Habang nakikinig ako sa tinuturo nang Prof namin sa harap ay pinaglalaruan ko lang ang ballpen na hawak ko sa mga daliri ko. Pinapaikot-ikot ko lang 'yon.
Nabobored kasi ako, tinatamad din akong makinig sa Prof namin. Inaantok nga ako, eh.
Hindi rin naman nagtagal ay lunch time na kaya dali-dali akong tumayo sa pagkakaupo ko sa upuan ko matapos kong mailigpit ang mga gamit kong nakakalat sa lamesa ko.
"Anong kakainin natin ngayon, ghorl?" Tanong sa 'kin ni Chelsie ng makarating na kami sa cafeteria.
"Kung ano na lang ang makita natin." Sabi ko kaya natawa kaming dalawa.
Nang makapila kami ay nagkwentuhan lang muna kaming dalawa.
Nang kami na ang bibili ay agad din naman naming sinabi sa tindera ang gusto naming bilhin.
Kanin na may ulam ang binili namin. Adobo at fried chicken ang binili namin pati na softdrinks. Nang matapos naming magbayad ay agad din kaming naghanap ng mauupuan.
"Alam mo, 'di ba kalat ngayon sa school 'yung tungkol do'n sa kapatid nang pinsan ng may-ari nitong school na pinapasukan natin?" Maya-maya ay tanong ni Chelsie.
Oo nga, naging usapan 'yon matapos ng sinabi ng may-ari nitong school. Pinag-uusapan nila kung sino 'yon.
Kahit nga ako nacucurious kung sino 'yon, eh. Tsaka kumusta na kaya 'yon si Kuyang black? Hindi ko na siya nakita ulit, eh.
Parang namiss ko ata siya.
"Hayaan mo na 'yan. Oo nga pala. 'Di ba 'yung party na pupuntahan natin, bukas na 'yon?" Tanong ko sa kaniya.
"Ay, hala! Oo nga, noh. Kailangan na pala nating maghanda mamaya." Sabi niya pa.
Ang bilis ng araw. Hindi namin namalayan na bukas na pala ang party na 'yon.
Napapaisip ako kung sino 'yung may birthday. Okay lang sana kung kilala ko 'yon, eh. Si Mama kasi, ako pa pinapunta, buti na lang at kasama ko itong kaibigan ko.
"Basta sunduin mo ako, ah?" Sabi ko at tumango lang naman siya sa 'kin.
Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga muna kami saglit at tsaka kami nagpasyang bumalik na ulit sa room.
Napaka bilis lang talaga ng oras kapag hindi mo inaabangan. Nakakatamad ng pumasok, pero kery bels yarn.
Kinakabahan pa ako para bukas. Sana naman wala akong nakakahiyang gawin bukas sa party na 'yon.
Sino kaya 'yung may birthday? At sino naman ang nag-imbita sa 'kin sa party na 'yon?
Matapos ang chikahan namin ni Chelsie ay siya ding dating ng next Prof namin kaya nakinig na lang ako ulit.
At pagkatapos no'n ay PE class na namin kaya pumunta na kaming lahat sa mga locker room namin para kunin 'yung PE uniform namin.
Gusto ko 'tong PE kasi makakapaglaro ka, ganiyan. Enjoy ang PE kesa sa ibang subject. Para sa 'kin lang naman.
Pagdating sa gym ay marami ring mga studyante. Hindi lang kami ang nagp-pe sa gym dahil marami talaga.
"Pumila na kayo nang maayos para makapag warm up na tayo bago tayo mag-umpisa sa activities." Sabi ni Ma'am at pumito kaya dali-dali kaming nagsiayos ng pila.
Pagkatapos kasi naming mag warm up ay may pinapagawa siya sa 'ming activities. Enjoy nga, eh.
So ayun nga, natapos din kami sa pag-wawarm up at ang lalaruin namin ay volleyball. Sa totoo niyan, hindi ko hilig ang volleyball at hindi ako marunong no'n, pero para sa grades, kakayanin.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.