TIMOTHY
"Mga brother in law!" masayang tawag ko sa mga kuya ng beybi Phenelopy ko ng makarating ako sa head quarter's namin.
Nawala lang ang ngiti sa mga labi ko at napaatras ako ng bigla akong tutukan ng baril ni KC.
Ang bilis, amp.
Tangina, lagi na lang silang badtrip sa 'kin. Ayaw na lang kasing tanggapin na bebe na ako ng beybi nila, tsh.
"Kalma lang." sabi ko habang natatawa ng pilit.
Sininghalan lang naman nila ako bago ako buntong hiningang naglakad palapit sa kanila para maupo.
"So, ano na? Ngayon na, 'di ba? Ready na ba lahat?" seryosong tanong ko na lang. Kailangan magseryoso today, eh.
"Yes, so prepare yourselves, mahaba-habang labanan 'to." nakangising sabi ni Kaiver.
"Naks, aym eksayted." ngising sabi ko at pinatunog pa ang mga daliri ko sa kamay.
Sana nga matapos namin ito ngayon, tsh. Tanginang hayop kasi 'yon hindi pa mamatay ang potah.
Nagchikahan lang kami konti pagkatapos nagplano ulit at kinausap ang mga tauhan namin para kapag sumugod na wala ng problema, 'di ba?
"Uwe na muna ako mga, bayaw." sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko ng matapos na ang planuhan namin ulit.
"Then go home, walang may pake." tarantadong sagot ni Kaiver.
"Tsaka tigilan mo nga kami sa kakabayaw mo." magkasalubong ang kilay na sabi ni KC.
Tinawanan ko lang naman sila saka ako tumakbo palabas ng head quarter's namin. Inaasar ko lang naman sila. Ang sarap kasi nilang uratin. Magkapatid na magkapatid, tsh.
Balak kong umuwe muna sa bahay at kausapin ang pamilya ko. Malay natin ito na pala ang last kong kita sa kanila. Hindi natin masasabi, baka kasi may hindi pala magandang mangyari sa 'kin habang nakikipaglaban ako.
Siyempre kakausapin ko rin ang beybi ko. Yayakapin ko siya nang sobrang higpit at hahalikan, emz. Namiss ko na 'yon.
"Hoy, anong ganap?" salubong ang kilay na bungad ko sa pamilya ko nang makita ko sila sa may sala namin pagdating ko sa bahay.
Kita ko sila mom, dad, at 'yung dalawang kapatid ko na babae. Parehas na may lalaki sa tabi nilang dalawa. Mukhang alam ko na kung anong ganap.
"K-kuya." kinakabahang sabi ni Chelsie at napatayo pa. Seryoso lang akong naglakad palapit sa kanila.
Matakot talaga sila sa 'kin, lalo na 'yung dalawang lalaking nasa tabi nila. Parang gusto ko ring manutok ng baril, ah. Feel ko na ang ginagawa nila Kaiver sa 'kin para sa kapatid nila, tsh.
"Timothy." Dad called me and I just rolled my eyes at him. Okay lang 'yan, ganiyan talaga kami ni dad magbatian.
"Hoy, kayong dalawang lalaki kayo." agad na napatayo ang dalawa nang tawagin at ituro ko sila.
Mga gago, ngayon lang tumayo kung kailan tinawag ko sila. Nauna pang tumayo kapatid ko sa kanila. Dapat kanina pa pagdating ko ay dapat binati nila ako, ah! Mga leche 'to, ah!
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.