CHAPTER 42

90 1 0
                                    

"Family day na natin next week, sana hindi busy sina Mommy. Kahit sana ngayong taon lang makasama ko sila sa family day." sabi ni Chelsie habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.

Magaling na siya kaya kasama ko na siya ulit. Namiss ko rin 'tong kaibigan ko, ah!

Taon-taon kasi ang family day sa school na 'to. Masaya nga 'yon, eh. Complete kami lagi nina Mama kapag family day namin.

Tapos si Chelsie, hindi niya pa nakakasama ang pamilya niya sa tuwing family day namin dahil nga mga busy ito. Kaya nga hindi na lang siya nasali dahil wala naman ang pamilya niya.

Nalulungkot ako para sa kaibigan ko. Alam kong gusto niyang makumpleto sila sa family day kaso nahihirapan ang pamilya niya dahil nga mga busy silang tao. Gano'n talaga ang mga mayayaman.

"Manifesting, bes. Nararamdaman ko na makakasama mo sila ngayong taon sa family day natin. Think positive lang." pangpapalakas ko sa loob niya. Tanging ngiti lang ang ibinigay niya sa 'kin.

Pagdating namin sa cafeteria ay marami ng studyante. Lagi naman, buti nga at nakahanap pa kami ng mauupuan.

Hindi rin gaano kahaba ang pila kaya nakabili kami agad ng makakain namin.

"Saan pala kuya mo?" maya-maya ay tanong ko habang nakain kami.

Bago niya sagutin ang tanong ko ay nginitian niya muna ako nang mapang-asar. Alam ko namang aasarin niya ako kaya napairap na lang ako.

Tatlong araw na kasi ang nakalipas matapos naming magkita. 'Yung huling araw na nagkita kami ay 'yung pumunta kaming mall tapos hinatid niya ako sa bahay then 'yung paghalik ko sa kaniya sa pisnge.

Tuwing naaalala ko 'yung ginawa kong 'yon, nag-iinit ang pisnge ko sa hiya. Masaya ako dahil hindi siya nagpakita sa 'kin matapos no'n dahil nga hindi ko naman alam ang gagawin ko kapag nagkita kami ulit.

Pero dahil ako lang naman 'to, alam kong mawawala din ang hiyang nararamdaman ko sa kaniya. Kerry bells kov'to, ako lang 'to, eh.

Pero kasi, tatlong araw na ang nakalipas at hindi ko na siya nakita ulit. Hindi naman sa hinahanap ko siya, ah, nagtataka lang ako.

Dapat kasi nandito 'yun, eh tapos guguluhin na ako. Hindi ko siya miss, ah. Oo, gusto ko siya, pero hindi ko siya hinahanap at namimiss, noh.

"Yiee, miss mo?" pang-aasar niya na ikinairap ko lang. Kakasabi ko lang na hindi ko nga miss ang tukmol na 'yon, eh.

"Hindi, ah! H'wag ka ngang issue diyan." sabi ko sabay kagat sa burger ko.

"Sus, aminin mo na." sabi niya at tinusok pa ang tagiliran ko na ikinangiwi ko.

"Nagtanong lang kung nasaan, miss na agad? Ewan ko sa 'yo, Chelsie. Kumain ka na lang." asar na sabi ko na ikinatawa niya.

"Asar agad, eh. Ito na, sasabihin na. Nasa Canada si kuya ngayon, may inaasikaso. Pinapasabi niya nga pala na h'wag mo daw siya mamiss nang sobra tapos sorry daw kung hindi na siya nakapagpaalam sa 'yo." sabi niya na ikinangiwi ko lang.

So what kung hindi siya nagpaalam? Hindi naman niya kailangang magpaalam sa 'kin. Okay lang sana kung ako nanay o tatay niya.

"Pakisabi sa kaniya na wala akong pakealam. Sabihin mo, share niya lang? Tapos h'wag masyadong makapal ang mukha." sabi ko sabay irap.

"Grabe ka, ghorl haha. G na g? As in galit na galit? Haha." natatawang sabi niya na ikinailing ko lang.

Hindi naman ako galit, naaasar lang ako. Mabuti na rin 'yon, na wala siya dito para masaya ang buhay ko at tahimik.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now