MY FAT SUITOR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 29
Unedited...
"Ano ba ang problema, Gab?" tanong ni
Nica dahil hindi nito ginagalaw ang pagkain.
"Wala," sagot ni Gab na nilalaro lang ng
tinidor ang karne ng baboy sa plato nito
kaya sigurado si Nica na may problema ang
binata. "Naaawa ka pa sa baboy kasi kakainin
mo?" biro ng dalaga.
"Baboy," mahinang ulit ni Gab at kinain ang
isang hiwa ng karne.
"Malapit na ang finals natin, nakapag-aral ka
na ba ng lesson ninyo?" tanong ni Nica.
"Hindi pa, bukas na lang," sagot ng binata
at sinimulan nang kumain.
"Gab? Magtatrabaho ako sa summer,
tutulungan ko sina Papa," sabi ni Nica.
Gusto niyang maging productive ang
bakasyon niya.
"Hindi ko pa alam. Baka sa bahay lang,
kakain at matulog," sagot ni Gab. Tinatamad
siyang pumunta sa ibang bansa lalo na sa
Japan. Never na babalik siya roon kahit na
lahat sila ay iiwan siya rito sa Pilipinas.
"Kain at tulog na naman? Paano ka papayat
niyan?" tanong ni Nica.
"Kung hindi ba ako papayat, iiwasan mo na
ako?" seryosong tanong ni Gab.
"Bakit naman kita iiwasan, thabz?"
nagtatakang tanong ni Nica.
"Wala naman. Baka may manligaw sa 'yo na
maganda ang katawana tapos bigla mo na
lang akong tatalikuran," sagot ni Gab pero
napakunot ang noo niya nang tumawa si
Nica.
"Hindi naman ako ganu'n. Siyempre
mahalaga lang sa akin ang kalusugan mo
dahil bata ka pa at sa ngayon, hindi mo pa
maramdaman ang lahat ng sakit," sabi ni
Nica at ipinagpatuloy ang pagkain. Ganoon
na rin ang ginawa ni Gab. Kain siya nang
kain.
"Wala rin namang kuwenta ang pagda-diet
ko! Hindi bumababa ang timbang ko!"
reklamo ni Gab. Kailangan niyang pumayat
pero ayaw siyang i-lipo dahil kailangan
muna raw niyang magbawas ng timbang
bago ang liposuction.
"Kaunting tiis at tiyaga lang, thabz. Papayat
ka rin. Think positive lang at bawas-bawasan
ang kanin at matatamis na pagkain," sabi ni
Nica.
"Inii-stress ako ng diet na 'yan e!" reklamo
ni Gab at dinagdagan ang kanin. Kailangan
niyang kumain para lumamig ang ulo. "Sa
summer na lang ako mag-diet, thabz.
Malapit na rin naman. Promise, kaunti na
lang talaga ang kakainin ko dahil matutulog
lang ako."
"Hmm? Matagal pa naman 'yon pero ang
final exam muna ang atupagin natin," sabi ni
Nica. Mukhang wala na talagang pag-asa
itong si Gab.
Nang matapos na silang kumain, niyaya na ni
Nica si Gab na pumunta sa classroom niya.
"Basta tawaga o i-text mo ako kapag tapos
na ang klase mo para mahatid kita," sabi ni
Gab habang naglalakad sila. Tumabi naman
ang ilang estudyante.
"Oo na, pero kapag ikaw ang mauna,
maghagdan ka papunta sa classroom ko,
okay?" sabi ni Nica at napasulyap kay Gab.
Sa totoo lang, medyo pumayat na nga ito e.
Kaso ang taba pa rin niya tingnan.
"Haist! The hardest part bilang isang
manliligaw, akyat hagdan talaga e," bulong
ni Gab na hindi nakaligtas sa tainga ni Nica.
"Thabz? Kaya mo 'yan, papayat ka rin kahit
na kaunti lang," pagbibigay lakas ng loob ng
dalaga.
"Sige na, pasok ka na, thabz," sabi ni Gab.
"Okay pero maghagdan ka, okay?" bilin ni
Nica.
"Paano kung hindi ako gagamit ng hagdan?"
tanong ni Gab.
Matamis na ngumiti si Nica, "Edi cheater ka.
Paano mo masasabing faithful ka sa akin
balang araw kung maging tayo man kung
ang simpleng bagay lang, hindi mo pa
kayang gawin?"
Napakamot na lang sa batok si Gab kahit na
hindi niya maintidndihan ang sinasabi ni Nica
dahil wala namang konek. Mahal niya kaya
sige na lang.
"Oo na, maghahagdan na ako pero basta
mag-text ka, okay?"
Tumango si Nica kaya tumalikod na siya.
Kung wala lang na mga estudyante, baka
hinalikan na naman niya ito. Adik na nga
yata siya sa mga labi ni Nica pero alam
niyang wala pa siyang karapatan.
"Nakaw-nakaw lang," bulong niya. At least
walang pagtutol mula kay Nica sa tuwing
hahalikan niya ito. Tinutugon pa nga ni Nica
e.
Pababa na siya sa hagdan nang lahat ng tao
sa paligid ay tila napako na sa kinatatayuan
at napatingin sa kaniya. Para lang siyang
hollywood celebrity na naglalakad sa red
carpet at lahat ng mga mata ay nakatutok
sa kaniya.
"Kainis!" bulong ni Gab at kahit na pagod na
sa ilang baitang na binabaan, ipinagpatuloy
pa rin ang pagbaba. Pagod na talaga siya at
kung wala lang ang mga ito, kanina pa siya
tumigil at nagpahinga.
Hingal na hingal siya nang makababa sa
hagdan. Grabe, firstime niyang gumamit na
walang tigil sa gitna.
"Good job, Gab!" proud na sabi ni Luis nang
makasalubong siya at inakbayan. "Ang galing
mo naman. Determinado e."
"Ewan ko sa 'yo," sabi ni Gab at tinanggal
ang kamay ni Luis sa balikat niya saka
ipinagpatuloy ang paglalakad.
Pagkapasok niya sa classroom, kaagad na
naupo siya at pinahidan ang pawis.
"Seryoso na ba talaga ang pagpapapayat
mo?" natatawang tanong ni Sef sa unahan
niya.
"Wala kang pakialam!" sagot ni Gab.
"Paano kung ang nililigawan mo, hindi rin
seryoso sa 'yo?" makahulugang tanong ni
Sef.
Napatingin si Gab kay Luis na lumabas ulit
sa classroom.
"Pinagsasabi mo?" tanong ni Gab na
nakakunot ang noo.
"Mataba ka, Gab. Nakikita ng lahat 'yan pero
sa tingin mo, bakit ang isang magandang
babae na halos gusto ng lahat ay lumalapit
sa 'yo?"
"So? Ano ang gusto mong iparating sa
akin?"
"Mayaman ka, Gab. At higit sa lahat, giver.
Masyadong magarbo ang inireregalo mo kay
Nica. Sa tingin mo, gusto ka nga ba niya? O
baka pera mo lang ang habol niya?"
makahulugang tanong ni Sef kaya naikuyom
ni Gab ang kamao. "O baka naman natatakot
lang siyang mabigyan ng death note? Well,
marami ang babaeng ginagamit ang mukha
at katawan para sumikat."
"Iba si Nica sa mga babae," depensa ni Gab
na kumukulo ang dugo. Hindi niya gusto
ang sinabi nito. Paano kaya ito naging
kaibigan ni Luis?
"Iba? Ikaw nga ba ang gusto niya? O
ginagamit ka lang niya?" nakangising tanong
ni Sef kaya sinipa na ni Gab ang upuan.
Dumistansiya si Sef sa kaniya dahil baka
masuntok niya. Apat na kamao pa naman
ang katumbas ng bigat ng kamao ni Gab.
"Huwag mong insultuhin ang babae ko sa
harapan ko mismo dahil baka mapatay kita!"
Tumahimik silang lahat sa classroom dahil
takot kay Gab. Mainit pa naman ang ulo nito
kaya baka mamigay ng death note.
Matapos ang kalahating oras ng paghihintay,
sinabi ng anak ng guro nila na wala silang
pasok dahil inatake ng high blood ang ina
nito.
"Saan ka?" tanong ni Gab kay Luis nang
tawagan ito.
"Rooftop," sagot ni Luis.
"Pupunta ako riyan," sabi ni Gab. Isang oras
pa ang next subject nila kaya tatambay
muna siya.
"Sure. Kakaalis lang din ng chicks ko e," sabi
ni Luis kaya napabuga si Gab ng hangin.
Aminado siyang malayo ang agwat nila ni
Luis lalo na sa pisikal na anyo. Maliban sa
guwapo rin ito, macho pa ang mokong kaya
habulin ng babae. Mabuti na lang dahil hindi
mahilig sa katawan si Nica.
Sa elevator na si Gab sumakay dahil pagod
na pagod na talaga ang mga binti niya sa
kakalakad mula pa kanina. Parang isang sako
yata ang buhat niya araw-araw dahil sa bigat
ng kaniyang binti. Ang liit pa ng mga
hakbang niya dahil hindi kayang umunat ng
mga binti niya. Sayang lang ang height niya.
Bumukas ang elevator at dumiretso siya sa
rooftop pero napapreno ang mga paa niya
nang makita si Nica na palabas na sana.
"G-Gab..." sambit ng dalaga na para bang
may ginagawang milagro at nahuli ito.
"A-Ano ang ginagawa mo rito, thabz?"
tanong ni Gab na nanlamig ang buong
katawan.
Ngumiti si Nica, "Hinahanap kita."
Napasulyap si Gab kay Luis na lumapit sa
kanila.
"Ang bilis mo naman yata?" tanong ni Luis.
"Akala ko, after fifteen minutes ka pa. Nag-
elevator ka, noh?"
"Does it matter?" mahinang tanong ni Gab
na kay Nica pa rin ang mga mata.
"Cheating 'yon, Gab," sabi ni Nica. Alam ni
Gab na pinipilit lang ni Nica na makabawi sa
pagkagulat.
"Mas okay nang mag-cheat sa pagpapayat
kaysa mag-cheat sa relationship," mahinang
sagot ni Gab at iniwas ang mga mata. Hindi
naman ito ang unang pinupuntahan ni Nica
kapag hanapin siya a. Isa pa, ang alam nito,
may pasok sila. Puwede naman siyang i-text
o tawagan kung nasaan siya? Pero ayaw na
niyang mag-usisa pa dahil wala naman
siyang karapatan.
"Sige na, alis na ako, Gab," paalam ni Nica
at hindi na hinintay ang sagot ni Gab.
Lalampasan na sana siya ni Nica pero
mahigpit na hinawakan niya ang kanang
braso ng dalaga.
"Bakit ka nandito, Nica?" seryosong tanong
ni Gab.
"Gab, masakit na ang braso ko," daing ng
dalaga pero hindi pa rin siya binibitiwan ni
Nica.
"Ako ang nagpapunta sa kaniya rito. Ang
sabi ko, nandito ka na," sabat ni Luis.
"Bitiwan mo na siya, nasasaktan na siya,
Gab!"
"N-Nica? Huwag kang magsinungaling sa
akin. Aminin mo ang totoo, ano ang
ginagawa mo rito?"
Umiwas ng mga mata si Nica.
"Bakit kailangan mong malaman, Gab?
Boyfriend ba kita?" tanong ni Nica at
sinalubong ang mga mata n binata kaya
natigilan si Gab.
"Alam kong hindi mo ako boyfriend at
walang tayo p-pero Nica, nararamdaman ko.
Alam kong mahal mo ako," sabi ni Gab.
"Iyon ba ang sa tingin mo?" malungkot na
nakangiti si Nica.
"A-Ano ang ibig mong sabihin, Nica?"
naguguluhang tanong ni Gab.
"Pagod na ako, Gab," sabi ni Nica at
napabuntonghininga. "Pagod na pagod na
ako sa kakaintindi sa 'yo."
"N-Nica..." sambit ni Gab na naguguluhan sa
ikinikilos ng dalaga.
"Mahirap lang kami, Gab. Gusto kong bigyan
ng magandang buhay ang mga magulang ko
at nangangako ako sa sarili kong balang
araw, makakaahon din kami sa kahirapan.
Maganda ako, marami ang manliligaw pero
hindi mahalaga sa akin ang mukha at
katawan," sabi ni Nica at ngumising
nakatitig sa mga nata ni Gab. "Mas
mahalaga sa akin ang pera, Gab!"dagdag ni
Nica.
"N-Nica--kung gusto mo ng pera, bibigyan
kita. M-May savings ako..." sabi ni Gab na
hindi makapaniwala sa narinig.
Umiling si Nica, "Noong una, okay lang,
Gab. Tutal, wala naman tayong sexlife at
pera lang talaga ang kailangan ko sa 'yo.
Mas pabor sa akin na kapag ikaw ang
mapangasawa ko, wala tayong lambingan sa
kama. Pero wala e. Babae lang ako at
kailangan ko rin ng lalaki, Gab. At since
mataba ka, e di ang kakambal mo na lang.
Tutal, mas guwapo at macho siya kaysa sa
'yo."
"Nica!" bulalas ni Luis na hindi makapaniwala
sa sinabi ng dalaga.
Ngumiti si Nica sa kambal, "At kung paano
ako mapalapit kay Luis? Iyon ay sa
pamamagitan mo, Gab. Pero wala e. No
matter how hard I try, wala pa ring
nangyayari. Hindi ako pinapatulan ni Luis
dahil kakambal ka niya. Nakakahiya raw sa
mga tao dahil alam nilang tayo ang
magkasama." Mahinang tumawa si Nica.
"Pakialam ko sa sasabihin ng iba? As long na
mapasaakin si Luis, wala akong pakialam sa
sasabihin ng iba! Pero na-realize ko na ang
pangit nga tingnan. Mas mabuti pang sa iba
na lang ako pumatol. Naiintindihan naman
ako ng ibang tao e. Sino ba naman ang
papatol sa lalaking kasing laki ng elepante sa
Manila Zoo?"
"Nica, stop it!" saway ni Luis pero ngumiti
lang si Nica na kay Gab pa rin ang mga
mata.
"Sorry sa ginawa ko, Gab. Pero
nakakapagod na ring itago ang tunay na
feelings," sabi ni Nica.
"Nica, please..." pakiusap ni Luis nang
makita si Gab na nakayuko at yumuyugyog
ang balikat. Alam niyang umiiyak na si Gab
pero ayaw lang nitong ipakita sa iba.
"Bakit? Wala naman sigurong masama kung
maging tapat ako kay Gab--"
"K-Kung gusto mo ng p-pera, ibibigay ko sa
'yo ang lahat ng laman ng savings ko!" wika
ni Gab at luhaang tumingin kay Nica. "H-
Huwag mo lang akong iwan at iwasan,
Nica."
"Pagod na ako, Gab. Nahihiya na akong
maglakad na may hila-hilang baboy!" sabi ni
Nica at tinalikuran ang kambal.
