PHENELOPY
"So hindi pala totoo 'yung sinasabi sa 'yo ng Mama mo noon at about sa tatay mo kenemy kenemy ganiyan?" tanong ni Chelsie na ikinatango ko.
Ngayon lang kami nagkaroon ng time na pag-usapan ang tungkol diyan. Tamad ako, eh kaya ngayon lang tsaka naging busy din.
"Pero sabi sa 'kin ni Mama no'ng nagpaliwanag siya sa 'kin ay totoong tatay ko daw 'yung dinadalaw ko. Doon sa part na 'yun lang daw sila hindi nagsinungaling." sabi ko na ikinatango niya naman.
Akala ko pati 'yon ay hindi totoo. Lahat ng sinabi sa 'min ni Mama noon ay hindi totoo. Na magkaiba lang kami ng tatay ni ate. Ang totoo pala ay totoong magpamilya sila at walang hiwalayan na naganap.
Walang ibang naging asawa si Mama kung hindi si Papa lang. Ang Papa ni ate Lesley.
'Yung katabi daw no'ng libingan ng tatay ko ay sa nanay ko kaya tuwing nadalaw ako o kami doon ay nagtataka ako kung bakit meron no'n doon akala ko ibang tao, hindi naman pala.
"Hmm, pero masaya ako para sa 'yo, Bessy dahil mayroon kang kuyang fogi." sabi niya at humagikgik kaya natawa ako habang naiiling.
Naglalakad na kami papunta sa cafeteria. Isang buwan na ang nakalipas matapos no'ng Ms. and Mr. Campus 2020 at 'yung pag-amin at pag-uusap namin ni Timothy sa isang beach resort. Tagal na rin pala.
At ang bida-bida totoo ngang niligawan ako. Kung ano-ano ng pinaggagawa ng loko. Hinayaan ko lang naman siya sa kung anong trip niya sa buhay.
"Kumusta naman kayo ni Joseph?" tanong ko ng makaupo na kami. Naka order na rin kami ng pagkain namin.
Hindi ko na siya natanong doon. Nalimutan ko kasi, ngayon lang ako makakatanong sa kaniya non.
"H-huh?" painosente niyang sabi. Natawa naman ako.
"Ikaw, ah. Bakit hindi ka nagsasabi na may something kayo ni Joseph? Tsk tsk, parang hindi kaibigan, ah." naiiling na sabi ko at kumagat sa burger na hawak ko.
"Luh, wala kaming something." sabi niya at umiwas pa ng tingin.
"Kwento mo sa pagong, Chelsie. Nagsabi sa 'kin si Joseph no'ng araw ng Ms. and Mr. Campus 2020 na gusto ka daw niya. Susuyuin ka pa nga daw niya dahil nagselos ka daw sa 'min kaya hindi na siya nakatapos ng kwento sa 'kin kasi nakita ka na niya at hinabol ka." kwento ko at nagkibit balikat.
"'Yung totoo, ano na kayo ngayon?" tanong ko pa ulit at pinanlakihan siya ng mata ng tingnan niya ako. Inirapan lang naman ako ng gaga.
"Uy, parang tanga naman 'to." asar na sabi ko ng hindi siya nasagot.
"Nanliligaw siya sa 'kin, masaya ka na?" tumawa lang naman ako sa kaniya.
"Yiee, sagutin mo na." natatawang sabi ko pero inismiran niya lang ako.
"Lakas mong mang-asar, ah parang hindi ko alam na nililigawan ka ng kuya ko. Yiee, sagutin mo na." sabi niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko at napatikhim.
Ginaya pa ako sa huli.
"Oh? Natahimik ka? Kala mo, ah. Parang hindi kaibigan, ah." sabi niya, ginagaya ang sinasabi ko kanina.
Naalala ko na hindi ko nga din pala nasabi sa kaniya 'yon. Ano ba 'yan. Lagi na lang akong naiisahan ng kaibigan kong 'to, ah.
"Tseh! Kumain ka na nga lang tsaka hayaan mo 'yang kuya mo, trip lang ako niyan." sabi ko na ikinatawa niya lang.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Fiksi RemajaPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.