PHENELOPY
"Ma! Alis na po ako!" Sigaw ko, nasa kusina kasi si Mama. Wala ata siyang pasok, eh.
Minsan talaga iba-iba tawag ko kay Mama. Minsan Nanay, Inay, Mama, ganern. May topak lang ako kapag gano'n.
Nang sumigaw na din si Mama ay umalis na din ako dahil malapit na akong ma-late. Na-late ako ng gising, eh. Nakakaloka naman.
Tatlong araw na din simula no'ng nangyare sa 'kin sa pinagtatrabuhan ko at no'ng nasa condo ako ni Kuyang Black.
Siya pala tumulong sa 'kin no'n tsaka siya pala boss namin. Nakakaloka lang naman. Simula din no'n ay hindi na ako pinapasok ni Mama do'n kaya no choice ako kung hindi mag resign.
Sayang din 'yon pero ayaw na akong pabalikin do'n ni Mama, eh. Nagalit nga din si Ate, hayst.
Kahit si Kuyang Black hindi na ako pinapasok do'n. I don't know why, but binayaran naman ako. Wala na din akong benda sa ulo, kery bells ko naman na.
"Teh, I have some chika." Bungad agad sa 'kin ni Chelsie ng makapasok ako sa room.
"Ano naman 'yan?" Kunot noong tanong ko ng makaupo ako sa upuan ko. Umupo din naman siya sa tabi ko. Chismosa talaga 'tong babaeng 'to, eh.
Alam din ni Chelsie 'yung nangyare sa 'kin. Kwenento ko sa kaniya 'yon. Kahit na may benda ako sa ulo ay pumasok pa rin ako sa school. Siyempre, hindi ako pwedeng umabsent, noh. Hate ko 'yon, eh.
"Ay, nevermind na lang pala." Sabi niya kaya agad ko siyang hinampas na ikinangiwi niya.
"Curious na 'ko, eh tapos gano'n? Langya ka, umalis ka nga sa harapan ko at baka masampal kita." Sabi ko at sabay din kaming natawa na dalawa.
Oh, 'di ba? Para kaming mga tanga. Ganito talaga kami. Tapos isa din pala akong chismosa, napakagaling.
At ayun nga, hindi niya na na-kwento 'yung chika niya daw dahil dumating na 'yung Prof namin.
Tulad ng nakasanayan ay buong oras ng klase ay lutang ako. Wala akong naiintindihan pero nakakasagot pa din naman ako kapag natawag ako.
Buti na lang talaga nakakasagot ako dahil kung hindi, hindi ko kakayanin na mapahiya sa buong klase.
Nang mag lunch break ay sabay kami ni Chelsie na lumabas ng room. Agad ngang nawala ang mood ko ng makitang nasa labas ng room namin 'yung letcheng Kuya ni Chelsie.
"Hoy, Chelsie. Mamayang uwian sumabay ka kay Maxlyn, may pupuntahan kayo." Sabi niya kay Chelsie, napairap lang naman ako.
Akala niya nalimutan ko na 'yung sagutan namin sa condo ni Kuyang Black? Pasalamat talaga siya at nasa harap na namin si Kuyang Black no'n at hindi ko siya masapak.
Nakakainis talaga 'yang lalaking 'yan. Bakit ba siya pinanganak sa mundong 'to?
Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan 'yan ni Kuyang Black, eh tsaka bakit naman sa dami ng pwede niyang magbantay sa 'kin no'n ay 'yang Timothy pa ang napili niya?
"May galit ka ba sa 'kin? Kanina ka pa irap nang irap sa 'kin, eh." Natauhan ako ng marinig ko ang nakakairita niyang boses.
Nilingon ko si Chelsie na pigil na tumatawa sa harap ko.
"Nandito ka kasi kaya sira na naman araw ko." Sabi ko ng harapin ko siya ulit. Agad namang tumaas ang isang kilay niya.
"Same. Makita ko lang 'yang mukha mo, pumapangit na din 'yung araw ko. Nakakawala ka ng mood. 'Yung tipong masaya ako tapos kapag makikita kita, 'yang mukha mo bigla na lang akong maiirita. Tsk, napaka panira mo ng araw." Dahil sa sinabi niya ay parang gusto ko siyang bugbugin.
"Chelsie, kapatid mo ba talaga 'to?" Inis na tanong ko kay Chelsie na natawa lang.
Natatawang tumango siya sa tanong ko. Dahil sa pagkainis ay nag walk out na lang ako.
Tarantado 'yung leche na 'yon, pisti!
Narinig ko pang sumigaw 'yung gago pero hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang akong naglakad habang nakakunot ang noo ko.
Nakakabwiset talaga siya, punyeta! Lumalabas tuloy 'yung pagiging maldita ko.
Napaka asar talo ko pa naman. Oo, aminado akong asar talo ako. Mabilis akong mainis, hayst!
Pagdating ko sa Cafeteria ay padabog na nilapag ko pa sa lamesa 'yung binili kong pagkain.
Hindi ko pinansin si Chelsie na nakaupo na rin sa harap ko. Badtrip talaga ako.
"Kinikilig ako sa inyo ni Kuya. My goodness! Ship!" Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya pero tinawanan niya lang ako.
"Manahimik ka diyan, Chelsie, ah kung ayaw mong sa 'yo ko ibunton 'yung inis ko sa Kuya mo." Sabi ko kaya natahimik na siya.
Tahimik lang tuloy kami habang nakain. Nang matapos ay dire-diretso lang kaming bumalik sa room namin.
Mabilis talaga akong maasar at mawala sa mood. Nakakaloka nga, eh, hayst.
Napakagat ako sa ibabang labi ko ng may maalala ako bigla.
Nalimutan ko pa lang itanong si Mama at Ate na kung bakit kilala nila si Kuyang Black at kung bakit ako inaya ni Kuyang Black sa birthday ng pinsan niya.
Siguro, mamaya na lang. Isang linggo mahigit na ang lumipas, eh tapos nakalimutan ko pang itanong 'yon. Medyo nakalimutan ko na kasi 'yung tungkol do'n.
Kailangan kong malaman kung bakit kilala nila Mama si Kuyang Black at kung bakit kilala din ni Kuyang Black sila Mama.
May tinatago sila, eh. Nararamdaman ko talaga. Sana kung meron man ay 'yung hindi sana ako masasaktan.
"Yes po, Ate Maxlyn. I'll wait you here naman." Rinig kong sabi ni Chelsie kaya napalingon ako sa kaniya.
Magkatabi lang naman kami at wala pa 'yung Prof namin kaya nakakaganiyan pa siya.
"Saan ba tayo pupunta?" Rinig ko ulit na sabi niya at hindi ko na pinakinggan pa 'yung iba niyang sinabi.
Lutang na naman ako buong klase. Hanggang sa mag-uwian ay lutang ako. Ni hindi ko nga namalayan na umalis na si Chelsie kasama si Ate Maxlyn.
Natauhan lang ako ng mahagip ng mata ko 'yung Kuya ni Chelsie, si Timothy. Naglalakad na kasi ako papunta sa tricykelan para sumakay pauwe sa bahay.
Nakita kong sumakay siya ng motor at pinaharurot 'yon nang mabilis. Tinanggal niya kasi 'yung suot niyang helmet tapos sinuot niya ulit, ay basta.
I mean nakahinto kasi 'yung motor niya sa tabi, mukhang may binili lang siya kaya siya nakahinto. Nakahubad kasi 'yung helmet niya no'ng naglakad na siya papunta sa motor niya tapos no'ng makaupo na siya ay sinuot niya na ulit. Basta nakita ko na siya 'yon, hindi naman gaano malabo mata ko para hindi malaman na siya 'yon.
Ang pinagtataka ko lang, sino 'yung angkas niyang babae?
To be continued...
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.