyon niya. H'wg kang mag-alala dahil kasama do'n ang kaibigan mo dahil 'yung Kuya ng kaibigan mo ay kaibigan niya kaya hindi ka maoop do'n." Sabi ni Mama kaya napangiti na din ako at tumango.

Hindi na rin pala masama dahil kasama ko naman pala si Chelsie do'n. Iba talaga kapag mayaman, eh, noh? Halos imbitado ka sa lahat ng okasyon ng mga ano, ganiyan, basta.

Matapos ng usapan namin ni Mama ay nagpunta na ako sa kwarto ko para magbihis. Galing kasi akong school, kakauwe ko lang.

"Ghorl!" Masayang bati ko sa babaita kong kaibigan sa cellphone. Magka video call kaming dalawa ngayon.

"Oh?"

"Sunduin mo ako dito sa bahay kapag pupunta na tayo do'n sa party party kemerut na 'yun, ah?" Sabi ko sa kaniya. Nakwento ko na 'yon sa kaniya kanina bago ko pa man siya ivideo call.

"Cge, tapos ako na bahala sa susuutin mo. My gosh! I'm eksayteddd!" Sabi niya at tumili pa, nawala tuloy ngiti sa labi ko.

"No need na, ghorl. Okay na ako sa pantalon at t-shirt." Sabi ko na ikinairap niya. Mas bagay sila ni Ate maging magkapatid dahil parehas silang fashionista.

"Gago ka ba?" Napangiwi na lang ako sa pagmumura niya sa 'kin.

"Party 'yun! Party ng mga mayayaman at kailangan 'yung damit mo do'n sosyal, bongga at hindi 'yung damit na pangtambay sa kanto!"

"Hoy! Grabe ka naman sa damit ko!" Sigaw ko sa kaniya dahilan para tumawa siya nang malakas.

"Basta, akong bahala sa 'yo." Sabi niya at nakangising nag thumbs up pa sa 'kin. Napairap na lang ako at tumango. Wala naman akong magagawa, eh kahit tumanggi ako. Mamimilit pa rin 'yan.

Pagtapos naming magchismisan ay pumunta na akong kusina muna para uminom ng tubig.

Natigilan lang ako sa pag-inom ng marinig ko ang pag-uusap nila Ate at Mama sa may sala. Malapit lang kasi ako sa pwesto nila.

"Paano kapag nalaman ni Phenelopy ang totoo at nagalit siya sa 'tin? Ma, hindi ko kayang makitang galit siya sa 'kin o sa 'tin." Rinig kong sabi ni Ate na ikinakunot ng noo ko.

Bakit naman ako magagalit?

"Wala, wala tayong ibang pwedeng gawin kung hindi tanggapin ang galit niya sa 'tin dahil normal 'yon at expected na 'yon." Sabi ni Mama at narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

Napalunok naman ako. Feeling ko 'yung tinatago nila sa 'kin ay hindi simpleng bagay lang.

Dahil hindi naman sila mag-iisip ng ganiyan kung simple lang ang tinatago nila sa 'kin.

Ilang araw ko na silang napapansin na ganiyan. Hindi ito ang unang beses na narinig kung nag-uusap sila nang ganiyan. Nasiguro ko na talaga ngayon na may tinatago sila sa 'kin.

Hindi lang ako nagsasalita dahil gusto kong sila mismo ang magsabi sa 'kin kung ano ang bagay na 'yon na tinatago nila sa 'kin.

To be continued...

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now