CHAPTER 20

172 3 0
                                    

PHENELOPY

Napangiti ako habang pinapanood si Chelsie na ayusan ng make up artist na kinuha ng Mommy niya.

Naghahanda na kasi siya para sa 17th birthday celebration niya mamaya. Maaga akong pumunta dito dahil 'yun ang gusto niya.

"Ang ganda mo diyan, Chels." Nakangiting sabi ko.

Naka gown siya na kulay blue. 'Yung gown niya ay palobo. Napakaganda niya sa suot niya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya.

I'm so happy for my best friend. Kahit na tanga siya minsan ay mahal ko 'yan.

Tapos ang suot ko naman ay simpleng long gown lang na hindi naman kita ang aking kaluluwa like that. Siya din ang nagbigay nito sa 'kin.

Ayaw ko ngang tanggapin no'ng una, eh kaso namilit siya kaya hinayaan ko na lang siya dahil birthday naman niya, pagbigyan na natin.

Nang matapos siyang ayusan ay nagtaka ako ng lumapit siya sa 'kin at hinila niya ako paupo kung saan siya nakaupo kanina.

"Ayusan niyo din siya, teh." Nakangiting sabi ni Chelsie kay Ateng make up artist.

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil alam ko na kung anong binabalak niya.

Tatayo na sana ako kaso agad niya akong pinigilan at nginitian nang matamis.

"Gandahan niyo, ha?" Sabi pa ulit ni Chelsie na ikinangiti lang ni Ateng make up artist.

"Yes, Chelsie. Ako nang bahala sa friend mo." Nakangiting sabi ni Ateng. Kitang-kita ko sila sa salamin na nasa harapan ko.

"Hoy, Chelsie. Parang sira naman 'to. Hindi naman na 'to kailangan." Sabi ko at sinusubukan ulit na tumayo pero hindi niya ako hinahayaan na makatakas.

"It's a no no, Bessy." Ngising sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya sa gusto niyang gawin sa 'kin.

Hindi nga ako nag make up sa bahay dahil ayoko no'n at hindi ako nagpa make kay Ate kahit gusto niya pero hindi pa rin pala ako makakatakas sa kaibigan ko, hayst.

Pasalamat siya at birthday niya ngayon. Humanda talaga siya sa 'kin kapag natapos na 'yung birthday niya.

Habang inaayusan ako ni Ate ay umalis muna si Chelsie kasama 'yung parents niya. Mamaya talaga sa 'kin 'yung bruhildang 'yon.

Napapikit ako ng may kung anong gawin si Ate sa pilik mata ko. Ang sakit naman nito.

Maya-maya ay buhok ko na ang inayos niya. Tinanggal niya 'yung pagkakatali ko do'n hanggang sa matapos na siya.

Nang matingnan ko ng maayos ang mukha ko sa salamin na kaharap ko ay namangha ako.

"Ako ba 'yan?" Gulat na tanong ko at nakangiting tumango naman si Ate.

"You're so beautiful, Phenelopy." Nakangiting sabi niya sa 'kin kaya napangiti na lang din ako.

Hindi ako makapaniwala na gaganda ako nang ganiyan. Maganda naman na daw ako kahit wala akong make up kaya nga hindi na ako nagmemake up dahil ayos na ako sa itsura ko.

Hindi ko maiwasan na magandahan sa itsura ko ngayon. Pwede ko na atang ligawan 'yung sarili ko.

'Yung buhok ko kanina na nakatali nang pony tail ay nakalugay na ngayon na kulot pa ang ibaba. Bumagay naman sa 'kin 'yon.

"Thank you po, Ate." Nakangiting sabi ko kay Ate ng matapos kong titigan ang sarili ko sa salamin.

Hinawak-hawakan ko pa ang mukha ko para masiguro kong ako nga talaga 'yon.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now