CHAPTER 52

53 2 0
                                    

"Baby, wake up." napamulat ako ng mga mata ng makarinig ako ng boses at nakaramdam ng mahinang pag-alog sa 'kin.

Bumungad naman sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni kuya KC. Napabangon naman ako sa hinihigaan ko at umayos ng upo.

Nang akmang magsasalita si kuya KC ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit kaya hindi na niya natuloy ang balak niyang pagsasalita. Umiyak lang ako nang umiyak sa dibdib niya.

Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya habang hinahaplos ang buhok ko. Umaga na rin pala. Hula ko na wala na dito si kuyang black dahil maaga ang alis niya ngayon dahil may pupuntahan siya.

Okay na rin sila ngayon. Hindi na nila kinailangan pang bumalik sa hospital. Si Timothy lang at pupuntahan ko siya mamaya.

Nasabi na rin sa 'min nila kuya ang lahat. Kung bakit sila nahuli sa pagpunta sa birthday ko at kung bakit gano'n ang mga itsura nila ng pumunta sila sa event.

Nakwento na nila sa 'min lahat pati kina mommy. Naipaliwanag na nila sa 'min kagabi pag-uwe namin sa bahay after ng celebration.

Kaya pala gano'n ang mga itsura nila ay dahil sumabak sila sa labanan. Tinapos na nila ang taong 'yon. Proud na proud naman ako sa mga mahal ko. Buti na lang talaga at hindi sila napuruhan. Baka hindi ko kayanin kapag pati sila ay nawala sa 'kin, sa 'min ni mommy.

"Why are you crying? May problema ba? Kanina ka pa naiyak, tulog ka pa lang. I'm waking you up because you're crying non-stop. I'm worried." he said.

"Si Daddy kasi, kuya. Tinupad niya ang wish ko. Nagpakita siya sa panaginip ko at sinayaw ako like what I want. Sinayaw niya ako sa lugar kung saan naganap ang birthday ko. I'm so happy, kuya na nakita at nakausap ko siya sa panaginip ko. Ang sakit lang na hangang doon lang kami, na saglit lang kami nagkausap. That's why I'm crying. Hindi ko lang matanggap na wala na talaga siya." I said and cried again.

Hinayaan niya lang ako na umiyak nang umiyak. Hindi siya nagsalita. Nang kumalma ako ay inaya na niya akong kumain ng almusal sa baba. Kaming dalawa lang daw ngayon dahil umalis sila mommy at kuyang black.

"Are you okay now, princess?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Tumango lang naman ako at gano'n din siya.

Patapos na kami sa pagkain nang may marinig kaming boses. Nilingon namin 'yon ni kuya KC at agad akong napangiti nang makilala 'yon.

"Ate Jove!" ngiting bati ko at agad akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya. Sinalubong niya naman agad ako ng yakap.

Kahit na hindi pa kami gano'n magkakilala ay gusto ko na siya agad. Gusto ko 'yung ugali at energy niya. Ship ko rin sila ni kuya KC ko.

"Hey, bebe gorl. How are you?" tanong niya matapos naming magyakapan. Hinaplos niya pa ang buhok ko.

Parang nagkaroon tuloy ulit ako ng ate. Miss ko na rin si ate Lesley kahit na magkasama lang naman kami kagabi dahil nga birthday ko.

"Okay lang po ako." ngiting sagot ko na ikinangiti niya rin.

Maya-maya ay narinig namin ang boses ni kuya KC. Agad na bumusangot ang mukha ni ate Jove.

"Why are you here, Jovelyn." seryosong tanong ni kuya.

Kita ko pa ang pag-irap ni ate Jove bago sinagot ang tanong ni kuya.

"May sasabihin lang ako sa 'yo, boss. This is important." napatango-tango din naman si kuya KC at tinapos na ang pagkain niya at tumayo na din.

Bago ako lumapit kay ate Jove ay tapos na ako sa pagkain ko. Buti na lang din.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now