CHAPTER 43

63 1 0
                                    

"Hi, kuya." bati ko nang tuluyan na akong pumasok sa loob ng office niya.

Agad naman siyang napalingon sa 'kin at wala naman akong nakitang kaba sa mukha niya. Poker face lang siya.

"Why are you still awake?" tanong niya.

"Hindi pa ako inaantok, eh. Tsaka galing ako kay kuya yel– I mean kay kuya KC." sabi ko at tumango naman siya.

"So, why are you here?" tanong niya at naupo nang maayos sa swivel chair niya at tiningnan ako.

"Mag g-good night lang ako sa 'yo, kuyang black. Nag good night na ako kina Mommy at kuya KC, eh." sabi ko na ikinatango-tango niya naman.

"'Yun lang? Wala ng iba pa?" tanong niya, nakataas pa ang isang kilay kaya kinabahan naman ako.

"W-wala na, kuya." sagot ko at napatikhim. Ewan ko, bigla akong kinabahan.

"Hmm, wala ka naman sigurong tinatagong sikreto sa 'kin, noh?" sabi niya at pinagkrus pa ang dalawang braso sa dibdib.

"Wala naman po, kuya." sabi ko na ikinatango niya ulit.

Ano naman kayang itatago ko? Bakit parang may alam si kuya na hindi ko alam. Ano 'yon?

"Hmm, okay. Good night, my princess. May pasok ka pa kaya matulog ka na. I love you." sabi niya kaya napangiti naman ako.

Naglakad ako palapit sa kaniya para yakapin siya at halikan sa pisnge.

"Night, night, kuya kong pogi." sabi ko at hinalikan siya sa pisnge na ikinatawa niya. Happy pill talaga ako ng kuya ko, oh.

"Night." sabi niya at hinalikan ako sa noo ko na ikinabungisngis ko.

"Labyu more din, kuya." sabi ko at pinanggigilan siya na parehas lang naming ikinatawa.

Pagkatapos no'n ay aalis na sana ako nang may maalala ako kaya hinarap ko siya ulit.

"Oo nga pala, kuya. Ikaw ba, kuya, wala ka bang tinatago sa 'kin, hmm?" balik tanong ko sa tanong niya sa 'kin kanina.

Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya sa tanong ko. Naalala ko kasi 'yung katawagan niya kanina. Narinig ko lang naman po siyang nag I love you.

Sa pagkakaalala ko ay ayaw niya pang mag girlfriend kenemy, kenemy. Kung meron man ay walang kaso sa 'kin 'yon, masaya pa nga ako, eh. Sana lang naman na mabuting babae, 'yung magugustuhan ko.

"What do you mean?" kunot noong tanong niya.

"Kasi kuya... ano... sorry na agad, ah? Narinig ko kasi kanina 'yung pagsasabi mo ng... Hmm, good night, my Love. I love you." sabi ko, ginaya ko pa 'yung boses niya kanina.

Ang lambing-lambing ng boses niya kanina, halatang in love talaga. Mah gosh, kuya ko binata na.

"May girlfriend ka na ba, kuya? Kilala ko ba? Mabait ba? Mabuting babae ba? Pakilala mo naman sa 'kin, kuya." sunod-sunod na sabi ko. Halatang excited ako.

Kita ko lang naman na natigilan siya. Kita ko rin kung paanong namumula ang tainga niya ngayon.

Nahihiya 'yung kuya ko. Mukhang may bebe na nga, sana all! Sagutin ko na rin kaya si Timothy para may bebe na rin ako?

"Kalimutan mo na lang kung anong narinig mo kanina, Phenelopy. Go to your room and sleep." seryosong sabi niya kaya napanguso na lang ako.

"Edi don't, hmp!" sabi ko sabay irap. Padabog rin akong lumabas ng office niya.

Nagtatanong lang naman ako, eh. Pero natatawa ako sa tuwing naalala ko 'yung mukha ni kuya kanina. Hiyang-hiya siya. Aasarin ko na lang siya bukas.

Pakanta-kanta na lang ako habang naglalakad papunta sa kwarto ko. Iniisip kung sino ba 'yung babaeng bumihag sa puso ng kuya kong black.

* * *

"Hi, beybi ko."

"Ay, shokla!" gulat na sigaw ko ng may biglang lumitaw sa harapan ko habang naglalakad ako papunta sa room.

Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Ang ganda-ganda ng mood ko tapos gugulatin lang ako?!

Nauna na kasi si Chelsie sa room kaya mag-isa lang ako ngayon papunta sa room namin.

"Gwapo ako, hindi shokla." nahampas ko si Timothy ng sabihin niya 'yon.

Yes, siya lang naman ang walang hiyang nanggulat sa 'kin. Matapos niyang hindi magpakita ng ilang araw, sisirain niya lang araw ko ngayon?Kapal, ah!

"Nandito ka? Papansin ka na naman, eh, noh?" asar na sabi ko.

Hindi ko na siya nagawang tawagan kahapon tulad ng sabi ko dahil tinamad na ako. Nawala na ako sa mood.

Wala na akong pake kung may iba na siyang nagugustuhan do'n. Pagbuhulin ko pa sila, eh.

"Bakit ang init ng ulo mo? Hindi mo ba ako namiss?" nakangusong tanong niya na ikinairap ko pero sa loob-loob ko ay nangiti ako dahil ang cute niya, sarap pisilin ng pisnge niya.

"Hindi. Bakit naman kita mamimiss? Hindi ka naman ka-miss-miss, eh." sabi ko sabay irap. Inirapan niya rin naman ako.

"Edi don't." sabi niya at nabulong-bulong pa.

"Alis ka na nga. Wala ka na naman magawa, eh kaya trip mo na naman ako." sabi ko.

"Hoy, hindi kita trip, ah! Kakauwe ko nga lang, eh. Actually, kagagaling ko lang airport tapos dito na ako dumiretso kasi gusto na kita makita kasi nga miss na kita tapos ganito lang ibubungad mo sa 'kin? Ang sama mo naman." sabi niya. Nagpapaawa ang loko.

Pero hindi ko maiwasan ang kiligin sa sinabi niya. Bumilis din tibok ng puso ko. Malay ko ba!

Ngayon ko lang din napansin ang suot niya. Mukhang kakauwe niya nga lang at sa kanang kamay niya ay hawak niya 'yung maleta niya.

"Kasalanan ko pa ngayon?" kunwareng galit na tanong ko.

Wala kaming pakealam sa mga studyanteng nakatingin sa 'min. May sarili kaming mundo.

"May sinabi ba ako?" asar na sabi niya. Halata sa boses ang tampo.

"Asus, h'wag ka nang magtampo, bebe ko. H'wag ka na iyak, hmm? Sorry na." sabi ko sabay pa cute. Nilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya.

Agad naman siyang umiwas ng tingin kaya nakita ko kung paanong namula ang tainga niya. Hindi ko tuloy naiwasan ang matawa.

Cute.

"Hindi ako marupok." rinig kong bulong niya na ikinatawa ko.

Ako nga dapat ang nagtatampo dito kasi siya itong basta-basta na lang umalis nang walang pasabi. Hindi na rin ako nakakaramdam ng awkwardness sa kaniya dahil sa paghalik ko sa kaniya.

Sabi sa inyo mawawala din 'yon, eh. Ako lang 'to, ano ba naman kayo. Trip na trip ko talaga siyang asarin. Kung makapaglandian kami akala mo may label, eh, noh.

Soon, charot, charot ulit. Siyempre magkaka label kami niyan. Wait lang kayo.

"Ewan ko sa 'yo, Timothy. Tara na nga, samahan mo na lang ako sa cafeteria, libre mo 'ko para bati na tayo." sabi ko at inakbayan siya kahit na mas matangkad siya sa 'kin.

"Marami kang kailangang ipaliwanag sa 'kin." sabi ko habang naglalakad na kami.

Tinaas baba ko pa ang kilay ko sa kaniya. Nginitian niya lang naman ako at tumango. Siya na rin ang umakbay sa 'kin.

Napailing naman ako at natawa ng marinig ang ingay ng gulong ng hila-hila niyang maleta.

"Namiss rin naman kitang tukmol ka." bulong ko habang nakatingin sa kaniya. Nakangiti pa ako.

Nang lumingon siya sa 'kin ay agad akong umiwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang pag-iinit ng pisnge ko. Marupok din pala ako, psh.

Shems, Phenelopy. H'wag magpahatala na hulog na hulog ka. Kaloka.

To be continued...

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now