CHAPTER 30

131 2 0
                                    

PHENELOPY

"Our parents died because someone killed them. That's all I know from now. I'm sorry if you're not with Mom and Dad anymore." sabi niya sa malungkot na boses kaya hindi ko rin maiwasan ang malungkot.

May kung anong kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Alam ko na patay na ang parents niya dahil nga nasabi sa 'kin ni Mama. 'Yun 'yung mga panahon na hindi ko pa alam na kapatid ko siya.

Ang sakit lang kasi ni hindi ko man lang nakita mga magulang ko. Ni hindi ko man lang sila natawag na Mommy at Daddy at nasabihan ng I love you.

"I'm sorry because we hid it from you. I just don't want you to be... Ayaw ko lang na madamay ka kaya I ask Mama to take care of you and I'm still young when our parents died, so I don't have a choice, but to give you to Mama. Hindi ko pa alam kung paano kita aalagaan noon kaya I'm thankful that Mama is there to help me." sabi niya kaya napangiti na lang ako.

Nandito kami sa bahay ni kuya, I mean bahay daw namin. This is our parents house daw. Dito raw kami nakatira noon, noong nabubuhay pa daw parents namin pero nang mamatay daw sila ay siya na lang ang natira dito. Siya na ang nag-alaga at 'yung mga yaya niya na lang kasama niya, gano'n.

Binibisita pa rin daw siya ni Mama at inaalagaan kaya maayos naman siya. Proud ako sa kuya ko.

"Ayos lang sa 'kin na magalit ka sa 'kin, h'wag na kay Mama." sabi niya pa.

"Ayos lang, kuya. I understand." malungkot na sabi ko. Wala na 'kong masabi kaya 'yun na lang ang sinabi ko.

Basta ang mahalaga, alam ko na kung bakit nila tinago sa 'kin ang totoo. Hindi naman ako nagtatanim ng galit sa puso ko, eh.

Nag-explain na rin sa 'kin si Mama noong mga panahon na nagkaayos na kami at noong mga araw na nasa hospital si kuya.

Kami lang ni kuya ang nandito, nag-uusap. Hindi na sumama sila Mama, may kailangan din daw silang gawin, eh. Nakapagpaliwanag na rin naman sa 'kin si Mama kaya ayos lang.

Bigay na daw ni Mama 'to sa 'min ni kuyang black. After daw namin mag-usap ay mag bonding na raw kami.

"I understand if you're mad at me, don't worry." sabi niya na ikinailing ko na lang.

"Hindi ako galit, kuya, paulit-ulit." sabi ko at natawa. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong magiging trato ko sa kaniya. Basta kung ano na lang maisipan ko, charot.

"Hmm, you know, I've been protecting you since I'm 18 years old. Binabantayan kita sa malayo. Hindi ako nalapit sa 'yo." sabi niya.

Kaya pala pakiramdam ko noon may nasunod sa 'kin. Siya lang pala 'yon.

"Then one day, sa school ni ate Aliana. Kung saan ka nag-aaral, nagkabungguan tayo. I didn't expect that. Hindi ko inaasahan ang araw na 'yon, lalo na ng ibigay mo sa 'kin 'yung bracelet mo na ginawa mo. Suot-suot ko 'yon till now. Ang saya ko ng araw na 'yon dahil kahit saglit lang ay nakausap kita." nakangiting sabi niya.

Napangiti na rin tuloy ako, lalo na ng ipakita niya sa 'kin 'yung bracelet na bigay ko sa kaniya noon. Suot niya nga 'yon.

"Since that day, naging sunod-sunod na ang pagkikita at pag-uusap natin. Masaya na 'ko sa gano'n kahit na hindi mo 'ko kilala." dugtong niya pa.

Ngumiti na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo ko at naglakad palapit sa kaniya tsaka ko siya niyakap na ikinagulat niya.

"Ngayon, you don't need to pretend as stranger to me. Dahil ngayong kilala na kita as kuya ko, hindi ka na mahihirapan. Hindi mo na kailangang itago ang totoong ikaw sa 'kin." sabi ko.

Mas mahirap ang pinagdaanan niya kaysa sa 'kin kaya hindi dapat ako magtanim ng sama ng loob sa kaniya.

Ginawa niya naman 'yon para sa 'kin, sa 'min. Sa kaligtasan namin kaya naiintindihan ko kung bakit niya 'yon ginawa.

Hindi ko pa alam kung anong pinagdaanan niya sa ilang taon na hindi kami magkasama at ng mamatay sila Mommy and Daddy pero alam kong mahirap ang mga pinagdaanan niya kesa sa 'kin.

"Thank you, Phenelopy. I'm happy that finally, I can hug you right now, that I can tell now to everyone that I have a sweet and gorgeous sister." natawa naman ako sa sinabi niya kaya mahina ko siyang hinampas sa balikat niya na ikinatawa niya lang din.

"Ako din. Gusto kong ipagsigawan na may gwapo at billionaryo akong kuya. May mahihingian na 'ko ng maneh." biro ko pa at sabay kaming natawa.

Ang saya at sarap sa pakiramdam na makita siyang masaya ngayon. Masaya ako dahil hindi na siya maghihirap na bantayan o tingnan ako mula sa malayo, na hindi na siya magpapanggap bilang ibang tao sa 'kin. Na hindi na siya mahihirapan kausapin ako.

Gagawin ko ang lahat para sumaya siya. Babawi ako sa taong hindi kami nagsama. Kumbaga, babawi kami sa isa't isa.

"Kuya, bisitahin natin sila Mommy at Daddy bukas tapos kwentuhan mo 'ko about sa kanila." maya-maya ay sabi ko pagkatapos namin magharutan.

Napag-usapan na rin namin na dito na daw ako titira kasama siya. Napag-usapan na rin daw nila Mama 'yon.

No'ng una ay ayaw ko dahil ayaw kong mahiwalay kila Mama pero kailangan dahil siya naman daw talaga ang kailangan kong kasama sabi ni Mama. Siya rin nagpilit sa 'kin na tumira na kay kuya para may kasama na daw si kuya dito.

Ayos naman na daw kila Mama 'yon. Ayos lang naman daw sila sa bahay na hindi na 'ko kasama, tanggap naman na daw nila. Ineexpect na rin naman daw 'to ni Mama.

Kahit nga si kuya ay ayos lang naman daw na hindi ako tumira sa bahay niya pero si Mama ang ayaw. Inaya nga din siya ni kuya na dito na lang din daw sila tumira pero ayaw talaga ni Mama.

Si ate nga din ayaw pumayag, eh pero pinagalitan siya ni Mama kaya ayun. Bibisita na lang daw sila dito o kaya ako. Mamimiss ko si Mama, Papa, lalo na 'yung maingay na bunganga ng ate ko.

"Hmm, okay. Ipapakita ko rin sa 'yo 'yung mga pictures nila." nakangiting sabi niya kaya tumango ako.

Inakbayan niya pa ako. Magkatabi kami ngayong nakaupo sa sofa dito sa may sala, nanonood kami ng movie.

Hindi pa rin ako sanay na ganito siya kayaman. Na may nakikita akong mga mamamahaling gamit.

Sa takot ko ngang makabasag dito ay hindi ako nadikit sa mga babasagin na gamit. Wala akong pambayad o pampalit, uy.

Masaya ako dahil ayos na kaming dalawa, na hindi niya na pinipilit na okay lang na galit ako sa kaniya, ganiyan-ganiyan.

"Ay, shuta!" gulat na sigaw ko nang sumulpot bigla sa harapan namin si Timothy.

Sa inis ko ay hinagis ko sa kaniya 'yung unan na hawak ko. Tumawa lang naman 'yung baliw.

"What are you doing here?" kunot noong tanong ni kuya sa kaniya.

Lutang ako kaya hindi ko namalayan na sumulpot na siya sa harapan ko. Nakakatakot kasi mukha niya kaya nagulat ako, charot.

"May sasabihin ako sa 'yo." sabi niya at bigla na lang naupo sa gitna namin ni kuya kaya siya na ang nasa gitna namin ni kuya.

Napaawang naman ang labi ko dahil sa ginawa niya. Hindi na nakaakbay sa 'kin si kuya dahil sa ginawa niya.

Sa inis ko ay binatukan ko siya. Paepal talaga 'tong lalaking 'to! Nagmomoment nga kami ni kuya, eh. Lagi na lang siyang istorbo sa moment namin ng kuya ko!

"Ang amazona mo, ah!" singhal niya sa 'kin.

"Meron namang ibang sofa, ah! Bakit diyan ka pa naupo? Paepal ka talaga, noh?" inis na sabi ko pero inirapan niya lang ako.

Nang lingunin ko si kuya ay napailing-iling na lang siya sa 'min. Napairap na lang ako sa inis at tinulak siya dahilan para mapasubsob siya kay kuya na nasa tabi niya.

Napaawang naman ang labi ko dahil sa resulta ng pagtulak ko sa kaniya.

Bago pa siya makatayo ng maayos ay agad na 'kong tumayo at tumakbo palayo sa kanila.

"Phenelopy! Humanda ka sa 'kin kapag nahabol kitang babae ka!" rinig kong sigaw niya kaya tumawa lang ako habang natakbo paakyat. Hindi ko alam sa'n ako pupunta, gagi.

To be continued...

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now