CHAPTER 6

208 6 0
                                    

LESLEY

Pigil ko ang sarili na sapakin ang lalaking 'to na nasa harapan namin ni Mama.

"I just want you to know–"

"Nasa Pilipinas ka kaya magtagalog ka." Iritadong pagsisingit ko sa gusto niyang sabihin.

"Can you shut up?!" Inis ng sigaw niya sa 'kin, umirap lang naman ako.

"Ano ba?! Tumigil nga kayong dalawa!" Inis na sabi ni Mama kaya napairap naman ako.

"Ikaw kasi!"

"Siya kasi!"

Sabay pang sigaw namin. Partida, sabay din kaming tinuro ang isa't isa gamit ang hintuturo naming dalawa kaya hindi ko naiwasan ang mapataas ang isang kilay ko.

Napatingin ako kay Mama at kita ko kung paano siyang ngumiti na ikinakunot ng noo ko.

Ngini-ngiti-ngiti ng Nanay kong 'to?

"Ma!" Tawag ko sa kaniya kaya napatikhim siya at tinaasan ako ng kilay.

Mana ako sa Nanay kong 'to. Mataray din, pero mas mabait nga lang 'yang Nanay ko at mas maldita naman ako.

"Ikaw Lesley, umayos ka. Bisita natin si Kaiver kaya tumigil-tigil ka sa kakasigaw-sigaw mo sa kaniya." Saway sa 'kin ni Mama na ikinairap ko na lang.

Napatingin naman ako sa lalaking walanghiya na katabi ko lang at kita ko kung paano niya akong dinilaan at ngumisi pa siya sa 'kin.

Dahil sa ginawa niya ay nagsalubong ang kilay ko at pasimpleng inapakan ang paa niyang katabi lang ng paa ko.

Palihim akong natawa ng makita ko kung paano siyang ngumiwi at napasigaw pa.

Buti nga sa 'yo!

"Ano 'yon, iho? Bakit ka sumigaw?" Nag-aalalang tanong ni Mama kay Kaiver.

Tingnan mo 'tong si Mama, parang wala dito 'yung anak niya, ah.

"Wala po 'yon, Ma. May ipis lang kasi akong nakita at nagulat ako. Hayaan mo, Ma. Kapag nakita ko ulit 'yon, tatapakan ko hanggang sa madurog siya." Sabi niya habang nakatingin sa 'kin.

Kung wala lang talaga si Mama dito, kanina ko pa siya sinapak. Punyeta siya, mamaya lang talaga siya sa 'kin.

Tsaka marunong naman pa lang magsalita ng tagalog tapos english pa nang english, tsh. May pa Ma, Ma pa siyang tawag sa Nanay ko.

"Gano'n ba? Pasensiya na at marami talagang ipis dito sa bahay." Natatawang sabi ni Mama.

Bakit ba kasi nandito 'to?

Hindi ko siya kilala, pero nakakainis siya. Nakakapang-init siya ng ulo. Akala mo naman close kami kung umasta siya.

Paano ba nakilala ni Mama 'yan? Mukhang hindi naman mabait, eh. Bait-baitan lang, psh.

Hindi ako makapaniwala na kapatid siya ni Phenelopy. Hindi rin ako makapaniwala na hindi ko siya kapatid.

Ayaw kong tanggapin ang katotohanan. Ayaw kong maging kapatid siya ni Phenelopy dapat ako lang ang kapatid niya at wala ng iba.

Kahit anong pilit ko na h'wag  paniwalaan ang bagay na 'yon ay pilit namang sinasabi sa 'kin ni Mama na tanggapin ko ang katotohanan na hindi ko siya kapatid.

Masakit para sa 'kin ang malaman ang katotohanan. Napamahal na sa 'kin si Phenelopy. Nasisigawan ko siya, pero mahal ko ang batang 'yon, ang kapatid ko.

Kwenento na rin sa 'kin ni Mama ang tungkol sa Papa naming dalawa. Lahat ng sinasabi niya sa 'min ay isa lamang kasinungalingan dahil ang totoo niyan, hindi naman talaga nagkahiwalay si Mama at ang Papa ko.

Walang ibang naging lalaki si Mama dahil ang totoo niyan ay si Papa ko lang talaga ang naging boyfriend at asawa niya.

Hindi totoong may iba siyang naging lalaki na sinasabi niya sa 'min at ang sabi niyang Tatay ni Phenelopy.

Lahat ng sinabi niya sa 'min no'n ay purong kasinungalingan lang, maliban na lang sa binibisita namin sa sementeryo na siyang Tatay ni Phenelopy.

Dahil ang taong binibisita namin do'n ay totoo niyang Tatay. 'Yun lang ata ang totoo sa lahat ng sinasabi sa 'min ni Mama noon.

Akala ko pati 'yon ay hindi totoo. Totoo din pa lang wala na siyang magulang. Hindi ko inaasahan 'yon.

Nang malaman ko ang tungkol sa lahat na 'yan ay nagulat ako, hindi agad nagsink-in sa utak ko. Nagloading pa.

Ibig sabihin lang ay hindi talaga kami magkadugong dalawa. Hindi kami magkapatid. Hindi totoong half sister kaming dalawa. Hindi rin totoong may naging ibang lalaki si Mama.

"Can I invite her to my cousin's birthday next week?" Natigilan ako sa pag-iisip ko ng marinig ko ang tanong niyang 'yon.

Medyo natagalan ata akong lutang at kung ano-ano ang iniisip kaya hindi ko na naintindihan ang mga pinag-usapan.

Gusto ko tuloy pukpukin ang sarili ko dahil hindi ko narinig ang pinag-usapan nila dahil masyado nga akong lutang.

"Oo naman. Sasabihan ko na lang siya. Basta, sabihin mo sa 'kin kung ano ang kailangan kong sabihin sa kaniya." Nakangiti namang sabi ni Mama.

"Ano?! Pumapayag ka, Ma? Bakit naman? H'wag kang pumayag!" Inis na singit ko at mabilis naman akong binato ng magaling kong Nanay ng hawak niyang unan. Hindi ko naman nailagan 'yon kaya nasapol ang mukha ko.

"Tumigil ka nga, Lesley!" Galit na sigaw sa 'kin ni Mama na ikinangiwi ko lang.

Bakit ba kasi hinahayaan ni Mama 'tong lalaking 'to na makasama ang kapatid ko? Wala akong pakealam kung siya ang totoong kapatid ni Phenelopy.

"Maraming salamat, Ma. I owe you a lot." Nakangiting sabi ng gago. Marunong naman pa lang ngumiti 'to. Akala ko hindi.

Nabibwiset talaga ako sa pagmumukha nito, eh. Pasalamat lang talaga siya dahil nandito si Mama.

Hindi ko alam kung bakit ang bait bait ni Mama sa lalaking 'yan. Halata namang bait-baitan lang 'yang mokong na 'yan. Nararamdaman ko rin na si Mama pa ata ang magiging dahilan para magkalapit silang dalawang magkapatid.

Ayaw kong mapalapit sila ni Phenelopy dahil baka kapag nangyareng naging malapit sila sa isa't isa ay baka hindi niya na ako pansinin.

Alam kong kaya siya nandito ngayon sa pamamahay namin ay dahil gusto niya nang kunin sa 'min si Phenelopy, pero hindi ako makakapayag do'n.

Hindi niya pwedeng kunin sa 'min si Phenelopy. Ano 'yon, matapos niyang iwan kapatid niya babalik siya para kunin sa 'min agaran 'yung kapatid ko?

No! No way! Hindi ako makakapayag do'n. Alam ko namang makasarili 'tong ginagawa ko at mali at darating ang oras na kukunin niya talaga sa 'min si Phenelopy.

Pero naiisip ko pa lang na mawawalay sa 'min si Phenelopy ay parang hindi ko kaya. Hindi ko kayang ibigay sa kaniya ang kapatid ko.

Si Phenelopy lang ang kadamay ko sa tuwing malungkot ako, sa tuwing kailangan ko ng makakausap. Kapag iniwan niya ako, kami nila Mama, hindi ko alam ang mangyayare.

Pero kapag nalaman na ni Phenelopy ang katotohanan at tinanong siya nitong lalaking 'to na kung sasama ba siya sa kaniya at sumagot siya ng oo ay hahayaan ko siya.

Hahayaan ko siya sa kung ano mang magiging desisyon niya kahit mahirap para sa 'kin tanggapin kung sakaling umoo man siya at sumama sa lalaking 'to kapag nalaman niya na ang lahat.

To be continued...

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now