CHAPTER 13

152 3 0
                                    

When I arrived at my condo, I immediately saw Phenelopy and Timothy. Nasa sala pa lang ako, rinig na rinig ko na ang boses nilang dalawa.

"Kinidnap mo ako, noh? Umamin ka!"

"Kapal mo naman! Kung kikidnap lang din naman ako, 'yung hindi kasing ingay mo!"

"Raulo!"

"Manahimik ka na nga lang. Napaka ingay mo naman."

"In born, eh. Ikaw din naman maingay, ah! Nagreklamo ba 'ko?"

"Ewan ko sa 'yo, wala kang kwenta kausap."

"Aba! Mas wala kang kwenta kausap!"

Kailan ba sila titigil?

"Shut up! Nasa sala pa lang ako, rinig na rinig ko na 'yang boses niyo." Inis na saway ko sa kanilang dalawa, sabay naman silang napalingon sa 'kin. Nasa kwarto ko silang dalawa dito sa condo ko.

I don't care if Timothy brought Phenelopy to my room, that's okay with me. Kapatid ko naman si Phenelopy, so it's okay. There is a guest room, but I don't know why Timothy chose to bring Phenelopy here, but like what I said, it's okay with me.

And alam naman ni Timothy ang password ko sa condo kaya nakakapasok siya sa condo ko.

"K-kuyang Black?" Gulat pang tawag sa 'kin ni Phenelopy. I just smiled at her. May benda din siya sa ulo. May kung anong kumurot sa puso ko ng makita ko siyang may gano'n.

"How are you feeling?" I asked her.

"Ah, ayos na po ako, salamat." Ngiting sabi niya at umiwas ng tingin.

"Edi wow, self. Sinungaling ka. Masakit pa nga 'yung ulo mo, tsh. Bakit ba naman kasi ako hinampas ng baso ng gagong 'yon?" Rinig naming bulong niya. Akala niya siguro mahina lang 'yung pagkakasabi niya.

"You said you're fine?" Sabi ko dahilan para gulat siyang tumingin sa 'kin.

"Bubulong-bulong rinig naman." Pang-aasar naman agad ni Timothy kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Phenelopy.

"Ah, yes po. I'm fine hehe." She said while murmuring something.

"Sus, kanina parang ano 'yang bunganga mo tapos no'ng kinausap ka na ni Kaiver naging mahinhin ka bigla." Timothy said. I just shook my head.

"Shut up ka na nga lang!" Singhal sa kaniya ni Phenelopy at akmang magbabatukan pa silang dalawa ng parehas kong tampalin ang kamay nila.

"Kapag hindi pa kayo tumigil na dalawa, pag-uuntugin ko na kayo." Inis na sabi ko kaya natahimik sila at nagbulungan pa.

I just shook my head and told Phenelopy that I would talk to her later because I needed to talk to Timothy first.

"Nakakairita talaga 'yung babaeng 'yon. Ano mo ba 'yon? Girlfriend mo ba 'yon?" He asked me when we got out of my room.

"Nope, she's not my girlfriend, idiot." I said.

"Eh, ano pala?" Kunot noong tanong niya. Napailing na lang ako.

"Sister." I just answered simply. His eyes widened, he couldn't believe what I said.

"The fuck?!" Maya-maya ay sabi niya. Agad ko naman siyang binatukan.

"Seryoso?" He asked and I just nod. Napahilamos naman siya ng mukha.

"Kaya pala. Now I understand pero gusto ko pa rin siyang sakalin." Sabi niya kaya muli ko siyang binatukan.

"Subukan mo, baril ko makakatapat mo." Seryosong sabi ko sa kaniya, ngumiwi lang naman siya.

Magsasalita pa sana siya when we heard the doorbell, so we looked at the door of my condo.

"Do you have a visitor?" He asked in surprise.

"Yes, you have to go to Phenelopy first, bantayan mo. Don't let her out of my room." I said seriously. He immediately complained, but when I looked at him, padabog siyang naglakad pabalik sa loob ng kwarto ko kung nasaan si Phenelopy.

After that, I walked to the door and opened it. I smiled when I saw there who raised my sister.

"Hi, Ma. Buti na lang po at alam niyo pa papunta dito." Nakangiting sabi ko.

Tinawagan ko kasi siya kanina at sinabi ang nangyare kay Phenelopy.

"Oo nga, eh. Kumusta naman na ang kapatid mo? Nasaan siya? Gusto kong makita ang kalagayan niya. Bakit ba lagi na lang ginagano'n ang kapatid mo?" She worriedly asked.

"I don't know, Ma. Don't worry, she's fine now. Nasa kwarto ko siya ngayon kasama si Timothy. Pinabantay ko." I said and inaya ko muna siyang maupo.

"Gano'n ba?" She said and I nodded. Binigyan ko naman siya ng maiinom bago naupo sa harap niya.

"Ma." Seryosong tawag ko sa kaniya.

"Ano 'yon, anak?" Nakangiting tanong niya sa 'kin.

"I have to tell you something." I said. I need to tell her about this, about my plan.

"Hmm? Ano naman 'yon?" Curious na tanong niya.

"I want to tell Phenelopy the truth. Can I do that?" I asked.

She was silent. She could not speak immediately, mukhang nagulat ko siya.

"But if you still don't want me to tell her, it's okay. I understand." I said and smiled. She smiled too and shook her head.

"Oo naman. Pwedeng-pwede mong sabihin sa kaniya ang totoo kung kailan mo gusto. Kapatid ka niya, mas may karapatan ka sa kaniya kaysa sa 'kin. Kung ano mang desisyon mo ay tatanggapin ko." Nakangiting sabi niya, napangiti din tuloy ako.

"Asahan mo, na kapag sinabi mo na sa kaniya ang totoo ay magugulat siya. Hindi niya 'yon matatanggap agad. Kaya kapag nasabi mo na, kailangan natin siyang bantayan at intindihin sa magiging reaction niya." Dugtong pa ni Mama sa sinabi niya. Tumango naman ako at ngumiti.

"Thank you, Ma. Thank you for raising my sister. I owe you a lot. Thank you for everything." Naiiyak pang sabi ko and I don't care if I cry. I'm just thankful that I have her in my life, in our life.

I miss my biological mother, I miss my parents. Since my parents died, nandiyan siya para sa 'kin, sa 'min ng kapatid ko kaya malaki ang utang na loob ko sa kaniya.

"Wala 'yon. Basta kapag kailangan niyo ako ng kapatid mo ay nandito lang ako, ha? H'wag kayong mahiyang lumapit sa 'kin." Nakangiting sabi niya kaya lumapit ako sa kaniya at emosyonal siyang niyakap, niyakap niya rin naman ako.

"Thank you, Ma. I love you." Bulong ko sa tenga niya at hinalikan ko pa siya sa noo niya.

"I love you, anak. Kailan mo pala balak sabihin?" Tanong niya.

"Next week." I said. 'Yun naman talaga ang balak ko.

"Sigurado ka na ba diyan?" She worriedly asked at hinaplos pa ang buhok ko.

"Yes, Ma. I'll understand if magagalit siya sa 'kin after kong sabihin ang lahat ng dapat niyang malaman. Handa naman na ako sa magiging reaction niya. Kailangan ko na talagang sabihin sa kaniya ang totoo." Ngumiti naman si Mama sa 'kin.

Sabi ko nga sa kaniya na pwede namang siya na lang ang magsabi kay Phenelopy ng totoo pero ayaw niya. Gusto niyang ako mismo ang magsabi kay Phenelopy.

"Sige, ihahanda ko na rin ang sarili ko para kapag nagtanong siya sa 'kin ay masagot ko siya ng maayos." Ngumiti naman ako at tumango.

Muli ko siyang niyakap. I'm really lucky that we have her. I'm thankful dahil siya ang nagpalaki sa kapatid ko.

And I need to ready myself more for Phenelopy. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa mga dapat kong sabihin sa kaniya.

To be continued...

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now