PHENELOPY
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom pero gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang nasa ibang kwarto ako.
Doon ko lang naalala na may nagsundo nga pala sa 'kin. Napa wow pa ako dahil ang ganda ng kwartong pinagdalhan sa 'kin.
Ganito ang gusto kong iparamdam kila Mama, eh. 'Yung may sarili silang kwarto tapos ganito pa kaganda at kalaki.
Nacucurious na tuloy ako kung sino ang taong gusto akong kitain. Mukhang napakayaman niya.
Tapos 'yung kwarto parang kwarto nang isang babae. Halos light pink at light blue ang nakikita dito sa kwarto, eh.
Tsaka sa mga gamit ay pang babae kaya nalaman ko agad na pang babae itong kwarto.
"Hala, nasaan ako? Nasaan tao dito?" Maya-maya ay sabi ko ng lumabas na ako ng kwarto.
Mas namangha nga ako ng makalabas ako ng kwarto, eh. Hindi ko pa nga nalilibot ng maayos 'yung kwarto na pinagdalhan sa 'kin, eh.
Gusto ko sanang libutin kaso hindi naman akin 'yon at baka bawal ako maglibot kaya mananatili na lang akong tahimik.
Gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong lumabas si kuyang black sa may isang kwarto na malapit lang sa kwartong pinagdalhan sa 'kin.
Anong ginagawa niya dito?
"K-kuyang black, ano pong ginagawa niyo dito? Pati na rin ako?" Nagtatakang tanong ko.
Pero ngumiti lang siya sa 'kin bago naglakad palapit sa 'kin.
Nagtataka talaga ako kung bakit siya nandito. Hindi kaya sa kaniya 'tong bahay? Tsaka siya 'yung nagpasundo sa 'kin?
Ay, weh? Bakit naman?
"I'm the owner of this house. You're here at my house and I'm the one who sent you here." Maya-maya ay sabi niya kaya naitikom ko ang bibig ko.
So tama nga ang hinala ko? Pero bakit? Anong meron? Kaya pala hinayaan ako ni Mama sumama sa mga lalaki na 'yon.
"Bakit po?" Curious na tanong ko at ngumiti lang naman siya sa 'kin.
"I have to tell you something important." Sabi niya at ramdam ko rin ang kaba niya.
Ay, hala, bakit naman? Nakakatakot na ba ako?
"Ano po 'yon?" Tanong ko pa. Curious na 'ko, eh, bakit ba?
"Follow me, doon na tayo sa sala mag-usap." Seryosong sabi niya at nauna ng maglakad.
Dali-dali naman akong sumunod. Muntik pa akong madapa dahil sa kakamadali ko.
Nabatukan ko tuloy 'yung sarili ko buti na lang at nauuna siya sa 'kin kaya hindi niya ako nakita.
"Siraulo ka! Ano ba 'yan?!"
"Tumahimik ka nga! Ang ingay mo, mamaya marinig tayo no'n ni boss, eh."
"Ikaw naman kasi! Psh!"
"Wews, paepal ka lang, eh."
'Yun agad ang narinig namin sa sala nang makarating kami doon. Sila 'yung dalawang lalaki kanina na sumundo sa 'kin.
Akala ko serious-serious sila, hindi naman pala. May ganiyang side din pala sila. Pero natakot ako sa kanilang dalawa kanina.
"Kayong dalawa, umalis muna kayo dito, mag-uusap kami." Natigilan lang silang dalawa nang marinig nila ang seryosong boses ni kuyang black.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.