CHAPTER 32

117 2 0
                                    

TIMOTHY

Sisipol-sipol na naglakad ako papasok ng bahay, I mean mansyon ni Kaiver. Kilala naman na 'ko dito kaya diretso na 'ko pumasok. Feel at home ako dito lagi, nuh.

Akmang papasok na 'ko sa loob nang mag ring 'yung cellphone ko, may natawag kaya irita kong kinuha 'yon sa bulsa ng suot kong pantalon at sinagot nang malamang ang kapatid ko ang natawag.

"Oh? Problema mo at tumawag ka?" agad na bungad ko.

Hindi pa muna ako tuluyang pumasok sa loob ng mansyon ni Kaiver. Sa may garden nila ako dumiretso.

Actually, kaya lang naman ako nandito ay dahil manggugulo ako, lalo na at alam kong dito na nakatira 'yung kapatid niya.

Madalas rin naman ako dito no'ng wala pa dito ang kapatid niya at hindi ko pa alam na may kapatid siya dahil trip ko ring guluhin si Kaiver pero dahil nandito na rin si Phenelopy na gustong-gusto ko ding asarin tulad ng kuya niya ay mas natuwa pa 'ko dahil araw-araw magiging masaya ang araw ko.

Hindi ko lang gustong asarin, gusto ko rin siya, charot. Charot ulit dahil gusto ko talaga siya, shhh. Kaya nga lagi akong nagpapapansin do'n. Manhid ata ang baliw na 'yon, 'di makaramdam, amp.

Hindi ko alam pero narealize ko na lang na gusto ko siya. Gusto ko pa lang naman ata hindi pa love. Shit, ang corny amputa.

Ano bang nakain ko at nagustuhan ko 'yung babaeng 'yon?

Taena, mukhang mayayari pa ako kay Kaiver kapag nalaman niyang gusto ko 'yung prinsesa niya. Taenang 'yan kasi, malay ko bang tatamaan ako ng pana ni kupido.

Gustong-gusto ko siyang asarin, na 'yung tipong nagsasalabong na 'yung kilay niya sa tuwing naiinis siya sa 'kin.

Tapos ayaw ko din na nakikita siyang umiiyak dahil parang pinipiga 'yung puso ko sa sakit dahil nakirot 'yon sa tuwing nakikita ko siyang gano'n.

Ayaw ko ring nakikita siyang galit sa 'kin. Kahinaan ko 'yon pati makita siyang umiyak. Tangnang 'yan, nababaliw na yata ako. Hindi naman ako ganito no'n, eh.

Ano bang ginawa sa 'kin ng babaeng 'yon?

"Kuya! Are you listening?!" napamura ako nang malutong nang sumigaw si Chelsie. Nailayo ko pa ang cellphone ko sa tainga ko.

"Ano ba 'yon, Chelsie? Bwiset, sakit sa tainga. Tanggalan kaya kita ng boses?" iritang tanong ko pero narinig ko lang ang tawa niya at ni Robelyn.

"Sorry na, kuya. Labyah, muah!" napailing na lang ako sa sinabi niya.

Pasalamat talaga siya kapatid ko siya at mahal ko siya dahil kung hindi ay nasupalpal ko siya.

"May papabili lang kasi kami ni ate Robelyn, 'di ba ate Robelyn?"

"Yup, kuya."

Rinig kong sabi nilang dalawa kaya napairap na lang ako. Baka kung ano na namang ipabili sa 'kin ng mga 'to.

"Ano naman 'yon? Ayusin niyo, ah!Kapag 'yan kalokohan lang, kaltok kayo sa 'kin mamaya pag-uwe ko." sabi ko pero tumawa lang sila.

"Hindi naman 'to kalokohan, kuya. Papabili lang kami napkin." nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ano ba 'yan! Ako na naman bibili niyan?! Ayst!" reklamo ko pero tinawanan lang ako.

"Sige na, kuya. Lab mo naman kami 'di ba?" napairap na lang ako. Kung hindi ko lang talaga kapatid 'to nakatikim na sa 'kin 'to, eh.

"Hayst, sige na. Ako na, bwiset na 'yan. Bye na." sabi ko at pinatay na ang tawag.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now