CHAPTER 19

130 3 0
                                    

"Hoy, pandak!" napabuntong hininga na lang ako ng tawagin niya na naman akong pandak.

Ang ayos na kasi ng usapan namin dito nila Ate Robelyn, eh bakit kasi dumating pa 'to?

"Hoy, Kuya panay ka asar. Shut up kana nga lang diyan." Inis na sabi ni Ate Robelyn sa kaniya.

"Huh? Asar? Hindi ko naman siya inaasar, ah." Sabi niya pa at naglakad papunta sa pwesto namin.

Naupo siya sa isang sofa na katabi ng pang-isahang sofa na kinauupuan ni Ate Robelyn.

"Eh 'di ba ang pagtawag mo sa kaniya ng pandak ay pang-aasar na 'yon?" Takang sabi naman ni Chelsie.

"Oo nga." Pagsang-ayon naman ni Ate Robelyn.

"Aba, aba." Nasabi lang ni Timothy na ikinairap ko.

"Bakla ata 'yang Kuya niyo kaya ang lakas mang-asar nang babae." Sabi ko na ikinatawa naman nila.

"Anong sabi mo?! Ako?! Bakla?! Baka gusto mong halikan kita ngayon." Sabi niya na ikinataas ng kilay ko.

"Share mo lang?" Sarcastic na tanong ko.

"Share mo lang?" Panggagaya niya pa na ikinairap ko na lang.

Please lang, ilayo niyo sa 'kin 'yang lalaking 'yan at baka mabayagan ko 'yan.

Napapikit na lang ako sa inis na nararamdaman ko. Mabilis kasi talaga akong mainis kahit simpleng ano lang 'yan.

"Timothy." Seryosong tawag ko sa kaniya nang imulat ko ang mata ko at ang nakataas na isang kilay niya ang bumungad sa 'kin ng tingnan ko siya.

"Yes, pandak?" Tanong niya naman nang may nakakalokong ngisi sa labi.

Nanonood lang din naman sa 'min 'yung dalawa niyang kapatid.

"Tangina mong hayop ka, bakit ka pa nabuhay sa mundong 'to, pakyu ka, sagad!" Napaawang ang mga labi nila dahil sa malulutong kong mura.

Siyempre, ito ang unang beses na narinig ako nila Chelsie na nagmura nang ganito kalutong, eh. Nagmumura ako pero hindi ganito kalutong.

"The fuck?" Hindi makapaniwalang nasabi ni Timothy. Nginisihan ko lang naman siya.

"Magkapatid nga kayo." Sabi niya pa na ikinakunot ng noo ko.

"Anong sabi mo? Anong magkapatid?" Kunot noong tanong ko.

"Magkapatid, magkapatid talaga kayo ni Satanas." Sabi niya sabay tumawa siya nang malakas.

Nang akmang tatayo na ako para sugurin siya nang agad na akong napigilan ni Chelsie.

"Kalma lang." Sabi ni Chelsie sa 'kin pero nagpipigil naman siya ng tawa.

Kung pag-untugin ko kaya 'tong magkapatid na 'to?

"Hayst, bwiset!" Inis na sigaw ko at padabog na tumayo at naglakad paalis do'n.

Narinig ko pa ang nakakairitang tawa ni Timothy. Bwiset talaga 'yung lalaking 'yon!

Narinig ko rin na tinawag ako nila Ate Robelyn at Chelsie pero ni isa sa kanila ay wala akong nilingon.

Badtrip talaga ako sa Kuya nila kaya umalis na ako do'n. Baka may magawa pa ako sa Kuya nila kapag nagtagal pa ako do'n.

Siguro kulang sa buwan 'yung lalaking 'yon nang ipinanganak kaya sinto-sinto siya. Buti na lang hindi gano'n si Ate Robelyn at Chelsie.

Napabuntong hininga ako ng dalhin ako ng mga paa ko sa garden ng bahay nila.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now