"Miss Montefalco!" Napasigaw ako sa gulat nang marinig ko ang apelyido ko.
Gano'n na lang ang kaba ko ng malamang ang prof namin ang may gawa no'n.
"If you're not listening to my discussion please leave my class." Inis na sabi ni Ma'am.
"I'm sorry, Ma'am. Makikinig na po ako." Nasabi ko na lang.
Minura-mura ko tuloy ang sarili ko dahil sa kahihiyang nagawa ko. Inirapan lang naman ako ni Ma'am na ikinabuntong hininga ko.
Malay ko bang malulutang ako nang gano'n. Hindi ko naman narinig na tinatawag ako ni Ma'am.
Ayos lang sana kung sa cafeteria ako nalutang, eh kaso sa klase nitong teacher ko pa ako nalutang, psh. Buti na lang hindi ako pina guidance office.
Napangiwi na lang ako nang makitang pinagtatawanan ako ng iba kong kaklase. Ganiyan naman 'yan sila kapag may napapahiya pero ayos naman silang ka bonding.
Sa huli ay pinilit ko na lang na makinig na para hindi na ulit ako mapahiya nang gano'n.
Hanggang sa mag lunch break na ay ramdam ko pa rin ang hiya ko dahil sa nangyare.
"Bakit naman kasi wala ka sa sarili mo? Ano bang iniisip mo? May problema ka ba? Ilang beses ka kayang tinawag ni Ma'am, kung katabi lang kita nakurot na sana kita sa tagiliran mo." Sabi ni Chelsie ng makaupo na kami.
Kakatapos lang namin bumili nang makakain namin.
"Wala akong problema, hindi ko rin alam kung bakit lutang ako kanina." Sabi ko kahit hindi naman 'yun totoo.
Alangan namang sabihin ko sa kaniya na kuya niya 'yung iniisip ko kanina. Oo, si Timothy 'yung iniisip ko kanina.
Kaya kasalanan niya kung bakit ako napahiya sa klase namin kanina. Hindi ko alam pero bigla na lang siyang pumasok sa isip ko kanina.
Hindi kasi mawala sa isip ko 'yung nangyare sa birthday ni Chelsie, eh. Hindi ko alam kung bakit siya gano'n no'ng araw na 'yon.
Tatlong araw na rin ang nakalipas matapos ang kahihiyan na 'yon sa birthday ni Chelsie.
Natauhan nga lang ako nang hilahin siya ni kuyang black palayo sa 'kin, eh. Kitang-kita ko ang pagkakasalubong ng kilay ni kuyang black no'n.
Para bang hindi niya nagustuhan 'yung ginawa sa 'kin ni Timothy. Baka nga guni-guni ko lang 'yung napansin ko no'n.
Matapos no'n ay hinila niya paalis si Timothy. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay mag-uusap sila.
Hindi ko tuloy nagawang bugbugin 'yung Timothy na 'yon. Nacurious tuloy ako sa pinag-usapan nila ni kuyang black.
May saltik talaga 'ung lalaking 'yon. Sa'n ba pinaglihi 'yon ng Mommy nila? Baka hindi talaga siya tunay na anak ni tita.
Dahil sa kahihiyan no'n ay tumakbo ako palabas ng bahay nila. Hindi ko na nagawang magpaalam kila tita at kay Chelsie.
Buti na lang dala ko 'yung wallet at cellphone ko kaya nakauwe ako nang maayos sa bahay. Naibigay ko na rin naman sa kaniya 'yung regalo ko, eh.
Tinext ko na lang din si Chelsie no'n at humingi ako ng tawad dahil sa nangyare at hindi ko na natapos ang celebrasyon ng birthday niya.
Hiyang-hiya lang kasi talaga ako kaya nagpasya akong umalis na lang sa lugar na 'yon. Hindi ko tuloy naenjoy 'yung party.
Bwisit kasi 'yung Timothy na 'yon, eh. Kasalanan niya talaga 'to. Tatlong gabi na akong hindi nakatulog nang maayos dahil sa kaniya.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.