LESLEY
Tumikhim ako ng hindi ko na makayanan ang pagtitig niya sa 'kin. Kanina pa siya, ah. Tanggalan ko siya ng mata diyan, eh.
Bakit ba kasi ako 'yung nandito? Nasa'n na ba 'yung magaling niyang kaibigan?
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" nakataas kilay na tanong ko ng harapin ko na siya.
Kung hindi lang ako pinakiusapan ni Phenelopy na bantayan 'tong magaling niyang kuya ay wala naman ako dito ngayon.
Buti na lang at wala akong pasok. Kaya naman na ng lalaking 'to ang sarili niya, bakit pinapabantay pa sa 'kin ni Phenelopy?
Mamaya na ang discharge nitong baliw na 'to. Pasalamat talaga siya at mahal ko 'yung kapatid ko.
May pasok kasi si Phenelopy at may trabaho si Mama. 'Yung kaibigan niya naman ay hindi ko alam kung nasaan. Hindi raw kasi mapapakali si Phenelopy kapag walang nagbabantay sa kuya niya.
Swerte niya sa kapatid ko. Wala akong pakealam kung siya ang totoong kapatid, psh.
"I'm not staring at you. I'm staring at the door." sabi niya na ikinairap ko lang.
Sa tingin niya ba maniniwala ako sa kaniya? Oo nga at nasa likod ko 'yung pinto pero hindi ako naniniwala na doon siya nakatitig.
Masyado ba akong maganda para itanggi niyang tinititigan niya ako?
"Sige, kunware hindi ko narinig ang sinabi mo." sabi ko at umirap.
"I'm telling the truth, Miss. If you don't want to believe me edi don't." sabi niya at nakita ko pa siyang umirap.
Dahil sa ginawa niya ay tumawa ako dahilan para mapatingin siya sa 'kin na nakakunot ang noo.
"What?" kunot noong tanong niya.
Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko.
Ang cute niya kasi. No'ng sinabi niya 'yung edi don't. Umirap din kasi siya no'n. May accent pa pagkakasabi niya. Basta ang cute niya. Ang sarap ulit-ulitin pakinggan.
Bwiset! Bakit ako nacucutan? Pangit niya kaya.
"Wala, ang cute mo kasi." diretsang sabi ko dahilan para matigilan siya. Napangisi naman ako.
Sinadya ko talagang sabihin 'yon. Cute naman kasi siya, aminado na 'ko. Tsaka makapal ang mukha ko para sabihin 'yun, noh.
"Uy." tawag ko sa kaniya nang matahimik siya.
Natawa ako ng umiwas siya ng tingin sa 'kin, lalo na ng makita kong namumula ang tainga niya.
"Ngayon ka lang ba nasabihan ng cute?" nakangiting tanong ko. Pinipigilan kong ngumisi at asarin siya.
"N-no?" natatawang napailing ako dahil sa sagot niya. Hindi sigurado ang gunggong.
"Hindi ka sure?" tanong ko, tumatawa.
Nang lingunin niya ako ulit ay sinamaan niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya.
Akala niya ba matatakot ako sa ganiyan? Neck-neck niya.
"Ulitin mo nga." maya-maya ay sabi ko na ikinataka niya.
"What?" salubong ang kilay na tanong niya. Napairap naman ako.
"Sabihin mo ulit 'yung edi don't." sabi ko at napaawang ang labi niya.
"No, ayoko." He said kaya tumawa na lang ako.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.