"Kuya, kain ka na." nakangiting sabi ko kay kuya habang hinahanda ko ang pagkain niya.
Nandito ako sa hospital ngayon kung nasaan siya. Dalawang araw na rin ang nakalipas nang puntahan namin siya dito nila Timothy kasama sila Mama ko.
Nagulat nga siya, eh. Hindi niya inaasahan na darating kami dito. Nagulat siya lalo nang tumakbo ako palapit sa kaniya at yakapin siya nang mahigpit. Umiyak pa 'ko no'n no'ng niyakap ko siya. Tumawa nga lang siya, eh.
Hindi pa kami nakakapag-usap about sa 'min ni kuya. About sa tunay kong pagkatao, ganiyan. Gusto ko na mag-usap kami kapag ayos na si kuyang black ko.
"How about you? Kumain ka na ba?" tanong niya ng umupo na 'ko sa tabi ng higaan niya matapos kong iabot sa kaniya ang pagkain niya. May upuan doon, hindi ako mismo sa kama niya naupo, ah.
Ako lang kasi dito ngayon. Hindi ko kasama sila Mama at ate. May pasok sila, eh. Si Timothy naman ay umalis lang saglit. Siya 'yung kasama ko sa pagpunta dito kay kuya. Remember? 'Di ba lagi siyang nakabuntot sa 'kin?
"Yes, kuya. Kakatapos lang hehe." sabi ko kaya ngumiti naman siya. Walang pasok kaya maaga akong nandito ngayon.
Nakatingin lang ako kay kuyang black habang nakain siya. Humaba pa ang nguso ko nang mapatingin na naman ako sa ulo niya. May benda kasi do'n.
Gusto ko talagang itakin 'yung taong gumawa nito sa kuya ko. Nanggigil ako sa kaniya. Hindi ko man naitak si Timothy ay siya na lang ang iitakin ko.
"Wala bang masakit sa 'yo, kuyang black?" tanong ko kaya napatingin siya sa 'kin at tsaka siya nakangiting umiling.
"Don't worry about me, baby. I'm okay." sabi niya kaya ngumuso na lang ako. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.
Baby daw, gagi.
Nahihiyang umiwas ako ng tingin sa kaniya at sumipol-sipol para mawala ang awkwardness na nararamdaman ko.
Nahihiya pa din ako sa kaniya sa totoo lang. Tanggap ko na na kuya ko siya. Na siya talaga ang totoo kong pamilya.
Nang matapos si kuyang black sa pagkain niya ay tahimik pa din kami. Hindi ko alam kung anong sasabihin.
No'ng dalawang araw kasi na nakalipas ay kasama ko no'n sila Mama kaya hindi medyo awkward. Ngayon kasi kami lang dalawa.
Parang gusto ko tuloy tawagan si Timothy. Kailangan ko 'yung kadaldalan niya ngayon. Nasa'n na nga ba 'yung lalaking 'yon?
"Phenelopy." napaayos ako ng upo nang marinig kong tawagin ako ni kuyang black.
Nakaupo siya sa kama habang ang likod niya ay nakasandal sa headboard ng kama at may benda ang ulo niya.
Buti na nga lang at hindi malala ang naging tama sa ulo niya. Baka bukas din ay pwede na siyang madischarge sa hospital na 'to.
"Po?" agad na sagot ko.
Sumenyas naman siyang lumapit ako, na tumabi ako sa kaniya kaya tumabi naman ako sa kaniya. Naupo ako sa kama katabi niya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko ng isandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Nang tingnan ko siya ay nakapikit na siya.
Napangiti naman ako at sinuklay ang buhok ng kuya ko. Hindi talaga ako makapaniwala na kuya ko siya. Pakiramdam ko nananaginip lang ako.
"Kuya, may tanong lang po ako." maya-maya ay sabi ko.
"Hmm, what is it?" tanong niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya.
"Ahm." nagdadalawang isip kasi akong itanong.
"May girlfriend ka na po?" tanong ko at napamulat naman siya ng mata niya.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.