"Phenelopy Summer Montefalco, bumangon ka na diyan!"
Naiinis na 'ko. Kanina pa 'ko ginugulo ni Ate. Sabi ko ngang five minutes lang, eh. Bakit ba kasi ang kulit niya, aish.
Inaantok pa nga ako tapos ginigising niya na 'ko, hanuh ba 'yan. Tsaka mukhang inis na siya kasi full name ko na ang tinawag niya, eh.
"Aba, ayaw mo talagang bumangon, ah. Ano, hihintayin mo pa 'kong magbilang?" Dahil sa sinabi niyang 'yon ay mabilis pa sa alas kwatro akong bumangon.
Kahit na pipikit-pikit pa ang mga mata ko dahil sa antok ay pinilit ko 'yung buksan nang maayos at nginitian nang matamis si Ate nang siya ang bumungad sa 'kin pagdilat ko.
"Ito naman si Ate, oh. Ito na nga, eh, maliligo na." Sabi ko at tumayo na ako sa higaan ko para kumuha na ng damit ko.
Nakita ko naman siyang umiling-iling bago lumabas ng kwarto ko. Napaupo ulit ako sa kama ko. Akmang hihiga ako ulit para matulog nang marinig ko na naman ang boses niya.
"Bilisan muna diyan!" Sigaw niya kaya papadyak-padyak na tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto ko para pumunta sa banyo at maligo.
Naabutan ko siya sa sala nang lumabas na ako ng kwarto ko. Naghahanda ng pagkain at nagtama ang paningin namin. Nakita ko namang tinaasan niya ako ng kilay.
"Nagdadabog ka?" Nakataas kilay na tanong niya. Agad naman akong umiling.
"Napakasungit mo talaga lagi, Ate kaya hindi ka nagkakaboyfriend, eh." Pang-aasar ko sa kaniya at malakas na tumawa.
"Anong sabi mo!" Sigaw niya. Hindi 'yun patanong, ah. Dali dali naman akong tumakbo papasok sa banyo namin at agad na nilock 'yon bago niya pa 'ko mabato ng hawak niyang sandok. Tatawa tawa naman ako sa loob ng banyo.
Natutuwa talaga ako lagi sa tuwing inaasar ko si Ate. Lagi kasing masungit 'yon. Akala mo laging may mens.
Sanay naman na 'ko kay Ate tsaka takot ako sa kaniya, noh. Iba kasi siya magalit. Tsaka kahit na mag half-sister lang kami ay close na close kaming dalawa hindi tulad ng ibang mga mag half-sister na hindi close sa isa't isa.
Tsaka magkapatid pa rin naman kami talaga, eh kasi parehas kami ng Nanay. Sa Tatay nga lang ang hindi.
Sabi kasi sa 'min ni Nanay na namatay daw ang Tatay ko kaya iba 'yung apelyido ko sa apelyido nila Ate. Kahit na gano'n ay tinuring pa rin akong tunay na anak ng Papa ni Ate. Magkaiba daw kami ng Tatay ni Ate.
Ang sabi lang kasi sa 'min ni Mama noon ay ang una daw niyang naging nobyo ay 'yung Papa ni Ate Lesley at 'yun nga nabuo na nila si Ate tapos nagkaroon daw sila ng problema hanggang sa naghiwalay daw silang dalawa. Hindi na kwenento sa 'min nila Mama ang buong kwento, eh at do'n naman nakilala ni Mama si Papa ko.
Tapos no'n ay naging sila ni Papa ko at 'yun nga, hanggang sa nabuo nila ako. Pero sa kamalas malasan nga daw naman ay naaksidente 'yung Tatay ko bago pa 'ko maipanganak kaya nga sobra akong nalungkot.
Hindi ko man lang nakilala ang Tatay ko pero tuwing death anniversary ng Tatay ko ay pinupuntahan namin 'yun ni Mama.
Makalipas nga daw ang ilang taon no'n ay nakamove on na daw si Mama kay Papa tsaka naman daw bumalik sa kaniya 'yung Papa ni Ate.
Nakipag-ayos 'yung Papa ni Ate kay Mama. Humingi siya ng tawad kay Mama. Ginawa ng Papa ni Ate ang lahat para makapag-ayos sila ni Mama at para na din daw sa anak nilang dalawa.
Nang malaman niya daw na nagkaroon ng nobyo si Mama no'n at nabuo ako ay okay lang daw sa kaniya 'yon.
Tapos 'yun nga, nagkabalikan na din sila. Ang swerte nga ni Ate, eh kasi nakasama niya pa Papa niya.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.