"Alis muna ako." paalam ni Joseph sa 'kin. Tumango lang naman ako.
Kakatapos lang ng Ms. and Mr. Campus 2020 at alam niyo ba? Kami ni Joseph ang nanalo kaya tuwang-tuwa ang mga kaklase ko pati adviser namin pati sina Mama.
Lalo naman kami ni Joseph. Sa sobrang tuwa namin ay nagyakapan kaming dalawa sa gitna ng stage. Natawa pa ako nang maalalang binuhat niya pa ako at pinaikot-ikot.
Nang marealize niya ang ginawa niya ay binaba niya ako at napakamot sa batok niya. Tinawanan ko lang naman siya.
Tinukso tuloy kami ulit. Hiyang-hiya ako no'n. Dahil panalo daw kami ay perfect na kami sa quiz at exam namin sa adviser namin na ikinatuwa naming lahat.
Grabe pasasalamat sa 'min ng mga kaklase namin dahil kung hindi daw dahil sa 'min ay wala kaming perfect na quiz at exam.
"Ang galing mo, anak." tuwang-tuwang sabi sa 'kin ni Mama at niyakap ako.
Binati na rin kami nina kuyang black, ate, at ni Chelsie kanina. Wala sila dito ngayon. Ewan ko kung nasaan sila. Nagsialisan sila, eh. Kahit si Timothy ay umalis din. Anong aasahan ko do'n? Hindi na 'ko nag-expect na babatiin ako no'n. Pero salamat pa rin sa kaniya dahil todo support siya sa 'kin kanina. Pero matapos no'ng talent namin ni Joseph ay nanahimik na siya. Ewan ko ba do'n.
Inaantay ko ngang lumapit siya sa 'kin dahil babatukan ko pa siya pero hindi siya nagpakita. Bwiset na 'yon.
Nakita ko kanina na umalis si kuyang black na agad namang sinundan ni ate. Feeling ko may something sa dalawang 'yon, eh. Tapos si Chelsie din, pagkatapos niya kaming batiin ni Joseph ay umalis siya. Parang malungkot pa nga. Si Joseph hindi ko din alam saan pumunta. Mga baliw, nagsilayasan. Iniwanan ako ba, ang sasama.
Si Mama at ako lang ang naiwan dito. Suot ko pa rin 'yung crown. Nakakailang nga, eh.
"I'm so proud of you, Phenelopy." nakangiting sabi ni Mama sa 'kin.
"Ma naman, h'wag mo 'kong paiyakin." sabi ko kaya natawa siya at ako din.
Pagkatapos ng dramahan namin ni Mama ay nagpasya na kaming hanapin 'yung mga taong nagsilayasan. Wala naman ng pasok kaya pwede na kaming umuwe.
Nang makita ko si Joseph ay tinawag ko siya. Mukha siyang balisa na ewan. Nagpaalam na muna ako kay Mama dahil pupuntahan ko si Joseph. Hindi pa namin mahanap 'yung iba. Bahala na sila diyan, malaki naman na sila.
"Anong nangyare sa 'yo? May problema ba?" tanong ko nang makalapit na 'ko sa kaniya.
"Nothing." sagot niya at narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
"Weh? Parang meron, eh." sabi ko pero umiling lang siya.
"Sabihin mo na, alam kong meron. Kaibigan tayo 'diba?" sabi ko kaya nakangiting tumango siya.
"Fine. May sasabihin ako." sabi niya kaya ngumiti ako at tumango.
"I like your friend." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napasinghap din ako. Literal na binigla at diniretso niya ako ba.
"Si Chelsie?" gulat na tanong ko at malungkot na tumango naman siya.
"Ay, weh? Kailan pa?" tanong ko, hindi pa rin ako makapaniwala. Tingnan mo nga naman 'tong babaeng 'to, oh.
"Since the first time I saw her. Sa isang park 'yon noon." sabi niya.
Taray ng kaibigan ko, shems. Bakit kaya walang nakwento 'yon sa 'kin?Mamaya siya sa 'kin.
"Love at first sight?" tanong ko at nagkibit balikat naman siya at sabay sabing 'siguro.'
"Basta, tsaka na lang ako magkwento. Susuyuin ko muna siya ngayon. Nagselos kasi sa 'tin kanina, eh." sabi niya kaya natawa na lang ako.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.