CHAPTER 5

227 8 1
                                    

"Tanga!" Inis na sigaw ko kay Timothy. Yes, si Timothy. Ang Kuya ni Chelsie at kakambal ni Ate Robelyn.

Isang linggo na matapos kaming magkita sa bahay nila at nagkita kaming dalawa dito ngayon sa isang mall.

Oh, 'di ba, sa dami ng mall na pwede niyang puntahan kaparehas pa ng sa 'kin. May binili lang kasi ako dito tapos ayun, nagkita nga kaming dalawa.

"Mas tanga ka!" Sigaw niya din sa 'kin kaya ang ending nakakaagaw na kami ng atensyon sa mga taong nadaan.

Paano ba naman kasi nahulog 'yung pagkain niya sa sahig dahil may biglang tumulak sa 'kin at nasagi ko siya ayun, sinisi ako ng walangya.

"Tanga! Hindi ko nga sinasadya 'di ba? May tumulak kasi sa 'kin." Asar na paliwanag ko. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa lokong 'to?

"Tsh, whatever." Sabi niya tsaka umirap sa 'kin. Aba! Tarantado, psh.

"Pakilinis na lang, pasensya na po. May tanga kasing bumangga sa 'kin kaya nahulog 'yung ice cream ko." Sabi niya do'n sa janitor na tinawag niya.

Nakatingin pa siya sa 'kin habang diniinan niya ang pagkakasabi ng tanga.

"Siraulo 'to, ah." Inis na bulong ko habang masama akong nakatingin sa kaniya. Nakangisi lang naman siya sa 'kin.

Nang matapos na ang janitor sa pag mop ay nagpasalamat siya. Buti naman, akala ko hindi niya alam kung paano magpasalamat, eh. Mabait din pala ang loko, pero siguro mga 1% lang.

"Bakit nandito ka pa?" Biglang tanong niya kaya napabalik ako sa katinuan. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya.

Bakit nga ba nandito pa ako?

"Wala kang pake." Masungit na sabi ko at umirap. Rinig ko namang bumulong siya, pero dahil bulong 'yon hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"May sinasabi ka?" Mataray na tanong ko. Mabait ako pero may pagka maldita din ako.

"Wala, tsh. Bakit ba kita kinakausap? Hindi ko dapat kinakausap ang mga tangang kagaya mo." Sabi niya dahilan para mainis na naman ako.

"Kung tanga ako, gago ka naman." Sabi ko at kita ko ang pagtaas ng kilay niya. Wala lang naman sa 'kin kung tawagin niya akong tanga, bahala siya diyan.

"Anong sabi mo?" Walang reaction na tanong niya. Imbis na matakot ako sa kaniya ay dinilaan ko lang siya. Akala niya ba gano'n gano'n na lang? Hindi ako magpapatalo sa kaniya, noh.

Akmang magsasalita siya nang tumunog ang cellphone niya. Iritadong kinuha niya 'yon at sinagot.

"What?" Masungit na tanong niya, pero ang paningin ay nasa akin. Ang sama pa nang tingin.

Tulad ng sabi nila, kung nakamamatay lang ang masamang tingin ay kanina pa ako nakabulagta dito at pinaglalamayan na siguro ako nila Mama.

"Nandito ako sa mall. Oo na, ito na nga papunta na, eh." Rinig kong sabi niya.

Sino kayang kausap nito?

Umiling na lang ako at tinalikuran ko na siya tsaka ako naglakad paalis. Hindi ko naman na kailangan pang manatili do'n dahil una, hindi kami close at hindi rin kami friend.

Dapat nga kanina pa ako umalis, eh. Pabida lang kasi siya. Bwiset na yan! Buti na lang at hindi siya sumunod katulad ng ginawa niya kanina, psh.

Nang makalabas ako ng mall ay agad akong naghintay ng tricycle pauwe sa bahay namin. Pasakay na ako ng tricycle nang makita ko ang siraulong nagngangalang Timothy na nagmamadaling sumakay sa kotse niya.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now