CHAPTER 33

126 4 0
                                    

PHENELOPY

Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko at pinaglalaruan ko ang mga daliri ko sa kamay dahil sa kaba.

Talent show na kasi. Ngayong araw na 'yung Ms. Campus 2020, eh. Tapos na kaming magpakilala at rumampa kanina at ngayon ay 'yung talent naman ang ipapakita at kinakabahan ako do'n.

Nasa back stage ako. Nandito rin 'yung mga ibang candidates. Rinig na rinig ko 'yung mga sigawan ng studyante sa labas. Hindi lang mga studyante ang nandito, nandito rin 'yung mga magulang o pamilya ng mga candidates at iba pang gustong manood.

Nanonood din si kuya kasama sina Mama at ate. Todo support sila sa 'kin kaya kailangan kong galingan. Ayaw kong madissapoint sila sa 'kin, lalo na sa mga kaklase ko. Grabe 'yung effort nila kaya need ko talagang gawin ang best ko.

Kanina pa talaga ako kinakabahan. Bago pa magsimula ay kinakabahan na 'ko.

Ay, oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin na meron ding Mr. Campus 2020. Bawat representative ng bawat section ay may gano'n. Yes, may kapartner ako at lalaking kaklase ko 'yon. Gwapo siya kaso mas gwapo pa rin 'yung kuya ko.

Mabait siya at tahimik. Hindi kami close kaya ang awkward no'ng nagpractice kami na magkasama kami, gano'n. Pero nang magtagal rin ay close na kami. Parehas na kaming komportable sa isa't isa.

Isa din siya sa matatalino sa klase namin. Hindi lang talaga siya palasalita at friendly. Pero friend ko na siya ngayon, simula no'ng nagpapractice kami sa Ms. and Mr. Campus 2020.

Ms. and Mr. Campus 2020 ang tittle ng event na 'to ng school. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nakasali ako dito. Loko kasi 'yung kaibigan ko, eh.

Ang talent namin ay kakanta kaming dalawa. At masasabi kong ang ganda ng boses niya. Nahiya 'yung boses ko. Tinuturuan niya ako no'ng araw na nagpapractice kami.

Napatalon ako sa gulat nang may kumalabit sa 'kin mula sa likuran ko. Muntik ko pang masampal nang lingunin ko, kung hindi niya lang nahawakan ang palapulsuhan ko.

"Sorry, nagulat kita." natatawang sabi ni Joseph. Siya 'yung partner ko.

"Ikaw naman, muntik pa tuloy kitang masampal." sabi ko at napahawak sa dibdib ko ng bitawan niya na ang palapulsuhan ko.

Natatawang napakamot na lang siya sa ulo niya. Napailing na lang din ako. Nagulat talaga ako, eh. Magugulatin kasi talaga ako. Kahit na simpleng gano'n lang katulad ng ginawa niya ay nagugulat na 'ko.

"By the way, ready ka na ba? Malapit na tayo." tanong niya kaya napabuntong hininga ako. Bumilis na naman 'yung tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Actually, hindi pa. Kinakabahan ako, baka mapiyok ako or what." kinakabahang sabi ko.

"Hindi 'yan, just trust yourself. You can do it, I trust you." nakangiting sabi niya kaya napangiti na lang din ako.

After no'n ay naghanda na kami dahil natapos na 'yung nauna sa 'min. Bumalik tuloy 'yung kaba ko. Napatingin ako kay Joseph nang akbayan niya ako.

"It's okay, you can do it." pampalakas loob niya sa 'kin kaya ngumiti ako at tumango.

"Salamat, Joseph." I said and he just nod.

Nang tawagin na kami ay agad na kaming umakyat sa stage. Napangiwi naman ako ng marinig ko ang ingay ng mga tao at nila Chelsie.

"Go, Beshy! Kaya mo 'yan!"

"Kapatid ko 'yan!"

"Baka Phenelepy yarn!"

"You can do it, my sister!"

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now