"Huh? Bakit ako?" gulat na sabi ko at tinuro ko pa ang sarili ko. Natawa naman sa 'kin si Chelsie.
"Ayaw mo 'yon? Maganda ka naman, ah!" sabi niya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa hiya at kabang nararamdaman. Paano ba naman kasi, ako 'yung pinili nilang sumali sa Ms. Campus 2020 ng school.
Taon-taon may gano'n kaya maganda kapag dumating na ang araw na 'yon pero bakit kailangang ako 'yung sumali ngayong taon sa section namin? Bawat section kasi ay may representative at ako nga 'yung sa section namin.
"Ma'am, pwede bang iba na lang? H'wag na 'ko?" tanong ko, hindi ako sanay sa gano'n. Hindi ko rin alam ang gagawin kaya ayaw kong sumali sa gano'n.
Gusto kong gilitan ng leeg ang kaibigan ko dahil siya ang nagsabi kay Ma'am na ako ang isali.
"Bakit? Walang ibang gustong sumali sa section natin, eh. Maganda ka, matalino, bagay ka do'n. Ngayon lang naman ito, Phenelopy. H'wag kang mag-alala at matakot. Nandito naman ako, 'yung kaibigan mo, mga kaklase mo. Tutulungan ka namin." sabi ni Ma'am.
Nakagat ko na lang ang dila ko dahil no choice na ata ako kung hindi tanggapin.
Nang lingunin ko ang mga kaklase ko ay nakangiti sila sa 'kin. Mga naghihintay sa final kong desisyon. Nag-ingay na rin sila.
Napabuntong hininga na lang ako bago dahan-dahang tumango na ikinasigaw nila ng yes.
"Shems! Akong bahala sa 'yo, Sis!" tuwang-tuwang sigaw ni Chelsie sa harapan ng mukha ko. Napapikit na lang ako, lalo na ng yugyugin niya ako.
Bwsiet 'tong babaeng 'to.
Matapos no'n ay nag lunch time na. Paano ko 'to sasabihin kina Mama? Kay kuya? Gagi, nahihiya talaga ako. Ipapaalam ko pa lang sa kanila ay nag-iinit na ang pisnge ko sa hiya.
Alam kong walang problema sa kanila 'to, matutuwa pa nga ang mga 'yon, lalo na si ate.
"Uy, balita ko sasali ka sa Ms. Campus 2020, ah." napairap ako nang biglang sumulpot si Timothy habang nakain kami ng kapatid niya.
"So?" mataray na sabi ko.
Paano naman kaya nalaman nito ang about do'n?
Nandito na naman siya para manggulo. Lagi naman, nasanay na lang ako.
"Nood ka, kuya!" masayang sabi ni Chelsie sa kuya niya. Aba, nagawa pang ayain.
"H'wag na, alam ko naman na hindi siya mananalo do'n." sabi niya at tumawa nang malakas.
Napaawang naman ang labi ko. Punyeta talaga 'tong lalaking 'to.
"Tangina mo talaga, eh, noh?" iritang sabi ko.
Rinig ko lang naman ang tawa ng magaling kong kaibigan sa tabi ko.
"Hala, baka si Satanas talaga kapatid mo? Mura ka nang mura, eh." sabi niya at muling tumawa. Napailing na lang ako.
Ayaw ko na siyang patulan dahil baka maitak ko na talaga 'tong hinayupak na 'to.
Natapos kaming kumain sa cafeteria na nakabusangot ang mukha ko dahil sa Timothy na 'yon. Bwiset, walang ibang ginawa kung hindi asarin at inisin ako habang nakain.
Laking pasasalamat ko na lang ng may tumawag sa cellphone niya kaya umalis na ang takas sa mental na lalaking 'yon.
Ang p-problemahin ko ngayon ay kung anong gagawin ko sa Ms. Campus 2020 na 'yan.
"Kuya!" nakangiting tawag ko kay kuya nang makita ko na siyang papasok ng bahay. Kakauwe niya lang galing sa company niya.
Nang tingnan niya ako ay agad siyang ngumiti kaya tumakbo na 'ko palapit sa kaniya para yakapin siya.
"Hey, be careful." sabi niya dahil pababa ako ng hagdan ng tumakbo ako. Tumawa lang naman ako at niyakap na siya.
Lagi ko siyang sinasalubong dahil gusto kong makita kuya ko, bakit? Tsaka 'yun naman talaga dapat kong gawin, duh?
Sabi pa nga niya sa 'kin na hindi pa rin daw siya makapaniwala na kasama niya na 'ko sa iisang bahay at sinasalubong ko daw siya sa tuwing galing siyang trabaho niya.
Kaya sa tuwing niyayakap ko siya at sinasalubong ay nawawala daw ang stress at pagod niya. Gano'n din naman ako.
"How's school?" tanong niya habang akbay niya ako. Naglalakad kami papasok sa dining. Kakain na kami ng hapunan.
Wala akong pasok at na kina Mama ako kanina, kakauwe ko lang din ngayon. Sa tuwing wala akong pasok ay kina Mama ako napunta para hindi ako mabored.
"Ayos naman. Stress lang sa Ms. Campus 2020 na 'yan." nakangusong sabi ko.
Tatlong araw na kasi ang nakalipas no'ng magsimula kaming magpractice. Tatlong araw pa lang pero stress na 'ko. Hindi naman kasi ako sanay sa ganiyan, eh. Next week na kasi 'yon agad.
At pagkauweng-pagkauwe ko dito sa bahay namin ni kuya no'ng araw na sabihin sa 'kin na ako 'yung representative ng section namin ay sinabi ko 'yun agad sa kaniya at kina Mama.
Tulad ng inaasahan ko ay tuwang-tuwa sila, lalo na si ate. Mas excited pa siya sa 'kin. Nakapagplano na nga siya agad, eh. Siya na daw mag m-make up sa 'kin, ganiyan. Ay, ewan ko do'n. Kinakabahan nga ako, eh. Paano kung madissapoint ko mga kaklase ko?
"That's okay, I know you can do it. Manonood din ako, che-cheer kita. Go my sister, I love you! You can do it! Baka kapatid ko 'yan, gano'n." sabi niya kaya natawa ako, lalo na nang mag boses babae siya.
"Parang ano kuya, ah haha." natawang sabi ko, naiyak na nga ako kakatawa, eh. Wala lang, tawang-tawa ako, eh.
"Just trust yourself, baby." nakangiting sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Tumango na lang ako at ni-kiss ko siya sa pisnge niya bago kami naupo sa pwesto namin para kumain.
Matapos naming kumain ay nagpaalam muna ako sa kaniyang pupunta ako sa garden para magpahangin.
May kausap din kasi siya sa phone niya kaya gano'n. Nagulat pa ako nang pagpunta ko sa garden ay nando'n si Timothy.
"Bakit nandito 'to?" takang bulong ko habang nakatingin sa kaniya. Nakatalikod siya sa 'kin.
Akmang sisigaw ako para tawagin siya ng mapansin kong may kausap pala siya sa cellphone niya kaya hindi ko na tinuloy ang pagsigaw ko.
Nagtago na lang ako sa hindi niya ako makikita. Medyo malapit lang ako sa kaniya kaya naririnig ko sinasabi niya sa kausap niya.
Bakit kaya nandito siya sa garden namin? Bakit hindi siya pumasok sa loob para ipaalam na nandito siya? Siguro kasi may biglaang tumawag sa kaniya.
"Oo na, ako na ngang bahala sa kaniya. Parang gago, amputa. Wala ka bang tiwala sa 'kin?" rinig kong sabi niya at tumawa pa siya.
Nakalagay din ang kaliwang kamay niya sa bulsa ng suot niyang pantalon habang ang kanan niyang kamay ay hawak ang cellphone niya na nakadikit sa tainga niya.
Gwapo niya diyan, in fairness.
Natampal ko ang noo ko dahil sa sinabi ng isip ko. Bida-bida din, eh.
Akmang aalis na 'ko nang matigilan ako sa narinig ko galing sa kaniya.
"Oo na nga. Ako ng bahalang ipatumba 'yon si Kaiver, ang dami ng nalalaman, eh haha. Kaya nga ako nandito sa bahay niya, bobo." napahawak ako sa bibig ko.
Anong ibig sabihin no'n? Traydor ba siya?
Kailangan kong makausap si kuya! Kaya tumakbo na ako paalis do'n para puntahan si kuya.
To be continued...
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.