CHAPTER 17

129 4 0
                                    

THIRD PERSON

"What's next?" Nakangiting tanong ni Kaiver kay Phenelopy matapos nilang maglaro sa Tom's World.

Agad namang nilagay ni Phenelopy ang kanyang daliri sa ibaba ng baba niya para mag-isip.

"Alam ko na!" Nakangiting sigaw ni Phenelopy pero silang dalawa lang naman ang nakarinig.

Natawa pa si Kaiver dahil pumitik pa si Phenelopy ng sabihin 'yon.

"Tom's world ulit tayo." Sabi ni Phenelopy dahilan para sabay silang matawa.

Sa tuwing kasama ni Kaiver ang kapatid ay lagi siyang natawa na hindi niya naman gawain.

Napapasaya kasi siya nang kapatid niya kaya gustong-gusto niya itong laging kasama na hindi naman nangyayare. Ito ang unang beses na nagsama sila ng matagal.

Nawawala ang mga iniisip niyang problema sa tuwing makakausap niya lang ang kapatid. Happy pill niya ang kaniyang kapatid.

Masaya na siya noon habang pinapanood ito mula sa malayo pero iba pa rin talaga kung nakakausap at nakakasama niya ito. Mas natuwa pa nga siya nang magsimula silang magkausap.

Natutuwa siyang unti-unti ng lumalapit ang loob nang kaniyang kapatid sa kaniya.

Ngunit hindi niya pa rin maiwasan ang matakot sa tuwing pumapasok sa isip niya na kapag kinailangan niya nang sabihin dito ang totoo.

Alam niyang hindi ito agad matatanggap nang kapatid. Ineexpect niya rin na magagalit ito sa kaniya.

Kaya sinasamantala niya ang oras na ito na masaya silang magkasama habang hindi niya pa nasasabi ang totoo dahil kapag nasabi niya na ay alam niyang magbabago na ang trato nito sa kaniya.

"Awit, talo na naman ako haha." Tuwang sabi ni Phenelopy matapos nilang maglaro ng basketball.

Kahit ano kasing gawin niya ay hindi niya matalo si Kaiver sa basketball. Gustong-gusto niyang matalo si Kaiver ngunit ayaw makisama sa kaniya ng bola.

"Favoritism 'to." Sabi pa ni Phenelopy na ikinailing lang ni Kaiver.

Natutuwa talaga siyang kasama niya ngayon ang kapatid niya. Hindi niya inaasahan na makakapagbonding sila nang ganito.

Ito ang matagal niya ng inaasam kaya ng nangyayare na ito ngayon ay labis na lamang ang tuwa niya.

Gusto niyang araw-araw silang mag bonding pero alam niyang hindi pa ito mangyayare sa ngayon kaya susulitin niya na lang muna ang araw na ito.

"Magaling kasi talaga ako. Tanggapin mo na lang kasi na hindi mo ako matatalo." Pang-aasar pa ni Kaiver sa kapatid.

"Edi wow, tseh!" Sabi ni Phenelopy at inirapan pa si Kaiver. Tuwang-tuwa naman siya sa reaction ng kapatid niya.

Hindi niya napigilan ang sarili niyang guluhin ang buhok nito na ikinatuwa naman ni Phenelopy.

May humaplos sa puso niya nang gawin 'yon ni Kaiver sa kaniya.

Nasa kalagitnaan sila ng pag-aasaran ng may mapansin si Kaiver.

"Shit." Mahinang mura niya ng makita niya ang ilang kalalakihan na purong mga nakaitim na pinapanood sila.

"Huh? May sinasabi ka, Kuyang Black." Kunot noong tanong ni Phenelopy kay Kaiver na agad namang umiling at nginitian ito ng tingnan niya ito saglit bago ibalik ang paningin sa mga lalaking minamanmanan sila.

Ang mga lalaking 'yon ay mga tauhan nang kaaway niya sa business. Napamura na lang siya nang malutong ng ilang beses sa isip niya.

"Wait lang, Phen. May tatawagan lang ako, dito ka lang." Sabi niya kay Phenelopy na tumango lang naman.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now