CHAPTER 2

262 6 0
                                    

"Ate, alis na ako!" Sigaw ko habang sinusuot ko ang bag ko.

Walang pasok ngayon si Ate kaya nandito siya ngayon sa bahay tapos sila Mama at Papa katulad ng sabi ko noon ay nauuna sila sa 'min ni Ate umalis ng bahay, maaga pasok nila, eh.

"Sige na, mag-iingat ka! I love you!" Sigaw niya rin. Nasa banyo kasi siya, naliligo.

"I love you, babush!" Sigaw ko pabalik at umalis na ako ng bahay pero siyempre sinigurado ko munang sarado ang pinto namin, noh.

Pagkasakay ko sa tricycle ay agad akong nag-online sa messenger ko para i-chat 'yung kaibigan ko.

CHELSIE MY LABS

Chelsie!

Nandyan ka na ba sa school?

Chat ko sa kaniya ng makita kong online siya. Buti na lang at online siya. Makikibalita lang.

Yes, Summer my labs. Nandito naku sa room. Bkt?

Wla nmn, tatanong ko lng kung ano ng nangyayare dyan? Dumating nba
ung may-ari ng school?

Tanong ko, ngayon kasi 'yung araw na magpapakilala sa lahat 'yung may-ari ng school na pinapasukan namin, eh.

Hmm, wala pa nmn, Summer my labs. Maya-maya pa ata, eh. Mamaya na tyo magchikahan haha. Hintayin kita d2, d2 tau magkwentuhan, nakakatamad magtype.

Natawa naman ako sa nireply niya kaya imbis na replyan ko siya ay nagreact na lang ako ng haha emoji sa chat niyang 'yon at tsaka na ako nag-offline.

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na ako sa school at nagbayad na ako kay manong driver.

Pagpasok ko sa school ay marami ng mga studyante at iba pa. Mukhang naghahanda ang iba para sa mga darating na bisita lalo na at pupunta ngayon ang may-ari ng school.

At dahil masyado akong tutok sa mga tao sa paligid ko ay hindi ko na namalayan na may nakabanggaan na ako at ayun, diretso ako salampak sa lupa.

"Ouch." Mahinang daing ko nang maramdaman kong humapdi 'yung siko ko.

Medyo napalakas 'yung banggaan namin, eh. Naitungkod ko kasi 'yung siko ko sa lupa.

Pagtingin ko sa siko ko ay napangiwi na lang ako dahil may sugat na 'yon. Ayos lang naman.

"Fuck. Let me help you." Napaangat tuloy 'yung ulo ko nang may magsalita.

'Yun pala 'yung taong nakabanggaan ko. Hindi ko alam pero bumilis 'yung tibok ng puso ko nang magtama ang mata naming dalawa.

Hindi siya 'yung bilis ng tibok ng puso dahil sa inlove ka sa isang tao. Ibang tibok 'yung naramdaman ko. May kakaiba.

Kinuha ko naman ang kamay niyang inilahad niya sa 'kin at tsaka niya ako tinulungang tumayo.

"Salamat po at pasensya na." Paumanhin ko at yumuko pa ako nang kaunti.

"It's okay." Sabi niya at ramdam ko ang seryosong boses niya ng sabihin niya 'yon. Kinilabutan tuloy ako.

"I'm sorry, I need to go." Sabi nitong ni Kuya kaso pinigilan ko siya.

Hindi ko nga makita 'yung mukha niya, eh. 'Yung mata niya lang nakikita ko kasi naka face mask siya na black katulad ng suot niya, black din. All black siya.

Hindi naman siguro galit itong si Kuya sa black, noh?

"Ahm hehe." Nahihiyang sabi ko at inabot ko sa kaniya 'yung suot kong bracelet.

Hindi ko alam kung bakit ko sa kaniya 'yun binigay pero gusto ko lang 'yun ibigay sa kaniya, eh.

"Ako mismo ang gumawa niyan kaya tanggapin mo na, Kuya." Sabi ko ulit habang nakangiti sa kaniya.

Napakunot naman ang noo niya habang tinitigan 'yung bracelet ko. Akala ko nga hindi niya kukunin, eh pero napangiti ako ng kunin niya 'yon.

"Thank you for this." Sabi niya kaya nakangiting tumango naman ako.

"Welcome po hehe. Sige po, una na ako." Sabi ko at akmang tatalikod na para umalis sa harap nang ako naman ang pinigilan niya. Napakunot din tuloy ang noo ko.

Magsasalita pa lang sana ako nang makita kong kinuha niya ang panyo niya sa bulsa niya at itinali 'yon sa siko kong may sugat.

"Thanks again for the bracelet and please treat your wound. I'm sorry for what happened and I hope we see each other again, bye." Sabi niya at iniwan akong tulala.

Nang mahimasmasan ay napatingin ako sa siko ko kung nasaan ang panyo ni Kuyang black.

Hinawakan ko 'yon at may napansin ako. May nakatahi kasing pangalan do'n.

Kulay black 'yung panyo at kulay puti naman 'yung sa nakatahi na pangalan. Natawa nga ako, eh kasi black ulit.

"K.Z Montefalco." Pagbasa ko do'n sa nakasulat kaya napakunot ang noo ko.

Akalain mo 'yon, same kami apelyido ni Kuyang black.

* * *

KAIVER

"Hey, bro. Saan ka galing? Ang tagal mo ata." Timothy said, my friend when I entered my cousin’s office and the owner of this school.

"Tsh, none of your business." Annoyed I said and I walked over to the sofa and sat down.

"Ito naman. I know you, bro. So ano nga? Pa-chika naman diyan." Annoyed I turned to him and his smiling face appeared on me.

Naiinis na napabuntong hininga ako at nagpigil na suntukin siya.

"I saw my sister earlier, nagkabanggaan kami. Sisigawan ko sana siya but I recognized her. I didn't expect to see her face to face." I said habang iniisip ko pa rin 'yung kanina.

I really didn't expect to see her earlier. That time, I want to hug her tight but I stop myself from doing that.

If I hug her baka magulat siya at magalit sa 'kin so hindi ko na ginawa. Masaya na ako na nakita ko siya kanina.

I was even more happy when she gave me the bracelet she made.

"Uy, nangiti haha. Inlove ka na ba?" Nabalik ako sa katinuan nang marinig ko na naman ang boses ng punyetang kaibigan ko.

"I'm not. I was just happy because I saw my sister earlier and when she gave me the bracelet she made." I told to him with a smile on my lips.

"Okay, sabi mo, eh. I'm happy for you, bro. Sana pwede mo na siyang makasama." He said.

"I hope too but for now, hahayaan ko na munang panoorin ko siya mula sa malayo." I said while staring at her bracelet that she gave to me.

I promise to my parents that I will take care of my sister and I will do that, tutuparin ko ang pangako kung 'yon.

Don't worry, Phenelopy. Gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang. Miss na miss na kita, little sis.

I hope na mayakap na kita ulit at makapag bonding tayong dalawa. Hindi na ako makahintay na magawa natin 'yon.

To be continued...

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now