CHAPTER 54

58 2 0
                                    

"Hoy! Akin 'yan!" sigaw ko habang hinahabol si Timothy.

Hayop na lalaking 'to. Ang laking epal talaga, eh. Kinuha niya kasi 'yung binili kong chichirya. Hindi na lang siya bumili ng sa kaniya, yaman-yaman niya naman.

Nandito nga pala kami ngayon sa bahay nila. Birthday kasi ni tita, 'yung mommy niya kaya nandito kaming lahat. Basta kaming lahat.

Ang dami nga ring tao, eh. Ang daming bisita ni tita. Actually, kanina pa nag-umpisa ang celebration. Kainan na lang ngayon tas daldalan. Wala naman gaanong ganap.

"Timothy!" gigil talagang sigaw ko pero ang hinayupak tumawa lang at inasar pa ako. Napairap na lang ako at hinayaan siya.

Nilapitan ko na lang sila Chelsie at nakipagdaldalan ako sa kanila. Naupo ako sa kung saan sila nakapwesto. Kasama din nila mga bebe nila. Nandito rin si ate Maxlyn siyempre. Nagtatawanan lang kami tapos maya-maya lang ay bigla ng sumulpot si Timothy.

"Uy, galit ka?" tanong niya.

Nasa likuran ko siya at nakapatong ang baba niya sa balikat ko habang hinahalik-halikan niya ang pisnge ko. Nakayakap rin siya sa tiyan ko. Hindi ko naman siya pinansin.

"Ahm, guys. Banyo lang ako, ah?" sabi ko kila Chelsie at inalis ang kamay ni Timothy sa tiyan ko.

"Sige lang." nakangiting sabi ni ate Maxlyn.

"Palamon ka na lang sa inidoro, bes." sabi naman ni Chelsie at tumawa pa na ikinailing ko na lang.

After nga no'n ay umalis na ako para pumunta sa banyo. Naiihi naman kasi talaga ako kaya need ko talagang mag banyo. Tapos ang kupal sinundan pala ako.

"Magbabanyo ako, sasama ka pa?" nakataas ang isang kilay na tanong ko. Napanguso naman siya.

"Sorry na, palitan ko na lang. Gusto mo 'yung mas masarap pa do'n." sabi niya na ikinairap ko lang.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na ako ng pasok sa banyo. Rinig ko pa ang reklamo niya pero hinayaan ko lang siya sa labas. Nilock ko 'yung pinto, siyempre. Mamaya bigla siyang pumasok, eh.

Nang matapos ako sa pag-ihi ay naghugas muna ako ng kamay tapos binuksan ko na 'yung pinto pero gano'n na lang ang gulat ko nang bumungad sa 'kin ang nakasimangot na mukha ni Timothy.

"Tangina mo!" sigaw ko sa kaniya at hinampas siya sa dibdib niya. Aatakihin ako sa puso dahil sa kaniya, eh.

Napatili pa ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilahin palapit sa kaniya tsaka niya ako niyakap nang mahigpit.

"Sorry na kasi. Papalitan ko na nga lang, eh." bulong niya sa 'kin at bahagya pang hinalikan ang leeg ko kaya napaigtad ako.

"H'wag na. Wala na rin ako sa mood na kumain ng chichirya." sabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Ano na lang gusto mo? Babawi ako, h'wag ka ng magalit sa 'kin, please? I love you." sabi niya pa at hinarap na ako pero nanatili pa ring nakayakap ang kamay niya sa bewang ko.

"Love you." sabi niya nang hindi ako nagsalita at hinalikan pa ako sa labi na ikinagulat ko kaya nahampas ko siya ulit sa dibdib niya. Tinawanan niya lang naman ako.

"Ewan ko sa 'yo. Alis ka nga diyan." sabi ko sabay tulak sa kaniya pero malakas si kupal kaya hindi ako nakaalis.

"Sorry na nga kasi. Parang chichirya lang, eh." angal niya.

"Sampalin kaya kita?" sabi ko na ikinairap niya lang.

Aba, mas magaling pa siyang umirap sa 'kin, ah.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now