PHENELOPY
Napabuntong hininga ako habang nakain ng almusal. Ang tahimik namin. Simula ng umuwe ako dito nang malaman ko ang katotohanan ay tahimik lang sila Mama, gano'n din naman ako.
Hindi ko sila pinansin no'n. Dire-diretso lang akong pumasok sa kwarto ko. Mukhang alam na nila na may alam ako.
Wala pa ako sa mood na kausapin sila. Tatlong araw na kaming hindi nagkikibuan. Nakikiramdam lang sila Mama.
Alam kong gusto na nila akong kausapin pero nararamdaman nilang ayaw ko pa kaya tahimik lang sila.
Hindi ko talaga inaasahan na magagawa nila sa 'kin 'to. Hindi ako galit, totoo 'yon. Kahit gusto kong magalit ay hindi ko magawa.
Kinakausap lang nila ako kapag may sasabihin sila. Sasagot din naman ako pero hindi na 'ko gano'n kasigla katulad noon.
Tatlong araw ko na ring hindi nakikita at nakakausap si kuyang black. Namimiss ko na siya, aminado ako do'n.
Balak ko naman na silang kausapin kaya pupunta ako kay kuyang black mamaya para pakinggan ang mga gusto nilang sabihin sa 'kin.
Marami akong gustong itanong, hindi ko nga alam kung anong uunahin kong itanong, psh.
Sa tatlong araw din na lumipas ay hindi ako nakatulog ng maayos. Tapos dagdag pa 'yung Timothy na 'yon na laging nakabuntot sa 'kin.
"Pag-uwe ko mamaya, Mama mag-uusap-usap tayo kasama si kuyang black." Basag ko sa katahimikan.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na kuyang black ang itawag sa kaniya.
Natigilan naman sila. Sinabi ko 'yon nang hindi nakatingin sa kanila. Nasa plato ko pa rin ang tingin ko.
Si Papa maagang umalis. May trabaho siya. Lagi naman siya maagang naalis. Si Mama hindi ko alam, hindi na ata siya napasok.
Ito na ang oras para kausapin ko sila. Gusto ko na rin namang maliwanagan. Binigyan ko lang ang sarili ko ng oras para maghanda. Gusto ko ng maayos kaming lahat.
"S-sige, kung 'yan ang gusto mo." Sabi ni Mama at napatikhim naman si ate.
Matapos no'n ay natahimik na kami ulit. Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na 'ko sa kanila. Walang pasok si ate ngayon.
Kahit na gano'n ang pakikitungo ko sa kanila ng tatlong araw ay nagpapaalam pa rin naman ako sa kanila.
Tulad ng inaasahan ko paglabas ko ng bahay ay nakita ko na do'n ang kotse ng isang Timothy.
Simula no'ng hindi ko sinasadyang sumakay sa kotse niya ay lagi na siyang nabuntot sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit.
Nagulat na lang ako kinabukasan no'n na nasa labas na siya ng bahay, inaabangan ako. Hinahatid at sundo niya ako papunta sa school at pauwe sa bahay. Basta kung nasaan ako nando'n din siya.
Nabibwiset na nga ako sa ginagawa niya, eh pero napagod na akong singhalan siya kaya hinayaan ko na lang siya sa trip niya sa buhay.
Sa tuwing tatanungin ko siya ay wala naman siyang sinasabi. Minsan ay iniiba niya ang topic.
"Pasok na, binibining hindi kilos binibini." Sabi niya at nauna ng pumasok sa loob ng kotse niya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa inis. Napairap pa ako bago naglakad papasok ng kotse niya.
Napaka gentleman niya talaga, talaga naman.
Pagpasok ko sa loob ng kotse niya at ng maisarado ko ang pinto ng kotse niya ay napasinghap ako nang bigla niya na lang pinaandar 'yung kotse niya.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.