Birthday ni daddy ngayon kaya nagdesisyon sila mommy na pumunta kay daddy para sama-sama kami sa birthday ni daddy.
Kami lang nila mommy, kaming magpapamilya talaga. Mamaya na namin sa bahay makakasama sila mama.
Baka nando'n na rin 'yon sa bahay para mag-asikaso. Sila Timothy, mga kaibigan ko, kaibigan nila kuya ay baka nasa bahay na. Kami lang talaga ang nandito.
"Hi, Daddy. Happy birthday sa napakagwapo, sweet at napakabait naming Daddy. Kumusta ka na po? Kami dito ay okay lang. Miss ka nga lang, pero h'wag kayong mag-alala dahil masaya naman kami dito." nakangiting sabi ko habang hinahaplos ang lapida niya.
May kirot pa rin sa puso ko habang hinahaplos ang lapida niya. Masakit pa rin talaga para sa 'kin.
Napatingin ako sa tabi ko nang may maupo at akbayan ako. Si kuya KC lang pala. Tiningnan ko rin sila mommy at kuyang black at busy sila sa pag-aasikaso ng mga pagkain namin.
"Happy birthday, Dad. Don't worry, I promise that I will protect them kahit ikamatay ko pa. I will protect our family kahit anong mangyare at h'wag kang mag-alala dahil ginagawa namin ang lahat para mapasaya si Mommy. To make your queen happy." napangiti na na lang ako sa sinabi ni kuya KC at sumandal ako sa kaniya.
Matapos no'n ay tahimik lang kaming nakatingin sa lapida ni daddy. Habang gano'n nga kami ay nararamdaman namin ang lamig. Feeling ko si daddy 'yon.
Alam kong nasa paligid lang siya namin ngayon at binabantayan kami. Mas masaya sana kung nandito talaga siya at nakakasama naming magbonding.
Maya-maya lang ay dumating na rin sila mommy at kuyang black. Tumabi sila sa 'min ni kuya KC. Binati na rin nila si daddy at si mommy ang huling bumati.
Habang nagsasalita nga si mommy ay umiiyak siya. Nasasaktan ako habang nakikita si mommy na umiiyak at marinig ang hikbi niya.
Ramdam na ramdam ko ang pangungulila niya kay daddy. Miss na miss na niya si daddy, kitang-kita 'yon sa mga mata niya. Niyakap na lang siya ni kuyang black na siyang katabi niya.
"I love you, hon. Happy birthday." huling sinabi ni mommy nang nakangiti. Hinaplos niya rin 'yung lapida ni daddy.
After no'n ay nagkwentuhan lang muna kami. Kwene-kwentuhan namin si daddy ng kung ano mang maisipan naming ikwento.
"Alam mo ba, Daddy na inaaway na ako nila kuya?" nakasimangot na sumbong ko kay daddy.
Nakita ko naman agad na nanlaki ang mga mata nila kuya. Gusto ko sanang matawa sa reaction nila kaso pinigilan ko lang para magmukha talaga akong nakasimangot.
Totoo 'yon, nagagawa na nila akong awayin. Siyempre, ako unang nang-aaway. Hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi ko sila inaaway. Ginagantihan na nga din nila ako, eh pero okay lang. Gusto ko nga 'yon, eh.
"What? Ikaw nga nangunguna. Don't listen to her, Dad. Sinisiraan niya lang kami sa 'yo." sabi ni kuyang black sa 'kin.
Si mommy naman ay natawa lang sa 'min. Ganiyan lang talaga siya sa tuwing ganito kaming magkakapatid. Natutuwa siya sa asaran at bardagulan naming magkakapatid.
Mas masaya nga lang sana kung kasama din namin si daddy, eh. Unti-unti ko na rin namang natatanggap na wala na talaga siya.
Pero hindi pa rin talaga mawawala ang kirot sa dibdib ko sa tuwing papasok sa isip ko na wala na talaga siya.
"Hey, why are you crying?" natauhan ako bigla ng marinig ko ang boses ni kuya Khaizer.
Napahawak din ako sa mukha ko dahil sa tanong niya. Tama naman siya dahil may basa akong nahawakan. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako habang iniisip si daddy.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.