3

1.5K 55 0
                                    


MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 3

Unedited...
Papasok si Nica sa gate nang may
nakasalubong siyang patakbong
estudyanteng lalaki na palabas sa gate.
Nagulat pa siya nang makasalubong ang
limang estudyanteng lalaki na humahabol
dito.
"Shit! Hindi na puwede kapag makalabas sa
gate," nanghihinayang na sambit ng isa sa
kanila kaya bumalik na lang sila.
Ipinagpatuloy ni Nica ang paglalakad at
lumayo sa mga ito dahil baka magkaroon ng
gulo.
Pagpasok niya sa classroom, nakita niyang
naliligo ng baking powder ang isa niyang
kaklaseng lalaki.
"Ano ang nangyayari?" pabulong na tanong
niya sa kaklase nang makaupo sa upuan.
"Hindi ko rin alam," nagtatakang sagot ni
Sunny.
"Ang weird," sabi ni Nica at napatingin sa
kaklaseng palabas na. Nagsimulang umingay
ang lahat at nagbubulong-bulungan kung
ano ba ang nangyayari?
Nang pumasok ang guro, tahimik na ang
lahat pero ang nasa utak nila ay ang
nangyayaring kakaiba sa mga estudyante.
Napapasulyap si Nica sa labas ng classroom
dahil may mga naghahabulan. Kaya pala ang
daming negatibong haka-haka tungkol sa
paaralang ito. Noong una, ayaw niyang
maniwala pero ngayon, mukhang tama nga
sila, magulo ang CTU. Sana pala sa
Westbridge na lang siya nagpa-enroll.
"Class? Malamang nagtataka kayo kung ano
ang nangyayari sa labas, right?" wika ni Mr.
Garcia na napatingin sa labas dahil wala sa
kaniya ang konsentrasyon ng mga
estudyante niya.
"Yes, sir. What the hell is happening
outside?" maarteng tanong ni Jessica sa
guro. Mayaman din ito at may show ang
lawyer niyang ina sa isan malaking TV
station.
"Death note," tipid na sagot ng guro
habang isa-isang pinagmasdan ang mga
estudyante niya.
Nagulat si Nica. Narinig na niya ang death
note kay Gabriele kahapon.
"A-Ano ho ang death note?" kinakabahang
tanong ng isang estudyante.
"Ngayon lang ito nangyari sa CTU. Ang
death note ay inilalagay sa loob ng gamit ng
isang estudyante. Kailangan may pirma ng
isa sa mga Lacson para valid ito. Oras na
makatanggap ang ng isang itim na death
note ang isang estudyante, lahat ng
miyembro ng fraternity o sorority ay may
karapatang i-bully ang biktima, na walang
skin to skin contact. Bawal din ang
matitigas o mainit na bagay na puwedeng
ikamatay ng estudyante. Lahat ng iyan ay
legal sa isang araw lang sa loob ng campus
na ito pero kung magawa mong makalabas
sa gate, suwerte mo dahil hindi ka na nila
puwedeng saktan doon," paliwanag ni Mr.
Garcia kaya kinabahan ang mga estudyante
niya.
"Lahat po ba, sir? Or ang mga may frat
lang?" tanong ni James.
"Lahat ng estudyante ay puwedeng bigyan o
makatanggap ng death note pero ang mam-
bully ay ang kasapi lang ng frat o sorority,"
sagot ng guro.
Walang umimik sa kanila. Alam nilang hindi
nagbibiro ang guro dahil may nakita na
silang biktima kanina.
"Ang sama nila," bulong ni Nica. Paano kung
mapagtripan lang ang iba?
"Don't worry guys, as long na wala naman
kayong ginagawang masama, hindi sila
magbibigay ng death note," pagpakalma ni
Mr. Garcia nang mabasa ang takot sa mga
mata ng kaharap.
Pagkatapos ng klase, wala na silang next
subject dahil absent ang teacher nila.
"Halika, punta tayo sa tree park," yaya ni
Sunny kay Nica.
"Dito na lang kaya tayo sa classroom? Baka
mapano pa tayo," sagot ni Nica. Nakakatakot
lumabas.
"Ano ka ba. Okay lang 'yan. Hindi naman
tayo madadamay. May proper action naman
ang pamunuan kapag ganito," sabi ni Sunny
kaya napilitang sumama si Nica dahil kapag
hindi, wala na siyang makakasama.
Habang naglalakad sila sa hallway, napansin
niyang nagsipasok ang mga estudyante sa
classroom at napapatingin sa likuran nila.
"I think, may kinatatakutan sila sa likuran
natin," bulong ni Sunny kaya sabay silang
dahan-dahang lumingon.
Agad na bumalik sa unahan ang dalawa at
pasimpleng tumabi nang makita ang kambal.
"Hindi ba kayo marunong tumabi?" tanong
ni Gabriele kaya mabilis na tumabi ang
dalawa. Si Sunny ay sa kaliwa tapos si Nica
ay sa kanan.
"O? Relax lang, bro. Masyado ka yatang hot
ngayon," natatawang sabi ni Luis.
Tumigil si Gabriele saka hinarap si Nica.
"Tinatanong kita. Ang sabi ko, hindi ka ba
marunong tumabi, Miss?"
Nanigas ang katawan ni Nica nang
humakbang ito palapit sa kaniya. Paano kung
susuntukin siya ng dambuhalang ito? Ang
hita niya, kamao pa lang nito kaya baka
dead on the spot talaga siya sa isang suntok
nito. Napansin niya ang itim na papel na
dinukot nito sa bulsa na may nakasulat,
"You're dead."
"H-Hindi ko kayo nakita," nauutal na sagot
ni Nica saka nakadalawang hakbang paatras.
May mga iilang nakasilip sa kanila. "P-Please,
hindi ko kayo nakita dahil busy ako sa
kakaisip."
Napapikit siya nang iangat nito ang hawak
na death note. Ang puso lang niya ang
naririnig niya dahil sa sobrang lakas ng
pagtibok nito.
"Hindi ba sabi ko sa 'yo kahapon, sagot
kita?" bulong ni Gab kaya dumilat si Nica.
Saktong nakatitig ito sa kaniya kaya
nakasalubong niya ang mga mata nitong
nakatawa. "Namumutla ka, para kang ewan
diyan!" sabi nito saka tinalikuran siya.
Napasulyap si Nica sa lalaking nasa kanan
lang niya na hindi makagalaw. Natandaan
niya ito. Ito ang lalaking nagbigay ng
bulaklak sa kaniya kahapon. Nanginginig ang
mga kamay na kinuha nito ang pinadikit ni
Gab sa noo niya.
Nabitiwan niya ang death note at napatingin
sa mga estudyanteng nakangisi at ang iba ay
nababahala para sa kaniya.
"Shit!" sambit niya saka kumaripas ng takbo.
Saka naman humabol ang mga miyembro ng
iba't ibang fraternity.
"Halika na," yaya ni Sunny nang hindi pa rin
nakabalik ang diwa ni Nica sa sobrang kaba.
Agad na binilisan nila ang paglalakad
patungo sa tree park. Lahat pa naman ng
estudyante ay may frat kaya lahat ay tutugis
din sa 'yo. Puwera na lang sa may mga puso
talaga.
"Muntik na tayo kanina," sabi ni Sunny na
nakahinga na nang maluwag nang
makarating sila sa tree park at pumuwesto
sa ilalim ng punong kahoy. Habang
naglalakad sila kanina, tungkol sa death note
ang naririnig nila sa mga estudyante.
"Oo nga," pagsang-ayon ni Nica saka
napaisip tungkol sa ibinulong ni Gab.
"Ano kaya ang ibig niyang sabihin?" tanong
niya sa sarili.
"Nica? Scholar ka ng CTU, 'di ba?" tanong ni
Sunny kaya tumango si Nica saka nakipag-
usap kay Sunny para mawaglit sa utak ang
pinagsasabi ng matabang iyon.
---------------------------------
"Bro? Kain na tayo," yaya ni Luis sa
kakambal. 10.30 pa lang pero nagugutom na
siya.
"Wala akong gana," sagot ng kakambal kaya
natigilan si Luis at sinuri ang mukha ng
kakambal.
"Shit! 17 years na tayo sa mundo, ngayon
lang kitang narinig na tumanggi sa pagkain,"
biro ni Luis.
"Tumigil ka na nga. As if na kinakain ko ang
luto ni Lola Ann," sagot ni Gab. Marunong
naman siyang tumanggi ng pagkain lalo na
kapag ang Lola Ann nila ang magluluto dahil
tubig-dagat yata ang sinasabaw nito sa lahat
ng pagkain. Tubig-alat na nga, lagyan pa
nito ng sandamakmak na magic sarap. Kaya
walang nakakatiis ng luto nito maliban sa
Lolo Dylan nila.
"Saan tayo tatambay?" tanong ni Luis.
"Ayaw ko sa tambayan, mainit doon at
masikip!" sagot ni Gab kaya natawa si Luis.
"Paano, para kang piniprito ng sariling
mantika mo kapag walang aircon," biro nito
kaya salubong ang kilay ni Gab na hinarap
ang kakambal.
"Pasalamat ka lang dahil payat ka!"
"Mag-diet ka kasi tapos mag-exercise,"
suhestiyon ni Luis. Pang ilang beses na niya
itong iminumungkahi sa kakambal pero
tamad talaga. Paano ito papayat, e, kain
tulog lang ang ginagawa.
"Ikaw na lang tutal ikaw naman ang gustong
gumanda ang katawan!" sagot ni Gab at
naglakad patungo sa tree park. Nasisiyahan
siya sa tuwing makikita ang mga
estudyanteng larang basang daga na
nagtatago sa kanilang lungga dahil
natatakot na kainin ng pusa. Well? Dapat
lang na matakot sila sa kaniya.
Sa araw na ito, lima pa lang ang binigyan
niya ng death note. Iyon ang rason kung
ba't nagpatawag siya ng meeting sa
fraternities at sororities kahapon. Kailangan
may pirma nila ni Luis ang death note.
Tumigil siya sa paglalakad saka napasandig
sa pader.
"Bro? Pahinging tubig," sabi niya dahil
hinihingal na siya.
"Napagod ka na kaagad?" tanong ni Luis
saka kinuha ang tubig sa bag at ibingay kay
GGab
"Kakapagod kaya ang maglakad!" reklamo ni
Gab saka ipinagpatuloy ang paglalakad
matapos uminom habang pinapahidan ang
pawis sa mukha. Nabibigatan na nga rin siya
sa mga paa sa tuwing humakbang. Para
siyang may binubuhat na isang sakong
palay. Madalas na kinakapos pa ng hininga
at mabilis mapagod.
Nang makarating na sila sa tree park, sa
bench na malapit sa gate sila naupo para
madali lang sa kaniya ang paglakad pabalik
mamaya. Iginala niya ang paningin at
napatigil ang mga mata sa babaeng
nakangiti habang kinakausap ang kaharap
nito.
Ilang segundong nanatili ang mga mata niya
sa dalaga. Ang simple lang nito at mahinhin
kung kumilos. Ang tangos ng ilong,
mapupula ang mga labi at tila nangungusap
pa ang mga mata sa tuwing titigan niya.
Napasulyap ito sa kaniya kaya kitang-kita
niya kung paano napalis ang ngiti nito sa
mga labim
"Gusto mo siya?" tanong ni Luis habang
nakatingin din sa tinitingnan ng kakambal.
"Magpa-deliver ka nga ng pagkain!
Nagugutom ako," pag-iiba ni Gab at iniwas
ang mga mata.
"Gusto mo ba siya? O hindi?" pangungulit ni
Luis.
"Gusto ko ng pagkain!" giit ni Gariele.
"Kung hindi mo siya gusto, liligawan ko
siya," sabi ni Luis kaya natigilan si Gab.
"E di ligawan mo, bagay naman kayo," sagot
ni Gab pero may kung anong tumututol sa
kaloob-looban niya.
"Biro lang. Hindi ko siya type," bawi ni Luis
at tinapik sa balikat si Gabriele na mukhang
natamaan ng babaeng tinitigan kanina.

A/n:
This story was inspired by Meteor Garden
'yung sa "You'll be dead" something lang.
Gosh. Pero iba naman ang takbo, siyempre.
May iba pa bang kinunan ko ng inspirasyon?
Wala na. Kayong mga readers lang.
Hehehehe.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon