CHAPTER 11

138 4 0
                                    

Isang linggo na matapos maganap 'yung birthday party ni Ms. Aliana. Ang masasabi ko lang naman ay ayos lang, nag-enjoy ako.

Nakakatuwa din na ipinakilala ako ni Kuyang Black kay Ms. Aliana. Nagulat nga ako no'n, eh. Hindi ko inaasahan.

"Ayusin niyo 'yung trabaho niyo, ah? Pupunta dito si Sir mamaya." Sabi nang manager nitong restaurant na pinagtatrabuhan ko.

Yes, nag t-trabaho ako. Ito ang unang araw ko dahil tuwing Sabado at Linggo lang naman ang trabaho ko dahil may pasok ako sa school kapag weekdays.

Kailangan kasi namin ng pera kaya need ko magtrabaho. Ayos lang naman sa 'kin na mag working student ako.

Ayaw pa nga ni Mama at Ate, eh pero pinilit ko sila kaya ayun, napapayag ko din. Buti na lang nga at pumayag na, eh. Akala ko hindi talaga sila papayag.

Wala din naman silang magagawa dahil 'yun 'yung gusto ko, eh tsaka gusto ko rin naman kasing tumulong sa kanila.

"Ikaw, Phenelopy umayos ka, ha? Bago ka pa naman." Sabi ni manager Shin kaya tumango na lang ako.

Babae si manager Shin at may pagka masungit siya tsaka ewan ko ba, pakiramdam ko ay ayaw niya sa 'kin.

Isa nga pala akong waitress dito. Medyo mahirap pero kakayanin ko naman para matulungan ko sila Mama sa mga bayarin.

Kulang kasi 'yung nakukuha nilang sahod para sa mga dapat naming bayaran kaya kailangan kong magtrabaho para makatulong.

"Ay putah!" Gulat na sigaw ko ng may bigla na lang nagbuhos ng juice sa 'kin.

Inis na tiningnan ko 'yung walang hiyang gumawa sa 'kin no' n. Nabadtrip ako do'n, ah!

"Problema mo?" Inis na tanong ko. Napapatingin na din sa 'min 'yung ibang mga costumer na nandito.

Ang ganda-ganda ng pagbibigay ko ng mga order nilang pagkain tapos may bigla na lang gagano'n sa 'kin?

Unang araw ko pa naman.

"Ikaw lang naman ang babaeng lumalandi sa fiance ko! Akala mo ba hindi kita mahahanap." Gigil na sabi niya, agad namang kumunot ang noo ko.

"Pinagsasabi mo?" Iritang tanong ko. Iniistorbo niya ang oras ng trabaho ko.

"Aba! Nagmamaang-maangan ka pa, ah." Sabi niya at gano'n na lang ang gulat ko ng bigla niya akong sugurin at sambunutan.

Dahil nga sa gulat ay hindi agad ako naka react kaya ayun, nakawawa niya ako. May ibang costumer na kinukuhanan na kami ng video.

Aba! Ang lulupit din ng mga 'to, ah! Imbis na awatin gumaganiyan pa sila.Ito problema sa mga pilipino eh.

"Anak ng! Bitawan mo nga ako!" Inis na sigaw ko sa kaniya at todo awat ako sa kaniya sa pagsabunot sa 'kin.

Ang sakit na sa anit, eh. Nananahimik lang naman ako dito tapos bigla na lang siyang susulpot diyan. Gusto ko lang naman magtrabaho ng maayos.

Tumigil lang siya nang inawat na kami ni manager Shin pero ang sama pa din ng tingin niya sa 'kin. Napahawak tuloy ako sa ulo ko dahil sa sakit. Ang sakit kaya masambunutan.

"Phenelopy! Ano bang nangyayare?" Galit na tanong ni manager Shin.

"Hindi ko po alam, manager. Nagt-trabaho lang naman po ako dito tapos bigla na lang siyang sumugod sa 'kin." Paliwanag ko.

"Sa tingin mo maniniwala ako sa 'yo? Hindi mo ba kilala 'yang kinalaban mo?" Galit pang tanong ni manager Shin.

Nagtanong ka pa, langya.

Abay, shuta! Ako pa mali. Ako na nga sinaktan dito, eh. Ni hindi man lang ako nakalaban.

"Hindi. Sino ba 'yan?" Tarantado pang tanong ko. Hindi naman makapaniwalang nakatingin sa 'kin 'yung bruhang nanabunot sa 'kin at si manager Shin.

Nagtataka talaga ako kung sino bang fiance ang tinutukoy niya. Wala naman akong maalala na may nakausap akong lalaki.

"Fiance siya ng boss natin, Phenelopy! Ano ba!" Galit na sabi ni manager Shin.

"Oh, tapos?" Kunot noong tanong ko. Wala na akong pakealam kung mas lalo silang magalit sa 'kin.

"Walang hiya ka talagang babae ka, eh, noh?!"

"Gago ka ba?!" Inis ng sigaw ko. Pasensyahan tayo, ininis niyo na ako. Hindi naman ako pala mura pero dahil sa babaeng 'to mapapamura ako, eh.

Napaawang naman ang labi niya dahil sa sinigaw ko.

"Ni hindi ko pa nga nakikita 'yung boss namin tapos sasabihin mo sa 'kin na nilalandi ko siya." Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Sigurado ka bang ako 'yung nakita mo? Uso magtanong bago sumugod, ha!" Gigil na sigaw ko at kulang na lang hambalusin ko siya.

"Hindi ako tanga! Sigurado akong ikaw 'yon!" Sigaw niya pa at gano'n na lang ang gulat ko ng kunin niya 'yung baso sa katabi niyang lamesa at ihampas 'yon sa ulo ko.

Rinig ko ang singhapan ng mga taong nandito at nila manager Shin.

Punyetang babaeng 'to!

Agad akong napangiwi dahil sa sakit na idinulot no'n sa 'kin. Muntik pa akong mapaupo sa sahig dahil sa ginawa niyang 'yon pero may agad namang nakasalo sa 'kin.

"What the fuck, Lucy?!" Natahimik ang lahat dahil sa nakakatakot na sigaw na 'yon nang taong sumalo sa 'kin ng muntik na akong matumba.

Dahil lang sa punyetang lalaki gagantuhin niya ako? Bwiset na 'yan. Kung pwede lang pumatay, napatay ko na 'yang babaeng 'yan.

Ang sakit ng ulo ko, ah. Ramdam ko na rin 'yung hilo ko. Siyempre, babasaging baso 'yon. Ihampas daw ba sa ulo ko, sinong hindi mapapaiyak sa sakit no'n?

Nang hawakan ko nga 'yung ulo ko ay naramdaman kong basa. Pagtingin ko sa daliri ko may dugo na. Natatakot nga ako dahil baka may bubog sa ulo ko.

Ayoko pa mamatay dahil lang sa bubog na 'yan.

"Hey, open your eyes." Pilit kong binuksan ang mata ko ng marinig ko ang nag-aalalang boses na 'yon.

Halos maduling ako sa lapit niya sa 'kin. Hindi ko pa makita ng maayos 'yung mukha niya dahil nagdadalawa siya sa mata ko.

Maya-maya ay luminaw na ang paningin ko at malinaw ko na ring nakita ang taong 'yon.

Nanlaki pa ang mata ko ng malamang si Kuyang Black 'yon. Mah goodness! Anong ginagawa niya dito?

"H-hon." Rinig ko pang tawag ng letcheng babaeng 'yon pero hindi siya pinansin ni Kuyang Black.

So, siya 'yung boss namin at 'yung fiance nitong babaeng 'to? Mah goodness! Ang pangit naman ng napiling maging asawa ni Kuyang Black.

Tsaka FYI lang, hindi ko naman nilalandi 'yang si Kuyang Black, ah!

"Don't close your eyes." Sabi ni Kuyang Black at natataranta pa nga. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa.

Naririnig kong may kausap siya pero hindi ko na maintindihan kung anong pinag-uusapan nila. Naramdaman ko na lang na binuhat ako at hindi ko na alam ang nangyare.

To be continued...

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now