CHAPTER 16

153 3 0
                                    

"Do you want an ice cream?" Tanong ni Kuyang Black.

Nahihiyang tumango naman ako at ngumiti lang naman siya sa 'kin at naglakad na siya papunta sa counter ata 'yon.

Sayang 'yon kung tinanggihan ko. Ice cream din 'yon, eh. Sorey, medyo makapal ata face ko ngayon.

Nandito kami ngayon sa isang mall tapos pumunta kami ng Jollibee. Sabi niya kasi ay kumain na lang daw muna kami tapos pinapili niya ako kung saan kaya 'yun sinabi ko.

Namiss ko rin kumain dito, tsaka sabi niya libre niya daw kaya kahit nakakahiya ay go lang ako. Siguro habang nakain kami ay magtatanong na ako sa kaniya.

Napangiti ako habang tinitingnan siyang bumili. Hindi ko alam pero namiss ko siya. Gusto ko din siyang yakapin, nakakaloka.

Hindi rin naman nagtagal ay nakabalik na siya ulit sa mesa namin. Actually, mag-uumpisa pa lang kaming kumain.

"Here." Sabi niya matapos maupo sa harapan ko.

"Thank you po." Magalang na sabi ko. Para akong tanga.

"You're welcome." May humaplos sa puso ko ng makita ko siyang ngumiti sa 'kin.

Wah, ang gwapo ni Kuya!

Parang ayoko ng ituloy 'yung itatanong ko sa kaniya or sasabihin. Hindi ko talaga alam bakit nasabi ko 'yon.

Wala naman talaga akong gustong sabihin, eh. Para talaga akong tanga, nakakahiya.

Siguro gusto ko lang siyang makabonding, makasama, gano'n? Hindi ko alam kung bakit.

Ano na bang nangyayare sa 'kin?

"Hey? Are you okay?" Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang gwapo niyang boses.

"Ah, opo hehe." Nahihiyang sabi ko. Parang gusto kong tuktukan 'yung sarili ko.

"Are you sure? Pwede namang next time na lang tayo mag-usap if you're not okay." Nasa boses niya ang pag-aalala ng sabihin niya 'yon sa 'kin.

"Huh? Ahm, hindi, ah teka hehe." Hindi ko na alam ang sasabihin ko, shemaylu naman.

Maya-maya ay narinig ko siyang tumawa kaya napasimangot ako. Kasi naman.

"I mean, ayos lang po ako, may iniisip lang hehe." Sabi ko at napakamot sa ulo ko.

"H'wag kang mahiya sa 'kin." Sabi niya at muling tumawa. Ang ganda pakinggan ng tawa ni Kuyang Black.

Hoy! Wala akong gusto sa kaniya, ah! Unahan ko na kayo.

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa hiya. Naalala ko bigla na tinanong ko si Ate kung kaibigan niya ba 'to

Wait.

If hindi talaga sila magkaibigan, bakit sinabi sa 'kin ni Mama na kaibigan ni Ate 'tong si Kuyang Black?

Nagsisinungaling ba sila sa 'kin?

"Ah, Sir–"

"Okay na ako sa Kuya." Agad na sabi niya nang tawagin ko siyang Sir.

Bakit nga ba ako nag Sir?

"Sige po. Ah, Kuyang Black, magkaibigan po ba kayo ng Ate ko?" Curious na tanong ko.

"Nope." Mabilis na sagot niya kaya tumango-tango naman ako.

So, hindi nga sila magkaibigan. Pero bakit sabi ni Mama friends daw sila? Eh?

Hindi na muna ako nagtanong ulit at tinapos ko na lang muna ang kinakain namin at gano'n din naman siya.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now