CHAPTER 24

140 2 0
                                    

TIMOTHY

"Anong gusto mong gawin ko?!" Napahilamos na lang ako ng mukha ko dahil sa sigaw na 'yon ni Phenelopy.

Bwiset 'tong babaeng 'to. Siya na nga 'yung basta na lang pumasok-pasok sa kotse ng may kotse, eh.

"Ang gusto ko lang naman ay sana pinakinggan mo 'yung ipapaliwanag niya." Sabi ko. Nandito kami sa kotse ko. Huminto kami sa gilid ng kalsada.

Nalaman ko na kaya pala siya basta na lang pumasok sa kotse ko dahil gusto niya ng umalis doon dahil sa nalaman niya.

Hindi ko alam na sinabi na pala sa kaniya ni Kaiver ang totoo. 'Yung dapat niyang malaman.

Balak ko pa naman sanang kausapin si Kaiver pero umepal naman 'tong babaeng 'to.

"Papakinggan ko nga pero hindi pa ngayon, bwiset ka!" Singhal niya na naman sa 'kin.

"Anong gusto mong sabihin ko? Na, ay, tangina, weh? Ang saya-saya ko, shuta! Gano'n ba?" Dugtong niya pa kaya umirap na lang ako.

"Ewan ko sa 'yo. Manahimik ka na nga lang, ang sakit mo sa tainga!" Inis na singhal ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako.

Kapatid ba talaga 'to ni Kaiver? Parang hindi naman. Hindi naman ganito kaingay si Kaiver, eh.

Laking pasalamat ko ng tumahimik na siya. Nang lingunin ko siya ay agad na tumaas ang isang kilay ko nang makitang naiyak na siya.

Luh?

"Oh, bakit ka naiyak?" Kunot noong tanong ko.

Agad niya namang pinunasan ang mukha niya na may luha at siraulong inirapan lang ako.

Napapikit na lang ako sa inis. Konti na lang at mababatukan ko na 'tong babaeng 'to.

Balak ko na sanang paandarin ulit 'yung sasakyan nang magsalita siya pero nasa harapan 'yung tingin niya.

"Masama na ba ako? Namura ko siya kanina, eh. Naguilty rin ako dahil iniwan ko siya do'n. Nagulat lang kasi ako at hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Hindi ko pa man alam ang lahat ay nasaktan na ako. Paano pa kapag nalaman ko na lahat? Hindi naman talaga ako galit, handa rin akong makinig sa lahat ng sasabihin nila sa 'kin. Para tuloy akong tanga dahil sa ginawa nila. Pinagmukha nila akong tanga, para bang pinaglaruan nila ako. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Kaya siguro nag-iba ang kilos nila Mama ay dahil doon. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Natahimik lang naman ako habang pinapakinggan ang sinasabi niya.

Maya-maya ay napabuntong hininga ako. 'Yung problema niya feeling ko problema ko na rin. Hindi ko rin alam, ayst.

Sana naman maging matino ang pag-uusap namin hindi 'yung palagi kaming nagsasagutang dalawa. Nakakarindi din minsan.

Pero trip ko din siyang asarin, eh kaya ang gago lang. Ako itong ayaw ng maingay pero ako ang nagsisimula para umingay kaming dalawa.

"No comment ako." Nasabi ko na lang. Gusto ko man magsalita pero mas gusto ko na lang makinig sa sasabihin niya kaysa magpayo-payo pa ako, gano'n.

Mamaya niyan may masabi pa akong hindi ko naman pwedeng sabihin. Minsan pa naman ay gano'n ako, 'yung hindi ko dapat sabihin o ikwento ay nasasabi at nakwekwento ko kaya mas nananatili na lang akong nakikinig.

"Wala ka talagang kwentang kausap. Paano kapag may problema 'yung kaibigan mo? Nakatanga ka lang, gano'n?" Inis na sabi niya at napairap.

Umirap din naman ako dahil sa sinabi niya. Akala niya ba siya lang marunong umirap?

"Boba! Mas gusto ko kasing makinig kaysa ang magpayo. Tsaka nagpapayo din naman ako sa mga kaibigan ko, duh? Tsaka bakit kita papayuhan? Kaibigan ba kita?" Barumabadong sabi ko na ikinainis niya.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now