CHAPTER 26

137 3 0
                                    

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan pauwe sa bahay. Walang nagsasalita ni isa sa 'min.

Awkward.

Hindi ko pa rin makalimutan 'yung ginawa niya kanina sa parking lot. Halikan ba naman ako ng siraulo sa pisnge.

Natameme ako no'n tapos nang matauhan ako ay agad akong tumakbo paalis do'n. Buti na lang hindi niya ako hinabol pa.

No'ng uwian na nga lang siya nagpakita sa 'kin, eh. Akala ko hindi na siya magpapakita sa 'kin.

Grabe talaga 'yung bilis ng tibok ng puso ko kanina. Ngayon, gano'n pa din kasi kasama ko na siya ulit, eh.

Tinanong ko nga kapatid niya na kaibigan ko kung bakit ba nakabuntot sa 'kin 'tong kuya niya kaso hindi niya daw alam.

"Nandito na tayo." natauhan ako nang marinig ko siyang magsalita.

Tumango lang naman ako habang tinatanggal ang seatbelt na suot ko. Ayaw kong tumingin sa kaniya kaso ang walangyang seatbelt na 'to ayaw makisama. Ayaw niyang matanggal.

Nagulat ako ng hawakan ni Timothy 'yung seatbelt. Nakahawak ako do'n kaya napahawak din siya sa kamay ko.

Nang lingunin ko siya ay napasinghap ako sa lapit naming dalawa. Langya talaga 'tong lalaking 'to, oh! Bigla-bigla na lang nasulpot.

"Tulungan na kita." seryosong sabi niya at iniwas ang tingin sa 'kin.

Agad naman akong bumitaw sa pagkakahawak ko sa seatbelt.

Pansin ko lang, ang lambot pala ng kamay niya. Dumampi lang 'yon sa 'kin pero ramdam ko 'yung lambot. Halatang walang ginagawang gawaing bahay ang lalaking 'to.

Nang matanggal niya na ay nauutal na nagpasalamat ako at dali-daling bumaba ng sasakyan niya.

Akala ko aalis na siya pero nagulat ako ng bumaba siya sa kotse niya at maglakad papasok sa bahay.

Feel at home ang kupal!

Dali-dali naman akong pumasok sa loob ng bahay din para sundan siya. Naabutan ko siyang kausap na si Mama, nakita ko pang nagmano siya.

Ay, magalang yarn?

Naging close na rin sila ni Mama at ate. Hindi ko alam kung paano at kailan basta close na sila.

Alas siyete na nang gabi. Ang oras ng uwian namin ay alas sais kaya gano'n. Kapag half day lang kami ay alas singko ang uwian namin.

"Hoy, kupal ka!" singhal ko sa kaniya nang malapitan ko siya at ng umalis si Mama para pumunta sa kusina.

"Ano?!" singhal niya din sa 'kin. Gigil na piningot ko naman siya sa tainga niya na ikinatili niya.

Hindi ko 'to nagawa sa kaniya kanina, eh kaya ngayon na lang. Bwiset siya, ah! Akala niya ba makakatakas siya sa 'kin.

"Aray ko! Shuta! Tangna!" nakangiwing sigaw niya matapos ko siyang pingutin.

Napangisi ako nang makitang namumula ang tainga niyang piningot ko.

"Bakit ka ba namimingot? Inaano ka ba? Ha?!" gigil na tanong niya at tinuro-turo niya pa ako gamit 'yung isang kamay niya. 'Yung isang kamay niya kasi ay hinihimas niya 'yung tainga niyang piningot ko.

"Nabibwiset kasi ako sa 'yo. Bakit mo ba ako..." natigilan ako sa sasabihin ko at tumikhim na lang.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisnge ko. Naalala ko na naman kasi 'yung kanina kung paano niya akong hinalikan sa pisnge.

Sa tuwing pumapasok 'yon sa isip ko ay nag-iinit ang pisnge ko.

"Ano 'yon? Tsaka bakit ka namumula? Are you blushing?" takang tanong niya at lumapit sa 'kin pero agad akong umatras.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now