CHAPTER 10

200 8 1
                                    

PHENELOPY

"Ang ganda naman dito." Manghang sabi ko ng makarating na kami ni Chelsie sa birthday party.

Ayos naman na ako at hindi naman malala ang naging tama sa 'kin ng bola kaya nakapunta pa rin ako dito.

Dapat nga hindi ako papapuntahin ni Mama dito, eh kaso hindi ako pumayag. Wala lang, sayang naman kasi 'yung plano namin ni Chelsie tsaka 'yung damit kung hindi ako pupunta.

Tsaka nakakahiya do'n sa nag-imbita sa 'min, baka hinihintay ako no'n. Wala lang, pakiramdam ko lang.

No'ng magising nga ako kahapon nagulat na lang ako bakit nasa hospital na ako. Wala din naman silang kuwenento sa 'kin kaya imbis na tanungin ko sila kung paano ako nakarating do'n ay nanahimik na lang ako.

Baka kasi isa lang sa mga kaklase namin ang nagdala sa 'kin do'n. Pero ayts, ewan. Expect ko kasi sa clinic lang, pero bakit hospital?

"Tara na do'n, kanina pa ako tinatawagan ni Kuya. Nasaan na daw ako." Sabi niya kaya napairap naman ako.

"Hayaan mo 'yang Kuya mo. Para namang kikidnapin kita sa kaniya." Sabi ko na ikinatawa niya lang.

Kaya ayun, naglakad na nga kami papasok sa loob at mas lalo akong namangha sa ganda ng ayos no'n.

Marami na ring mga bisita. Talagang mayaman ang may birthday at halos mayayaman ang nandito.

"Buti naman at nandito na kayo." Masungit na sabi nang Kuya ni Chelsie pagdating namin sa mesa nila. Napairap lang naman ako.

"Dapat kasi sumabay na lang kayo sa 'kin kanina." Sabi niya pa pero hindi naman ako nakatingin sa kaniya kaya hindi ko alam kung anong itsura niya.

Bahala silang magkapatid diyan.

Inililibot ko lang ang paningin ko sa paligid dahil ang ganda talaga ng venue.

'Yung suot kong damit ay bagay lang sa 'kin, gano'n din kay Chelsie. Hindi naman sobrang bongga ng suot naming damit. 'Yung sakto lang.

Simpleng dress lang siya na abot hanggang tuhod naming dalawa at naka heels din kami na hindi naman gaano kataasan at light make up lang din kaming dalawa.

"Dito lang kayong dalawa, puntahan ko lang si Kai."

"Okie."

'Yun lang ang narinig ko ulit sa kanilang dalawang magkapatid bago umalis 'yung Kuya ni Chelsie.

"Gano'n ba talaga 'yon?" Maya-maya ay tanong ko kay Chelsie. Tinampal ko pa ang kamay niya ng akmang kukuha siya ng alak sa waiter na napadaan sa amin na nag-iikot para bigyan ng wine 'yung mga bisita.

"Isa lang, eh." Ngusong sabi niya pero pinanlakihan ko siya ng mata.

"Sabi ko nga, hindi na. Tsaka oo, gano'n talaga sa 'min si Kuya pero siraulo talaga 'yon. Parang takas mental, gano'n." Sabi niya kaya hindi ko napigilan ang matawa.

"Grabe ka, ah haha. Pero 'di ba sabi mo, magkaedad lang kami? Pero bakit hindi ko siya nakikita sa school natin? Hindi ba siya nag-aaral?" Curious na tanong ko.

"Ah, mas matanda lang ata siya ng isang taon sa 'yo. Tsaka tapos na 'yan mag-aral. Advance lang siya kasi matalino na daw siya para sundin 'yung tamang grade niya kaya ayun, basta gano'n. Katamad mag-explain. Kung gusto mo talaga malaman, siya na lang tanungin mo." Sabi niya at tumawa pa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Bwiset na babae 'to.

"By the way, wala si Ate Robelyn dito 'di ba?" Pag-iiba ko sa usapan dahil aasarin lang ako niyan.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now