"Kuya!" sigaw ko at nagpapadyak-padyak pa ako dahil sa asar.
Si kuya Kaiver kasi ayaw ibigay sa 'kin 'yung phone ko. Parusa niya daw sa 'kin dahil pinagtripan ko sila ni kuya KC. Payag nga din si kuya KC sa ginawa ni kuyang black, eh.
Ilang araw na simula ng pagtripan ko sila pero hanggang ngayon ayaw pa rin nilang ibigay sa 'kin ang phone ko.
Hindi ko tuloy nakakausap si Timothy. Nag-ooverthink na 'yon kung bakit ilang araw ko na siyang hindi chinachat, nirereplayan at sinasagot mga tawag niya at ang hindi pakikipagkita sa kaniya. Isa din 'yon sa parusa sa 'kin nila kuya. Isang buwan daw akong hindi pwedeng makipagkita kay Timothy.
Sakto namang bakasyon na namin kaya ayorn, hindi talaga kami makakapagkita. Miss na miss ko na nga 'yung tukmol na 'yun, eh. Kumusta na kaya 'yon? Buhay pa kaya 'yon? Baka nangbababae na 'yon.
Napunta 'yon dito sa bahay pero hindi siya hinahayaan nila kuya na pumasok sa bahay at hindi ko na alam kung anong sinasabi nila kay Timothy para mapaalis 'yon.
Gusto ko man siyang labasin kaso bantay sarado ako ni kuya KC. Nakakaasar talaga.
"Ibibigay ko lang 'to after one month. Face your punishment." kuyang black said and nginisihan niya ako.
Napanguso na lang ako at nilingon si kuya KC para magmakaawa pero inilingan niya lang ako.
"Edi h'wag! Duh!" sigaw ko sabay padabog na naglakad papunta sa kwarto ko.
Malakas ko pang sinarado ang pinto ng kwarto ko. Nilock ko pa 'yon para hindi sila makapasok. Hindi lang naman sa door knob 'yung pwede kong i-lock, eh meron pa.
Nakasimangot na naupo ako sa kama ko at tumulala na lang. Nagmuni-muni na lang ako dahil sa pagka bored ko. Gusto ko ng gumala. Kasalanan ko rin naman. Sarap kasi nilang pagtripan, eh.
"Mapagtripan nga sila ulit next time." tawa ko at napailing-iling maya-maya sa kalokohan.
Maya-maya lang din ay natulala na naman ako. Nag-isip-isip ng kung ano-ano. Siyempre, kasama na sa iniisip ko 'yung tukmol kong jowa.
At sa kakaisip ko nga sa kaniya ay narinig ko bigla ang boses niya kaya dali-dali akong pumunta sa may pinto ng kwarto ko para pakinggan nang maayos ang boses niya, nila pala. Sa may kwarto kasi nila kuya ko naririnig boses niya, eh. Magkakalapit lang naman kwarto namin. Wala nga pala dito si mommy, hindi ko alam kung nasaan.
Baka bukas bisitahin ko sila ate Lesley. Last month pa 'yung last na kita ko sa kanila, eh.
"Hey, mga bayaw! Nasaan ang pretty niyong sister?" buong giliw na tanong ni Timothy kila kuya.
Sumilip lang muna ako at tama nga ako na nandito siya. Shit, ang gwapo niya ngayon, ah. Saan kaya punta nito?
"In her room." sagot naman ni kuya KC.
Napatango-tango naman si Timothy at lumingon sa gawi ng kwarto ko kaya nagtama ang paningin naming dalawa. Nakasilip nga kasi ako. Do'n ko na rin tuluyang binuksan nang malaki ang pinto ng kwarto ko para mas makita niya ako nang maayos.
"Uy, Bebe ko! Namiss kita!" tuwang-tuwang sigaw niya at akmang tatakbo siya palapit sa 'kin nang pigilan siya ni kuya Kaiver.
Napakunot tuloy ang noo niya habang nakatingin kay Kuyang black.
"Bakit, bayaw?" takang tanong niya.
"You're not allowed to see our sister." sagot ni kuya.
Napairap na lang ako. Nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. Tatakbo rin sana ako palapit kay Timothy, eh.
"Huh? Bakit? Tagal ko na ngang hindi nakikita, nakakausap at nakakasama 'yan, eh. Ano bang problema? Wala naman akong ginawang masama, ah." reklamo niya na palihim kong ikinangiti.
Miss na miss lang ako?
"Ikaw wala, siya meron." kuya KC said and I pouted again.
Nilingon tuloy ako ni Timothy na may pagtataka sa mukha. Nginitian ko lang naman siya. Sabay piece sign.
"Ano na namang ginawa mong kalokohan, bb?" nakangusong tanong niya.
Bago ko pa nga masagot 'yon hinila na siya ni kuyang black pababa.
Todo reklamo tuloy si tukmol. Nakatingin lang naman ako sa kaniya dahil kapag inawat ko sila kuya baka mas lalong magalit.
Pero maya-maya lang ay sinundan ko sila sa baba. Narinig ko pa ang sinabi ni kuyang black na after one month na lang daw ulit ako puntahan ni Timothy.
Nagreklamo pa siya dahil sa sinabi ni kuya pero nang samaan na siya ng tingin ay napanguso na lang siya at nakasimangot na tumingin sa 'kin.
"Sorry, lab youuu." sabi ko na lang sabay piece sign sa kaniya.
Wala na rin naman siyang nagawa kung hindi ang umalis na lang at umuwe sa bahay nila.
Kami-kami na lang nila kuya ulit ang naiwan. Tahimik lang naman kami. Napasipol-sipol pa ako dahil wala akong masabi.
Kapag natapos na talaga 'tong parusa ko, babawi ako kay Timothy. Kasalanan ko kasi talaga. Okay lang, hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko. Gusto ko pa ngang ulitin.
Nag sorry na rin naman ako sa kanila sa ginawa ko. Tawa nga lang ako nang tawa no'ng pinapagalitan nila ako, eh. Dahil do'n mas lalo silang nainis sa 'kin.
Akmang aalis na sila nang tawagin ko sila. May sasabihin lang ako. Aayusin ko na para hindi na kami ganito, boring, eh. Next time na lang ulit.
"Sorry na, kuya's. Sorry na po, kuyang black. Hindi ko na uulitin, labyu." malambing na sabi ko at naglakad pa ako palapit sa kanila para yakapin silang dalawa.
Siyempre, hindi ako nangako dahil alam kong uulitin ko pa 'yung ginawa ko. Gano'n ako kapasaway sa kanilang dalawa. Love language ko 'yon sa kanila.
"Sorry na, kuya KC. Dapat nga mag thank you ka pa sa 'kin dahil sa ginawa ko. Kung hindi ko ginawa 'yon edi hindi ka sana nakaamin kay ate Jove." nakangising sabi ko kay Kuya KC. Natawa pa ako nang samaan niya ako ng tingin.
"Hehe piece, labyu. H'wag na kayong galit sa 'kin, please? Libre ko na lang kayo, gala tayo." sabi ko pa.
Nakatingin lang sila sa 'kin, eh. Yakap ko pa rin silang dalawa sa magkabila nilang kamay. Napapagitnaan nila ako. Ang tatangkad pa naman nila, kaloka.
"Dali na, tara! Sa street foods lang tayo dahil 'yun lang kaya ko." sabi ko at hinila ko na sila palabas ng bahay. Napangiti pa ako dahil nagpahila din naman sila sa 'kin.
Ganiyan lang 'yan sila pero mamaya niyan papansinin na ako ng mga 'yan. Marupok naman sila pagdating sa 'kin pero siyempre, hindi ko 'yun inaabuso, ah. Hindi ako katulad ng iba diyan.
At ayun nga, dinala ko sila sa gusto ko at nilibre sila ng mga pagkaing kwek-kwek, kikiam, fishball at kung ano-ano pa at gumala na rin kami.
Masaya naman kami habang nagb-bonding. Ilang beses na rin naman kaming nag bonding na magkakapatid. Iba lang ngayon dahil ako naman nag-aya at nang libre sa kanila.
Sabi sa inyo, eh. Bati na kami ngayon. Inabot pa ilang araw para magbati kami pero buti na lang bati na kami, namiss ko sila.
Masaya akong napasaya ko ang mga kuya ko ngayon. Hindi lang ngayon dahil araw-araw ko silang pasasayahin katulad ng ginagawa nila sa 'kin.
Mahal na mahal ko ang mga kuya ko kaya katulad ng ginagawa nila sa 'kin ay 'yun din ang gagawin ko sa kanila.
Gagawin ko rin ang lahat para sa
kanila, kina mommy, mama, sa mga kaibigan ko. Sa lahat ng mga mahal ko sa buhay. Gagawin ko ang lahat para sa kanilang lahat, para sa ikakasaya nila. Mahal na mahal ko silang lahat.To be continued...
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.