CHELSIE
Sobra ang kaba ko ng makita ko kung paanong tamaan ng bola si Phenelopy sa mukha niya.
Malakas ang pagkakabato no'n kaya siya napahiga. Kaya din siya nawalan ng malay.
Ipinagtataka ko lang ay bakit biglang dumating si Mr. Montefalco at walang sabi-sabing binuhat ang kaibigan ko para dalhin kuno daw sa hospital. I know him because he's my brother's bestfriend.
And of course, I ask him na kung pwede bang sumama ako sa kaniya and buti na lang pumayag siya. Kung hindi man ay pipilitin ko pa rin siya.
Hindi pwedeng hindi ako sumama sa kaniya. Kaibigan ko 'yon kaya dapat kasama ako. Nag-aalala din naman ako.
Nag-iisip na nga ako kung sasabihin ko ba ang tungkol dito sa pamilya niya, eh. Siyempre, sasabihin ko sa magulang ni Phenelopy ang nangyare sa kaniya, nag-iisip lang ako ng paraan kung paano ko sasabihin.
"Do you know her?" Maya-maya ay tanong ko kay Mr. Montefalco ng kunin na ng mga nurse si Phenelopy pagdating namin sa hospital.
"Yes." Diretsang sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Paano niya nakilala ang kaibigan ko?
Sa pagkakaalam ko ay hindi sila magkakilala, pero paanong kilala niya ang kaibigan ko? Imposibleng si Kuya dahil hindi rin naman kilala ni Kuya si Phenelopy.
"How? Paano mo siya nakilala?'' Tanong ko na nagpakunot sa noo niya.
Kanina kasi sa gym ay kitang-kita ko sa mata niya ang pag-aalala ng lapitan niya ang kaibigan ko. Do'n pa lang ay naramdaman ko ng may kakaiba.
"It's a long story." Sabi niya lang kaya tumango ako.Pagkatapos no'n ay natahimik na kami. Hinintay na lang namin na lumabas ang doctor na gumagamot ngayon sa kaibigan ko.
Hinihiling ko na sana ay walang mangyareng masama sa kaniya. Masyado nga kasing malakas ang impact ng bola sa kaniya kaya baka may hindi magandang mangyare na h'wag naman sana.
Natawagan ko na rin si Tita, 'yung Mama ni Phenelopy at grabe na lang alala niya ng sabihin ko 'yon sa kaniya.
Baka maya-maya ay nandito na 'yon si Tita kasama si Ate Lesley. At ayun nga, natanaw ko na sila Tita.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin naalis itong si Mr. Montefalco. Meron talagang something, eh.
"Nasaan na si Phenelopy? Ano bang nangyare?" Nag-aalalang tanong sa 'kin ni Tita nang makarating na siya sa harap ko.
Ni hindi niya namalayan na nasa tabi ko lang si Mr. Montefalco. Hindi ko nga alam kung bakit Mr. Montefalco ako ng Mr. Montefalco sa kaniya. Kilala niya na rin naman ako dahil nga sa kaibigan siya ni Kuya at madalas siyang nasa bahay namin.
''Natamaan po siya ng bola habang naglalaro kami ng volleyball no'ng PE namin at medyo malakas po ang impact no'n sa kaniya kaya po nandito siya ngayon, nahimatay po siya." Paliwanag ko kay Tita, napangiwi naman siya.
"Sana maging ayos lang siya." Sabi ni Tita kaya nginitian ko na lang si Tita at sinabihan na magiging maayos din si Phenelopy.
Napatigil lang kami ni Tita sa pag-uusap nang marinig namin ang sigawan ni Ate Lesley at ni Mr. Montefalco.
Magkakilala sila?
"Nandito pala siya." Rinig kong sabi ni Tita kaya napalingon ako sa kaniya.
"Kilala niyo po siya, Tita?" Hindi ko napigilang itanong.
"Oo, kilala ko siya." Sabi niya habang nakatingin sa dalawang mukhang nag-aaway.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.