"What are you doing, Mom? Paano ka nakapunta dito?" takang no'ng lalaking nakamaskara habang nakatingin sa ginagawa ng Mommy niya sa 'kin.
Agad kasing tumakbo sa 'kin 'yung Mommy niya para pakawalan ako. Nakatingin lang naman ako sa Mommy niya habang tinatanggal ang pagkakatali sa 'kin sa paa at kamay.
"Pinapakawalan ko ang kapatid mo. Anong pumasok diyan sa isip mo at nagawa mo ito sa kapatid mo? Sinundan din kita KC. Masama kasi ang kutob ko at heto nga ang naabutan ko. Paano kung hindi ako dumating? Na hindi kita sinundan? Edi napatay mo ang sarili mong kapatid!" sigaw niya habang pinapakawalan ako.
Nang tuluyan niya akong mapakawalan ay niyakap niya ako nang mahigpit kaya napaluha akong lalo.
Kaya kahit na nanghihina ako ay niyakap ko din siya. Akala ko ba patay na siya? Anong nangyare? Nananaginip ba ako? Sana h'wag na akong magising.
"What do you mean, Mom? I... I thought..." nagtatakang sabi nitong KC. Hindi matuloy ang sasabihin.
"A-akala ko rin, anak pero no'ng nakaraang araw lang ay nalaman ko na buhay siya. N-niloko tayo no'ng lalaking 'yon." umiiyak na sabi ni Mom. Mama na tawag ko kay Mama ni ate Lesley, eh.
Kahit na naguguluhan ako sa nangyayare ay hindi ko na muna 'yon pinansin at mas hinigpitan ko ang yakap kay Mommy.
Mukhang hindi nga ako nananaginip. Sana nga.
"I'm sorry, anak. I'm sorry, Phenelopy. Sorry d-dahil ngayon lang nagpakita sa 'yo si Mommy." mas naiyak ako sa binulong niya sa 'kin.
Totoo ngang nasa harapan ko na siya ngayon. Totoong yakap ko 'yung totoo kong nanay. Namamanhid na 'yung mata ko sa kakaiyak pero wala na 'kong pakealam do'n.
"M-mommy." umiiyak na sabi ko habang nakasubsob ako sa leeg niya. Para akong bata ngayon.
"Oo, anak. Ako ang Mommy mo. Patawarin mo si Mommy." umiiyak ding sabi niya pero umiling lang ako.
"Mom, I'm sorry. I... I didn't know." napatingin ako kay KC nang magsalita siya.
Ano pa lang ibig sabihin ni Mommy? Akala ko si kuya lang ang kapatid ko? Mukhang meron pa. Alam kaya ni kuyang black?
"H'wag ka sa 'kin mag sorry, sa kapatid mo. Magkakatrauma pa ang kapatid mo dahil sa ginawa mo. Tingnan mo, may sugat ang gilid ng labi niya. Halatang sinampal din siya dahil namumula ang pisnge niya. Sinong gumawa niyan sa 'yo, Phenelopy?" sunod-sunod na sabi ni Mommy habang tinitingnan niya na ang mukha ko.
Hindi ko alam na nagkaroon ako ng sugat dahil sa pagsampal sa 'kin no'ng panot na 'yon kanina.
"'Y-yung panot na lalaki." sagot ko sa tanong sa 'kin ni Mommy.
Kung nasa maayos lang kaming kalagayan ngayon ay baka tumawa pa ako ng malakas dahil sa sinabi ko. Nakakatawa kasi 'yung panot.
"Ipakilala mo sa 'kin 'yung panot na 'yan, Phenelopy. Humanda siya sa 'kin. Wala siyang karapatan na saktan ang prinsesa ko." seryosong sabi ni Mommy at hinaplos ang pisnge ko.
Natawa naman ako dahil kahit nakakatakot ang mukha ngayon ni Mommy ay hindi ko mapigilan ang matawa dahil ang cute niya.
"Nanghihina ka na nga, nagagawa mo pang tumawa." sabi niya.
"Mom." napalingon kami ng tawagin siya nong KC.
"What? Lagot ka rin sa 'kin, Khaizer Chance. Hindi ko mapapalagpas ang paggawa mong pagtutok ng baril sa kapatid mo." seryosong sabi ni Mommy sa kaniya.
Kapatid siya nang kapatid. So may kapatid pa nga talaga kami ni kuya, gano'n ba? Ang gulo.
"Mom, b-bakit kapatid ka nang kapatid? Kapatid ko ba siya? Akala ko si k-kuya Kaiver lang ang kapatid ko?" takang tanong ko sa nanghihinang boses.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.