CHAPTER 41

101 3 1
                                    

"Pst, Phen." hindi ko pinansin ang asungot na nasa tabi ko. Magkasabay kaming naglalakad ngayon palabas ng school.

Hindi ko kasabay 'yung kaibigan ko na kapatid niya dahil absent. May sakit ang gaga kaya buong araw akong nakabusangot dahil sa kuya niyang makulit.

Ni hindi ko nga alam kung bakit nakabuntot pa rin sa 'kin 'to kahit tapos na ang pagiging body guard niya sa 'kin.

"Beybi, pansinin mo naman ako. Uy, Phenelopy, yuho!" napairap na lang ako sa kakulitan niya pero palihim din akong ngumiti.

Ang cute niya kasi!

Feeling ko nakanguso na siya sa tabi ko habang nagpapapansin sa 'kin. Hindi ko naman kasi siya tinitingnan kaya hindi ko talaga alam kung anong itsura niya ngayon.

Tapos kung ano-ano pang tinatawag sa 'kin na endearment, akala mo naman may label kami.

Tsaka na 'yan kapag may label na kami, charot. Ang landi mo, Phenelopy. Tumahimik ka at baka mabaril ka ng mga kuya mo sa kalandian mo.

Tatlong linggo na pala ang nakalipas matapos magkaalaman ng lahat. Ayos naman kami nina Mommy at nagiging close ko na talaga si kuya Khaizer.

Si kuya KC at kuya Kaiver ay hindi ko alam. Lagi lang silang nagsasagutan kaya hindi ko sure kung okay na ba silang dalawa.

Dalawa tuloy naging problema ko. Paano ba naman kasi, may dumagdag na isang protective sa 'kin. Naging protective din kasi sa 'kin si kuya KC pero ayos lang, gusto ko rin naman.

By the way, ang alam ko ang ginagawa ni kuya KC at ni kuya Kaiver ngayon ay 'yung ipabagsak ang ex ni Mommy na naging dahilan ng pagkahiwalay at pagkakasira ng pamilya namin.

Hindi naman ako nakikisali sa kanila kapag 'yun ang usapan nila. Naririnig ko lang kasi sila minsan na pinag-uusapan ang lalaking 'yon kaya alam ko.

"Tim." biglang sabi ko at huminto sa paglalakad, napahinto rin tuloy siya.

Nang tingnan ko siya ay nakangiti siya sa 'kin. Nag-aabang sa sasabihin ko.

Sa itsura niya ay gusto ko tuloy siyang kurutin sa pisnge niya. Nanggigigil ako, eh, nagpipigil lang ako. Dapat masungit muna ako sa kaniya ngayon.

"Samahan mo 'ko." sabi ko na agad ikinakunot ng noo niya.

"Saan naman? Nagpaalam ka ba sa mga kuya mo? Mamaya niyan hindi, ah tapos ako pa ma–" agad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko kaya natahimik siya bigla.

"Ang daming sinasabi. Sabihin mo lang kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin." sabi ko at umirap at tanggal ng kamay ko sa bibig niya.

"Sinong nagsabing hindi ako sasama? Neck-neck mo, uy, sasama ako." sabi niya na ikinailing ko na lang habang pasimpleng ngumiti.

Nyemas naman.

"That's good. Sa mall lang naman tayo pupunta at saglit lang naman kaya hindi na need magpaalam kina kuya tsaka kasama naman kita, may bibilhin lang ako." sabi ko at tumango naman siya.

"Kung may mangyare mang masama sa 'kin, good luck na lang sa 'yo." dugtong ko at nginisihan siya. Nawala tuloy ang ngiti sa mga labi niya na ikinatawa ko ng malakas.

"Papansin." sabi niya sabay irap.

Tinawanan ko lang naman siya na mas lalong ikinasalubong ng kilay niya.

"Tara na nga, langyang 'to." sabi ko nang matapos na akong tumawa pero may ngiti pa rin sa labi.

Matapos nga no'n ay sumakay na kami sa kotse niya papunta sa mall. Sa totoo niyan, wala naman talaga akong bibilhin do'n.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now