"Tim." tawag ko sa kaniya.
"Family day namin next week. Pumunta kayo, samahan mo ang kapatid mo. Gustong-gusto niyang makasama kayo sa araw na 'yon kaya lang busy kayo. Gawan mo na ng paraan para matupad ang gusto ng kapatid mo." sabi ko, hindi na siya hinintay pang magsalita.
"Make your sister happy." sabi ko pa ulit.
"I didn't know that." sabi niya.
"Paanong malalaman mo, niyo kung sa tuwing susubukan niya kayong kausapin tungkol doon ay saka naman kayo wala o naalis." iiling-iling na sabi ko.
Nandito kami sa cafeteria tulad ng sinabi ko sa kaniya kanina. Siyempre libre niya 'to, noh.
"Ang sama ko naman pa lang kuya." sabi niya sabay kagat sa burger niya. Umiling na lang ako.
"Bumawe na lang kayo. Pasayahin mo naman kapatid mo." sabi ko at narinig ko naman siyang bumuntong hininga.
"Yeah, yeah. I'll talk to her later." sabi niya at muling bumuntong hininga. Tulala na, malalim na ang iniisip. Hinayaan ko lang naman siya.
Ilang minuto rin siguro siyang tulala bago ko siya batukan para matauhan siya ulit.
"Uwe ka na, papasok na ako." sabi ko at tumayo. Agad din naman siyang tumayo.
"Hatid muna kita sa room niyo." sabi niya kaya tumango na lang ako.
Kahit naman humindi ako sa gusto niya ay hindi niya naman 'yon susundin kaya hayaan na lang natin.
Habang naglalakad kami papunta sa room ay nagtatawanan pa kami. Hindi na nga namin pinapansin ang mga studyanteng nadadaanan namin na nakatingin na sa 'min, eh.
Lalo na kay Timothy dahil sa suot at dala niyang maleta. Famous 'tong hayop na 'to dito, eh kaya hindi na ako nagtataka kung maraming natingin sa kaniya, psh.
Edi siya na gwapo!
"Oh, layas ka na, nandito na tayo." pagpapalayas ko sa kaniya.
Agad naman siyang sumimangot sa 'kin na ikinatawa ko.
"Bwiset ka talagang babae ka, eh, noh? Hay nako, ewan ko sa 'yo. Alis na nga ako." sabi niya at tinalikuran na ako. Tumawa lang naman ako.
Akala ko ay tuluyan na siyang aalis pero nagtaka ako ng humarap siya sa 'kin ulit.
"Bye na, panget." sabi niya sabay dila sa 'kin na ikinaawang ng bibig ko.
Tinawag niya akong panget?
"Bwiset kang tukmol ka!" asar na sigaw ko pero kumaripas lang siya ng takbo habang hila-hila 'yung maleta niya. Rinig na rinig ko rin ang tawa niya.
"Hayop na 'yon, malasin ka sanang bwiset ka." bulong ko at asar na pumasok sa room.
Hindi ko na pinansin ang mga malisyosang/malisyosong mata ng mga kaklase ko. Agad akong umupo sa tabi ni Chelsie na tinatawanan lang ako.
Leche talaga.
* * *
"Ate Lesley." tawag ko kay ate Lesley.
Nandito ako ngayon sa bahay nila. Siya lang naabutan ko dito, wala sila mama at papa. Nasa palengke raw.
Sakto ngang wala siyang pasok kaya naabutan ko siya dito. No'ng uwian kasi namin kanina ay dumiretso na ako dito. Miss ko na rin kasi sila tsaka aayain ko sila sa family day.
"Yes, bebe gurl?" tanong niya at naglakad palapit sa 'kin. Nasa may kwarto niya kasi siya kanina, eh.
"Busy ka? Punta kayo nila mama sa family day, pwede ba?" tanong ko.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.