CHAPTER 40

174 3 1
                                    

"Mom, what really happened to you? And where's Dad?" tanong ni kuya Kaiver.

Nandito kami ngayon sa mansyon ni kuyang black, kung saan kami nakatira ni kuyang black ko. Kasama namin si Mommy at si kuya KC.

Four days na simula no'ng nakidnap at muntikan na akong patayin ni kuya KC. Four days na rin akong hindi napasok dahil ayaw ni kuyang black na pumasok ako. H'wag daw muna, next week na daw.

Nandito kaming apat para magkaliwanagan. Magpapaliwanag na kasi sa 'min si Mommy. Dapat nga no'ng isang araw pa kaso nagkaroon siya bigla ng emergency kaya hindi natuloy.

"I'm sorry, but... your Dad, h-he's dead. He's g-gone." napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Mommy, napapikit naman si kuyang black.

Nang tingnan ko naman si kuya KC ay napaiwas lang siya ng tingin. Tinanggal niya na rin ang maskara niya kaya kita na namin ang mukha niya.

Masasabi kong magkamukha sila ni kuya, siyempre magkapatid. Hindi talaga ako makapaniwala na may kapatid pa kami.

Walang duda, kapatid namin si kuya KC dahil nga magkamukha sila ni kuya Kaiver. Kamukha nila si Daddy pero mas kamukha ni kuya KC si Daddy.

Si kuyang black gulat na gulat siya nang tanggalin ni kuya KC ang maskara niya. Hindi niya alam na 'yung kalaban niya ay kuya niya pala.

Nasabi sa 'kin ni kuyang black kahapon lang na alam niyang may kapatid pa kami pero ang alam niya ay namatay ito pagkapanganak pa lang ni Mommy. Hindi niya alam na buhay pa pala ito at gano'n din si Mommy. Akala namin patay na si Mommy kaya nakaka shock talaga ang nangyayare ngayon.

Hindi na rin nasabi sa 'kin ni kuyang black noon na may kapatid pa pala kami dahil nawala na daw sa isip niya dahil busy siya.

"Jackson Monteverde killed your Dad." nahikbi nang sabi ni Mommy kahit ako ay napahikbi na.

Agad namang niyakap ni kuya KC si Mommy dahil siya ang katabi ni Mommy at ako naman ang katabi ni kuya. Magkakaharap kaming apat.

"Alam kong kilala mo ang lalaking 'yon, Kaiver dahil alam kong kalaban mo 'yon sa business at sa iba pa. Siya ang dahilan ng lahat kung bakit tayo naging ganito, kung bakit tayo nagkahiwa-hiwalay." sabi ni Mommy. Nakikinig lang naman ako.

"Back then, when I gave birth to KC, I was very happy because I could finally hold my eldest, but when I woke up and looked for my child the doctor told me that my child was dead. Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko 'yon. Kaya pala hindi ako masagot-sagot ng Daddy niyo kung nasaan si KC no'n nang tanungin ko siya nang magising ako ay dahil sinabi ng doctor sa kaniya na patay si KC nang isilang ko. Siyempre hindi ako naniwala sa sinabi ng Doctor dahil sure ako na bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang iyak ni KC kaya nagwala ako dahil ayaw nilang ipakita sa 'kin si KC at bawiin ang sinabi ng Doctor na hindi patay si KC. Ilang years din bago ko matanggap na patay na talaga si KC kahit nang ipanganak ko si Kaiver ay hindi ko pa rin matanggap na wala na ang kuya niyo hanggang sa lumaki na si Kaiver ay unti-unti ko ng natanggap na wala na si KC. Sinabi ko ang tungkol sa kuya mo Kaiver, alam mo 'yan. Nang sabihin namin sa 'yo ang tungkol sa kuya KC niyo ay hindi pa namin alam na buhay pala siya at kinidnap lang siya ni Jackson. Jackson was my ex. Hindi niya matanggap na nakipaghiwalay ako sa kaniya at pinakasalan ang Daddy niyo. Dahil do'n ay naghiganti siya at kinidnap si KC at binayaran ang Doctor para sabihin sa 'min na patay na si KC." mahabang kwento ni Mommy na nagpagulat sa 'min. Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko.

"Galit na galit kami ng Daddy mo noon kaya sinugod na lang namin siya basta. Siya rin kasi ang nagsabi sa amin na buhay si KC. Noong una ay hindi kami naniniwala pero nang padalhan niya kami ng picture ni KC ay doon kami naniwala na totoong buhay nga si KC. Dahil sa ginawa niya ay gusto ko siyang patayin. Grabe ang pagdudusa namin ng Daddy niyo dahil buong akala namin wala na si KC. Tulad ng sabi ko ay dahil sa galit basta na lang namin siyang sinugod na ikinatawa niya pa. 'Yun din ang araw na nalaman mo na patay na kami. No'ng mga panahong 'yon ay naipanganak ko na si Phenelopy. Nang maipanganak ko si Phenelopy ay doon namin nalaman ang katotohanan. Ang tagal naming nangulila sa kuya KC niyo kaya gano'n na lang ang reaction namin ng Daddy niyo. Nang sinugod namin siya ay binalak na rin naming kunin si KC no'n. Masaya ako nang araw na 'yon dahil nakita namin si KC at gustong-gusto ko na siyang yakapin no'n, but pinipigilan ko lang dahil baka patayin siya ni Jackson. Binantaan niya kasi kami ng Daddy niyo na papatayin niya si KC kung gagawa kami ng hindi niya magugustuhan. Hindi ko alam kung anong nangyare at bakit akala niyo patay na kami pero hinayaan ko na lang siya sa ginawa niya. Nang panahanon ngang 'yon ay pinatay niya ang Daddy niyo dahil kinalaban niya si Jackson. Habang naglalaban sila ay itinakbo ko na si KC, noong una ay ayaw niyang sumama, but napilit ko siya. Ayaw ko pa sanang iwanan doon ang Daddy niyo pero nagpumilit siyang umalis na kami kaya no choice ako kung hindi itakbo na palayo si KC. Nang lingunin pa namin siya ni KC ay kitang-kita namin na binaril siya ni Jackson. Nang makita kong ngumiti siya sa 'kin at sabihin ang salitang I love you ay tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko. Hindi ko matanggap na namatay ang asawa ko. Ayaw ko man siyang iwan doon ay kailangan dahil baka mahabol kami ni KC. Buti na lang at natakasan namin si Jackson. Binalikan ko naman ang Daddy niyo at masaya ako dahil nakita ko pa rin ang katawan niya doon, na hindi siya ginalaw ni Jackson, but in the same time nasasaktan dahil wala na ang Daddy niyo. Sa puso siya binaril ni Jackson, dalawang beses kaya wala ng chance para mabuhay ang Daddy niyo. Ang demonyong 'yon, buhay na buhay pa hanggang ngayon. Laking pasalamat ko talaga na hindi niya kami nakikita ni KC sa pinagtataguan namin." tumigil sandali si Mommy para punasan ang luha niya.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now