PHENELOPY
Magsisimula na ang 18th dance pero wala pa sila kuya dito. Kahit si Timothy ay wala pa. Hindi ko maintindihan kung bakit wala sila dito.
Pinakamahalagang araw 'to para sa 'kin pero wala sila. Hindi ko alam kung nasaan sila. Gusto kong maiyak pero nagpipigil ako dahil hindi pwedeng masira ang make up ko.
Kahapon ko pa sila hindi nakikita at nakakausap. Wala akong balita sa kanila. Bigla na lang silang hindi nagparamdam.
Nangako sila sa 'kin na sa araw na 'to ay nandito sila pero wala naman. Nasaan na ba kasi sila? Bakit wala sila dito ngayon?
Birthday na birthday ko pero hindi ako masaya dahil wala sila dito. Pilit na nangiti na lang ako sa mga tao dito.
Hindi ko na ba sila masasayaw sa 18th birthday ko? Excited na excited pa naman ako sa araw ko na 'to pero wala, walang nangyare.
Hindi talaga masaya minsan ang maexcite nang sobra dahil masakit sa huli.
"Phenelopy, ayos ka lang?" napatingin ako kay ate Lesley ng maglakad siya palapit sa 'kin.
Umalis muna kasi ako sa upuan ko doon sa may stage para kumain. Nandito ako ngayon sa isang mesa, mag-isa lang ako dito.
Pinili ko talagang mapag-isa. Sila mommy kasi ay busy sa pag-aasikaso o pakikipagkwentuhan sa mga bisita.
"Hindi, ate. Wala sila, eh." sabi ko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sabay hila ng upuan niya para itabi sa 'kin.
"Papunta na 'yun sila. May nangyare lang siguro. Don't be sad na. Birthday na birthday mo, nakasimangot ka." sabi niya habang marahang sinusuklay ang buhok ko.
"Hindi ko lang mapigilan ang malungkot, ate." sabi ko at ngumiti nang pilit.
Muli siyang bumuntong hininga at hinalikan na lang ang gilid ng noo ko.
Hindi nagtagal ay tinawag na ako ng host para maghanda sa 18th dance. Tamad na tumayo tuloy ako para maglakad palapit sa may harap.
Sa totoo nga niyan ay ayaw ko nitong celebration na 'to, eh. Sila mommy lang naman ang may gusto nito. Gusto ko lang ay 'yung simple, 'yung magkakasama lang kaming lahat at nagbabonding. 'Yun lang naman ang gusto ko pero hinayaan ko na lang sila dahil nakikita kong masaya naman sila dito.
Habang naghihintay ako sa harap ay nakatingin ako sa pinto dahil baka biglang pumasok sila kuya. Umaasa ako na makakahabol sila.
Pero tinawag na ang pangalan ni kuya Khaizer pero walang pumasok. Napabuntong hininga na lang ako at yumuko.
Tapos na ang second dance ko which is si papa. My first dance is my father kaya diretso sa second dance dahil gusto kong si daddy lang ang first dance ko kahit na magmumukhang si papa ang first dance ko dahil kahit second siya sa listahan ay siya pa rin ang una kong sinayaw. I hope na sa panaginip ko ay dalawin niya ako at sayawin.
Habang nakayuko ako ay rinig na rinig ko ang bulungan ng mga bisita. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at naramdaman ko na lang na umiyak na ako.
Natigil lang ako sa pagkagat ng ibabang labi ko ng may makita akong sapatos sa harapan ko at napasinghap ng hawakan nang kung sino man ang balikat ko. Doon na ako nag-angat ng tingin.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.