CHAPTER 50

75 3 0
                                    

Pagkatapos sabihin sa 'kin ni kuya 'yon ay pinagpatuloy lang namin ang pagsasayaw. Hindi nga ako makapag focus at hindi na ako makapagtanong pa ulit.

"Shh, don't be scared. He's not dying yet, masamang damo 'yon kaya hindi pa 'yon mamamatay. Matagal mamatay ang isang katulad niya." Kuya Kaiver even said and tumawa pa siya kaya natawa na lang din ako.

"We will visit him tomorrow, okay? No need to worry, magiging ayos din siya." sabi niya pa kaya napatango-tango na lang ako kahit sa loob-loob ko ay natatakot ako at sobrang nag-aalala.

Gustong-gusto ko ng tumakbo paalis dito para puntahan siya kaso masyadong nanghihina ang tuhod ko kaya hindi ko magawang humakbang man lang.

"We will explain to you later lahat ng nangyare. Kung bakit hindi kami nagpakita sa inyo ng ilang araw and kung bakit nahuli kami ng dating sa birthday mo. You can wait, right?" sabi ni kuya.

"Y-yes... Yes, kuya. I c-can wait." sabi ko naman na halos pabulong lang at muling tumulo ang luha. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

Matapos ng sayaw namin ay ipinasa naman niya ako sa sunod na magsasayaw sa 'kin. Nagpapasalamat lang ako sa tuwing binabati nila ako.

Sadyang hindi talaga ako makapag focus kaya hindi ko magawang makipagtawanan sa kanila. Masyado kong iniisip si Timothy.

Maya-maya ay narinig ko ng tinawag ng mc ang pangalan ni Timothy kaya nakagat ko ang ibabang labi ko para magpigil ng luha.

Buong akala ko pa naman ay maisasayaw niya ako ngayon. Excited na excited pa naman siya sa araw na 'to dahil masasayaw niya daw ako. Mas excited pa kaya siya sa 'kin. He's my last dance.

Saktong pagyuko ko at paghigpit ko ng hawak sa mga rosas na bulaklak na binibigay sa 'kin ng mga sinayaw ako ay siya ring biglang pagbulungan ng mga tao.

Nagtaka tuloy ako kaya nag-angat ako ng tingin at natigilan nang bumungad sa 'kin ang nakangiting mukha ni Timothy habang naka wheelchair siya at may babaeng nagtutulak sa kaniya palapit sa 'kin.

Napaawang na lang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi makapaniwala sa nakikita. Hindi pa nagsisink-in sa utak ko na nandito talaga siya.

"A-akala ko... B-bakit... Timothy...." hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

Nasapo ko na lang ang bibig ko ng tuluyan ko ng marealize na nandito nga talaga siya.

"What the? Why are you here, Mr. Ventrix? Comatose ka, ah." gulat ring rinig kong sabi ni kuya KC. Kahit si kuya Kaiver ay gulat ding nakatingin kila Timothy.

"Akala niyo lang 'yon, mga bayaw." nakangisi pang sabi ni Timothy at tinaas baba ang kilay.

Hindi ko tuloy napigilan ang matawa. Kahit kailan talaga ay maloko siya. Ganiyan na nga ang lagay niya ay nagagawa pa rin talaga niyang magloko.

"Hi, bebe gorl. I'm Jovelyn, your kuya KC's girlfriend. Just call me ate Jove. Nice to finally meet you, Phenelopy." ngiting-ngiting pakilala nang babaeng may hawak sa wheelchair ni Timothy ng tuluyang silang makalapit sa harap ko.

"What?!"

"Huh?"

Sabay pang sabi namin ni kuya KC kaya napalingon ako sa kaniya. Magkasalubong ang kilay niya habang masama ang tingin kay ate Jove.

"Don't believe her, princess! What she says is not true." sabi ni kuya KC kaya doon na humagalpak ng tawa si ate Jove. Nakanganga lang ako sa kanila.

"Ano ba 'yan, boss. Galit na galit ka na agad, tsh. By the way, it's true, bebe gorl. Hindi ko 'yan jowa, boss ko lang 'yan." natawa na lang din ako sa sinabi ni ate Jove, lalo na ng tumawa rin siya pagkatapos niyang sabihin 'yon. I like her. Ship ko na sila ni kuya KC.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now