CHAPTER 35

134 1 0
                                    

"Ouch! Stop na! Masakit na, ah!" singhal ni Timothy habang hinaharang niya ang braso niya sa mukha niya at uluhan niya.

Nang maabutan ko kasi siya ay sinambunutan ko siya at hinampas nang hinampas.

"Bwiset ka talaga!" inis na sigaw ko at sinampal siya sa pisnge niya. Mahina lang naman.

After no'n ay tumigil na 'ko at nag walked out. Baka maitak ko na talaga siya, eh.

Natigil lang ako sa paglalakad ng marealize kong nasa isang beach resort nga pala kami. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Ay!" hiyaw ko nang bigla akong buhatin ng tukmol na 'to!

"Ibaba mo nga ako, leche ka!" gigil na sigaw ko at hinampas ang likod niya. Nasa likuran niya kasi ang mukha ko. Buhat niya ang hita ko. Basta 'yon.

"Ayoko nga. Kailangan muna nating mag-usap." sabi niya na ikinairap ko.

Kaya niya daw ako dinala dito ay dahil para mailayo ako kay Joseph. Nagseselos daw kasi siya kaya gano'n.

Nasapak ko siya sa balikat dahil sa sinabi niya. Kung ano-ano na lang pinagsasabi. Pinipigilan niya lang daw sarili niya na sapakin si Joseph at sugurin dahil ayaw niya daw na magalit ako.

Sa tingin niya hindi pa ako galit sa lagay na 'to?

Nang makarating kani sa isang cottage ay nilapag niya ako do'n. Sinipa ko pa ang paa niya nang umupo siya sa tabi ko.

"Huy, h'wag ka na galit." suyo niya na ikinangiwi ko.

Naka drugs ba 'to?

"Loko-loko man ako sa 'yong paningin, ang nararamdaman ko naman sayo'y totoo. Owshi mic drop." nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Iinom mo na lang 'yan ng gamot mo. Hindi ka lang ata nakainom ng gamot mo, eh." sabi ko at umirap. Ngumuso naman siya na ikinailing ko.

"Seryoso nga ako! Gusto nga kita!" singhal niya at nagpadyak pa na mukhang bata kaya mahina akong natawa.

Bwiset!

"Talaga? Hindi kasi halata. Loko-loko ka kasi kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." sabi ko na ikinairap niya.

"Oo nga! Edi papatunayan ko na lang sa 'yo. Ako na nga ang nagkakagusto sa 'yo, aarte ka pa? H'wag ka ng choosy." napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

"Ang hangin mo amp." sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Huh? Mahangin naman talaga, ah." sabi niya na ikinatawa ko. Slow amp.

"Ewan ko sa 'yo. Iuwe mo na nga lang ako. Baka hinahanap na 'ko nina kuya." sabi ko at ngumuso.

"Stop pouting, baka halikan kita ulit." dahil sa sinabi niya ay naalala ko ulit ang paghalik niya sa 'kin kanina.

Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng pisnge ko.

"Bwiset ka! First kiss ko kaya 'yon!" maya-maya ay singhal ko na ikinangisi niya lang.

"Sarap mong lunurin sa dagat!" gigil na sigaw ko at muli siyang sinambunutan na ikinatawa niya lang.

"Stop, stop na." sabi niya kaya tumigil na 'ko sa pagsambunot sa kaniya.

"Hindi ako hihingi ng sorry, Phen. Hindi ako mags-sorry dahil hinalikan kita." nakangising sabi niya na ikinainis ko lang lalo.

Bakit ba natatagalan ko ang lalaking 'to?

"By the way, I like you talaga, Phen. Maniwala ka na kasi. Kung ayaw mo maniwala edi papatunayan ko sa 'yo like what I said. Liligawan kita." My lips parted in shock to what he said.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now