THIRD PERSON
"Sakay." Agad namang sumunod si Phenelopy sa sinabi nang lalaking naka itim sa kaniya ng nasa harapan na sila ng isang itim na sasakyan.
"Sungit naman nito." Bubulong-bulong pang sabi ni Phenelopy ng makapasok sa loob ng sasakyan.
Muntik pa siyang mapasigaw nang makitang may tao sa loob at seryosong nakatingin sa kaniya.
"Kuya, nakakatakot ka naman pong tumingin." Awkward na sabi niya at tumikhim ng hindi siya pinansin ng lalaking kinausap niya.
Palihim na lang siyang bumulong at umirap.
"Para namang may patay. Puro itim 'yung suot nila pati 'yung sasakyan itim din." Mahinang bulong niya pa ulit.
Nang makitang pumasok na ang lalaking sumundo sa kaniya sa room nila ay umayos na siya ng upo.
Nakaramdam naman siya ng takot at kaba dahil sa itsura nang dalawang lalaking nasa harapan niya. Natatakot siya sa dilim ng awra ng mga lalaking nasa harapan niya.
Sa may back seat kasi siya nakaupo at 'yung lalaking nakita niya pagkapasok niya sa kotse ang nasa driver seat at katabi nito ang lalaking pumunta sa room niya.
Nang magsimula ng umandar ang sasakyan ay tahimik lang siyang nagmamasid sa labas.
Nakatingin siya sa may bintana ng kotse para maiwasan ang tingin ng dalawang lalaki sa kaniya.
Kanina niya pa kasi nararamdaman ang tingin ng dalawa sa kaniya kaya kinikilabutan talaga siya.
Pero may tiwala naman siya sa nanay niya na hindi ito basta papayag na sumama siya sa mga lalaking ito kung hindi ito kilala nang nanay niya.
Ipinagtataka niya lang kung sino ang mga ito at kaano-ano sila ng nanay niya at kung saan ba siya dadalhin ng mga lalaking ito.
Hanggang sa dalawin siya ng antok kakatingin niya sa labas. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya.
"Gago ka, natakot sa 'tin 'yung kapatid ni boss. Bakit naman kasi gano'n tayo makatingin sa kaniya? Sure akong lagot tayo kay boss kapag nagsumbong 'yan. Baka akala ni Miss Phenelopy na may masama tayong balak sa kaniya." Sabi ng lalaking sumundo kay Phenelopy sa room nito sa lalaking nagdadrive.
"Gago, nakakatakot kasi 'yang mukha mo haha." Pang-aasar naman ng lalaking nagdadrive.
"Tangina mo talaga. Bahala ka kapag tayo napagalitan ni boss." Sabi na lang ng lalaking sumundo kay Phenelopy.
Nagkibit balikat lang naman ang lalaking nagdadrive.
Muling tiningnan ng lalaking sumundo kay Phenelopy sa room nito si Phenelopy ng makitang tulog na ito.
Nakasandal ang ulo nito sa may bintana ng kotse habang yakap ang bag nito.
"Hoy, tingnan mo. Nakakaawa naman siya tingnan diyan. Ayusin mo kaya, ihiga mo siya nang maayos." Sabi niya sa lalaking nagdadrive.
"Ayaw ko nga, baka mapatay pa ako ni boss kapag nalaman niyang hinawakan ko 'yung prinsesa niya." Sabi lang nito.
"Ay, oo nga pala, pero mangangalay kasi siya." Sabi niya pa at tiningnan ulit si Phenelopy.
"Bahala ka, gawin mo kung anong gusto mo. Ihahanda ko na lang ang kabaong mo." Sabi ng lalaking nagdadrive at tumawa kaya binatukan niya ito.
Natahimik lang sila ng tumunong ang cellphone ng lalaking sumundo kay Phenelopy sa room nito. Nang tingnan nila kung sino ang natawag ay sabay silang napalunok.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.