PHENELOPY
Pagdating ko sa room namin ay agad kong nakita si Chelsie na busy sa kakaayos ng mukha niya.
"Hoy!" Tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya sa 'kin. Agad naman niyang tinigil ang pagtitingin-tingin niya sa mukha niya sa salamin.
Matapos kasing umalis ng lalaking nakabanggaan ko kanina ay dumeretso na ako dito.
Hindi siya mawala sa isip ko. Nacucurious ako kung sino siya. Bakit kasi siya naka mask, eh. Hindi ko tuloy nakita 'yung mukha niya.
Wala pala kaming pasok ngayon dahil nga sa may event at dadating 'yung may-ari nitong school. Naeexcite na tuloy ako.
"Hey!" Nabalik lang ako sa katinuan nang marinig ko ang nakakarinding sigaw ng kaibigan kong si Chelsie.
"Para namang tanga 'to." Gigil na sabi ko at hinampas siya sa balikat niya na ikinatawa niya lang.
"Ang sakit sa tenga, Sis. Try ko sa 'yo, gusto mo?" Nakataas kilay na tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang nagtakip ng tenga niya kaya natawa ako.
"Ayaw ko, mas masakit sa tenga 'yung boses mo kesa sa boses ko, eh." Sabi niya kaya napahagalpak ako nang tawa dahilan para mapatingin sa 'kin 'yung mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin.
Pakealam ba nila? Masaya ako, eh. Tsaka totoo naman 'yon, mas masakit sa tenga 'yung boses ko kapag ako sumigaw or tumili, naku talaga.
Matapos ng asaran naming 'yon ay dumating na ang Prof namin kaya umayos na kaming lahat. Mukhang mag-uumpisa na 'yung event.
"Tapos na ba kayong mag-ayos?" Tanong ng adviser namin kaya masayang sumagot naman kami.
"Pumunta na kayong lahat sa gym para may maupuan pa kayo kasi kapag mamaya pa kayo pumunta baka wala na kayong maupuan." Sabi ni Ma'am kaya tumango-tango kami at niligpit na ang mga gamit namin at tsaka na kami lumabas ng room.
Malapit na rin mag-umpisa pero unti pa lang ang nasa gym kaya nagmadali talaga kaming lahat para doon kami sa malapit sa stage para kitang-kita namin 'yung mga nandoon. Buti na lang unti pa lang tao.
At buti na lang talaga merong walang nakaupo sa pang third row ng mga upuan kaya doon kami naupo ni Chelsie pati na rin 'yung iba kong kaklase.
"Naks naman, ang lapit natin sa stage, Bes." Tuwang-tuwa na sabi ni Chelsie at kinurot-kurot pa ako kaya kinurot ko din siya so ang ending nagkurutan kaming dalawa.
Napatigil lang kami sa pagkurutan nang marinig na namin ang boses ng mc. Medyo nasarapan ata kami sa harutan namin ni Chelsie at hindi na namin nakita na puno na pala ang mga upuan. Na marami ng tao sa gym.
Napangiwi naman ako dahil parang kanina lang unti lang kami dito tapos ngayon puno na. Ilang minuto ba kaming nagharutan ni Chelsie at hindi namin namalayan na puno na pala 'yung gym?
"Are you all excited?!" Energetic na sigaw na tanong ng mc na agad namang sumigaw ang mga studyanteng nandito.
Ano ba 'yan, parang nasa concert lang kami, ah. Daig pa namin 'yung concert. Natawa tuloy ako.
"Grabe, daig pa natin nasa concert." Natatawang sabi ni Chelsie.
"Agree haha." Natawang sabi ko rin. Akalain mo nga naman 'yun, oh. Parehas pala kami ng iniisip.
Matapos ang kung ano-anong pinagsasabi ng mc ay isa-isa na niyang tinawag ang mga shareholders nitong school. Pang huli niya sigurong tatawagin 'yung may-ari. Naks, may pa ano pa si ateng.
Natigilan lang ako sa sunod na tinawag ng mc no'ng makita ko kung sino 'yung tinawag niya.
"Mr. Kaiver Zeus Montefalco." Sabi ng mc. Napatitig tuloy ako do'n sa lalaking lumabas. Siya kasi 'yung nakabanggaan ko kanina, eh pero ayun, naka face mask pa rin siya. Bakit ba siya nakasuot ng face mask? May sakit ba siya? Tsaka 'yun pala ang full name niya. Ang ganda ng pangalan niya tsaka alam ko na kung bakit K.Z 'yung nando'n sa panyo niya na inabot niya sa 'kin.
Hindi ko alam na isa pala siya sa shareholders ng school. Actually, ngayon lang din ipinakilala ang mga shareholders ng school kaya siguro hindi ko siya nakikita noon kasi hindi naman sila napunta dito.
Ano ba 'yan, bakit ko ba iniisip si kuyang black? Umiling na lang ako at inabangan ang next na tatawagin ng emcee.
"Mr. Timothy Clark Ventrix." Napataas naman ang isang kilay ko nang marinig ko ang apelyido ng lalaking tinawag ng mc. Kaparehas sila ng apelyido ni Chelsie.
"Bes, Kuya ko 'yan. 'Yan 'yung Kuya kong kwene-kwento ko sa 'yo hehe." Sabi ni Chelsie sa 'kin nang lingunin ko siya at nag peace sign pa siya sa 'kin.
So siya pala 'yung Kuya ni Chelsie? Hmm, gwapo naman pero sa nakikita ko. Feeling ko, may pagka isip bata tsaka masiyahin siya kasi wala lang, bakit ba.
"And of course, the owner of this school. Let's all welcome, Ms. Aliana Montefalco, the cousin of Mr. Kaiver, isa sa shareholders ng school." Sabi ng mc at doon lumabas ang magandang babae.
Napanganga naman ako dahil sa tangkad at puti niya. Para siyang barbie. Nakalugay siya at kulay black ang kulay ng buhok niya na bumagay sa kaniya. Meron din siyang bangs na mas bumagay sa kaniya. Ang ganda niya talaga tapos naka heels pa siya. Tapos ang ganda ng mga mata niya at ang pula ng labi niya. Manipis lang ang labi niya. Intimidating din siya, pagpasok pa lang niya, eh ramdam mo na 'yung nakakatakot niyang aura. Ang kilay niya ay nakataas pero agad din niyang inayos. Parang totoo ngang mataray siya. Sana all, maganda. Ako kasi mukhang tae, chos.
Tsaka magpinsan pala sila ni kuyang black? Naks, ang galing. Ang dami naming nalaman ngayon araw, ah.
"Good morning, Montefalco Students!" Masiglang bati ni Ms. Aliana sa 'min habang nakangiti pa. Ano ba 'yan, pati 'yung boses ang ganda. Ang ganda pa ng ngiti niya. Nakaka-inlove naman. Nawala na rin ang intimidating aura niya.
"Before I start, I want to formally introduce myself to all of you. I'm Aliana Montefalco, the owner of this school, Montefalco University. Nice meeting you all, Montefalco students!" Masayang sabi niya at sinigaw niya 'yung huling sinabi niya kaya sumigaw din ang mga studyanteng nandito.
Hindi talaga kami makapaniwala na gano'n kaganda ang may-ari nitong school na pinapasukan namin. Tsaka habang nagsasalita siya at pinapanood ko siya ay hindi mo makikitang masungit at nakakatakot siya.
"Grabe, hindi ko alam na isa sa shareholders itong loko kong Kuya." Bulong sa 'kin ni Chelsie habang nakatingin siya sa Kuya niya na nakikipagdaldalan kay kuyang black.
Tinawanan ko lang naman siya dahil halata nga na wala siyang alam. Hindi naman daw kasi sinabi sa kaniya ng Kuya niya.
"Mamaya siya sa 'kin pag-uwe." Sabi niya kaya tinawanan ko na lang siya.
Maraming sinabi si Ms. Aliana pero wala akong naintindihan do'n dahil lutang ako at 'yung ngayon ngayon lang na sinabi niya ang naintindihan ko.
"I know that the little sister of my cousin, Kaiver is here. If you're really here I just want to say that take care of yourself because when something bad happens to you, your brother might do something bad haha." Tumatawang sabi ni Ms. Aliana at nilingon 'yung pinsan niya na si kuyang black.
Bakit ba ako kuya black nang kuya black? Eh, may pangalan naman siya tsaka alam ko na rin naman name niya, tsh.
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ms. Aliana. Ang swerte naman ng kapatid ni Kuyang Kaiver. Sino kaya 'yon? Sinabi kasi ni Ms. Aliana na hindi siya kilala ng kapatid niyang babae, si Kuyang Kaiver lang daw ang nakakakilala sa kapatid niya. Hindi raw kasi niya nakasama ang kapatid niya nang lumaki siya. Naiinis na nga si Kuyang Kaiver, eh kasi sinasabi na daw ni Ms. Aliana 'yun sa lahat ng nandito.
Nakakalungkot lang kasi hindi niya pala nakasama 'yung kapatid niya at hindi pa siya nito kilala. Sure akong miss na miss niya na 'yung kapatid niya at kung nasaan man 'yung kapatid niya ngayon sana magkita at magkasama na sila. Kung nandito nga 'yung kapatid niya, edi maganda. At least kilala niya ang kapatid niya kaya madali lang sa kaniya na mahanap ito.
Dahil rin sa sinabi ni Ms. Aliana ay nag-ingay na naman ang mga studyanteng nandito. Kesyo daw sana all.
Kahit ako ay nainggit. Napangiwi na lang ako. Okay na ako sa Ate ko. Matagal ko na kasing gustong magkaroon ng Kuya pero wala naman akong kapatid na lalaki na mas matanda sa 'kin kaya okay na ako sa Ate ko at mangangarap na lang ako.
Pero hindi ko maiwasan na mapasabi sa isip ko na sana ako na lang 'yung kapatid niya na hindi ko naman inaasahan na masasabi ko 'yun sa isip ko.
To be continued...
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.