TIMOTHY
"Siya si Timothy, boyfriend ko." natigilan ako lalo dahil sa sunod na sinabi ni Phenelopy.
Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mamaya niyan niloloko lang ako ni Phenelopy, eh babatukan ko talaga siya.
H'wag naman sana siyang paasa, ano? Masakit 'yon, mga pre. Ayoko no'n, ano ba.
"The fuck?!"
"Seriously?!"
Rinig ko pang sabi ng dalawa niyang kuya. Binalot tuloy ng takot 'yung puso ko, shuta naman kasi. Bakit may kuya siyang mga nakakatakot?
Kay Kaiver pa nga lang patay na ako, eh mas lalo ata akong mamamatay sa isa pa niyang kuya na si KC.
"Hoy, babae! Totoo ba 'yang sinasabi mo?" bulong ko sa kaniya nang matauhan na ako.
Hindi niya alam kung gaano ako kasaya ngayon at kung gaano niya pinabilis ang tibok ng puso ko. Siya lang talaga ang nakakagawa nito sa 'kin.
"Oo nga, ayaw mo ba?" nakangising bulong niya din. Tinaasan pa ako ng kilay.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil do'n. Punyeta! Kami na? Baka nananaginip lang ako. Para malaman kung hindi ba ako nananaginip ay kinurot ko ang sarili ko at laking tuwa ko ng makaramdam ako ng sakit.
Tangina, bakit naman nanggugulat 'tong babaeng 'to? Hindi ako prepared!
"Nagpipigil lang akong tumili, babae, bwiset ka." gigil na bulong ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.
Pasalamat siya mahal ko siya.
"Oh my gosh! I'm happy for you, baby girl!" biglang singit ni tita.
Napangiti tuloy ako dahil mukhang boto naman sa 'min si Tita. Halata naman siguro, noh?
Gusto ko ng hilahin paalis dito si Phenelopy para masolo siya. Kaya nga ako pumunta dito para guluhin siya, eh.
Napakaganda naman ng bungad niya sa 'kin. Shit, kinikilig ako, puta. Kalmahan mo lang, self.
"Let's talk, Mr. Ventrix." I bit my lower lip when Phenelopy's brother, KC call me.
"Pwedeng next time na, bayaw? Hahanda ko lang sarili ko sa inyo." I said nervously and I heard Phenelopy chuckled.
Hoh, kakakaba.
Parang nakikipag-usap ako kay kamatayan. Ang sasama na ng tingin nila sa 'kin. Shit, the hell, woh!
"Don't–"
"Ah! Alis muna kami. Hiramin ko muna bebe ko. Babush!" sabi ko at mabilis na hinila paalis doon si Phenelopy.
Narinig ko pa ang malakas na boses ng dalawa. Tinatawag ako, tinatawag ng kamatayan pero hindi ko na sila pinansin.
Rinig ko rin ang malulutong nilang mura sa 'kin pero tumawa lang ako. Fuck, kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa kanila.
Si tita naman ay tumatawa lang at inaawat ang dalawang papatay sa 'kin. Buti pa si tita boto sa 'min.
Saka ko na sila poproblemahin. Makikipaglandian muna ako sa bebe ko. Shit, kinikilig pa rin talaga ako, tanginang 'yan, nakakabakla pero wala akong pakealam.
Pagdating namin sa garden ng mansyon nila ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit at pinaghahalikan sa mukha.
Rinig ko lang naman ang maganda niyang tawa. Sarap sa ears.
"H-hoy, ano ba 'yan, tigil na." sabi niya pero nagpatuloy lang ako sa ginagawa.
"Grabe ka talaga, bakit naman nanggugulat ka? Hindi ako prepared!" I said matapos magsawa sa ginagawa.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.