41

1.1K 47 0
                                    

MY FAT SUITOR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 41

Unedited...
Paakyat na si Nica sa hagdan nang makitang
palabas si Gab sa tambayan nila.
Nag-aalinlangan siyang batiin ito na palapit
sa kaniya kaya mas minabuti niyang
manahimik na lang habang paakyat.
"Ang cute na niya, ano? Ang laki ng
ipinagbago niya," manghang sabi ng
babaeng kasabayan niya sa pag-akyat. Sa
likuran lang nila si Gab kaya hindi na umimik
pa ang mga ito.
Nang makaakyat na, tuloy-tuloy lang si Nica
sa classroom nila.
"Ang kapal ng mukha mo!"
Napalingon si Nica nang may sumigaw sa
likuran niya kasabay ng pagsinghap ng mga
estudyante.
"Ano 'yon? Pinaglalaruan mo lang ba ako,
Gab?" galit na tanong ni Sheryl habang
nakatingala sa matangkad na binata.
Napansin ni Nica ang pamumula ng pisngi ni
Gab kaya malamang, sinampal ito ni Sheryl.
Ito ang babaeng maganda pero huwag lang
talagang kalabanin dahil nagiging demonyita.
"Mas okay yatang mas maaga, Sheryl. At
least hindi ka na aasa, 'di ba?" walang
ganang sabi ni Gab.
"Kapal mo! Akala mo, gusto kita?" singhal ni
Sheryl na lalabas yata ang kaluluwa niya.
"Pakyu ka! Hindi ka kawalan!"
"Salamat, Sheryl. Pero maraming babae
riyan na mas higit pa kaysa sa 'yo,"
nakangising sagot ni Gab.
Tumalikod si Nica dahil ayaw na niyang
makita o marinig ang mga pinagsasabi ng
mga ito. Dati, siya lang ang lumalapit kay
Gab pero ngayong pumayat na ito, marami
na siyang kaagaw.
"Pasensiya ka na kung hindi na ako bumalik
pa," agad na paumanhin ni Sunny nang
pumasok siya.
"Wala iyon. Halika, tulungan na natin sila sa
paggawa ng props," yaya ni Nica. Mamayang
hapon na ang search at sila mismo ang
gagawa ng gown ng pambato nila na gawa
sa straw dahil recycled materials ang
gagamitin ng mga ito. Pagandahan sa
design.
"Sana ikaw na lang ang sumali," bulong ni
Sunny. Marami sila ang bumoto kay Nica
pero tumanggi ang dalaga dahil takot ito.
"Huwag mo na ngang ipilit, hindi ko ito
gamay. Baka himatayin lang ako," sabi ni
Nica. Mahiyain siya at wala sa puso niya ang
pagsali sa mga ganyang paligsahan.
"Hmm? Maiba tayo, friend. Kumusta na kayo
ni Gab? Inaaway ka pa rin ba niya?" tanong
ni Sunny na nasira ang mukha.
"Okay naman, hindi na niya ako inaaway,"
sagot ni Nica. "Halika na. Mukhang masaya
sila."
Bago pa makapagtanong ulit si Sunny, hinila
na niya ito palayo. Sana lang ay huwag nang
magtanong pa ulit dahil kahit siya ay
naguguluhan din. Kahapon lang, mabait si
Gab sa kaniya pero naguguluhan pa rin siya.
Ang sabi nito, si Thabz ito. Okay, si Gab at
si Thabz ay iisa pero kapag sabihin nitong si
Gab, nagiging suplado ito sa kaniya. Kagaya
kanina, ne hindi man lang siya sinulyapan ng
binata at nakipaghiwalay pa talaga kay
Sheryl sa harap ng maraming tao. Ibang-iba
ito kaysa sa Gab na nakasama niya kahapon.
"Nica? Tawag ka ni Ma'am--nakalimutan ko
na ang pangalan. Basta ang adviser ninyong
mga scholar," sabi ng kaklase nila kaya
tumayo si Nica.
"Maiwan muna kita, Sunny," paalam ni Nica.
"Sige. Kung matagalan ka, text mo 'ko kung
saan tayo kakain," ani Sunny.
"Canteen," sagot ni Nica at lumabas na.
Wala siyang pera at nagtitipid siya kaya sa
canteen lang siya palaging kumakain.
Pagdating niya sa classroom, nakaabang ang
ilang carton ng softdrinks sa gilid ng table.
"Puwede bang pakidala nito sa baba?
Maggamit ka na lang ng elevator," pakiusap
ng guro. Busy ang lahat ng scholar.
"Sige po. Ako na po ang bahala," sabi ni
Nica at inisa-isang inilagay ang lahat sa push
cart.
"Pasensiya ka na, kaunti lang kasi ang boys
sa atin," paumanhin nito kaya ngumiti si
Nica.
"Wala hong problema, magtutulak lang
naman ako," ani Nica at itinulak na ang cart
nang buksan nito ang pinto.
Kaunti lang ang tao kaya maluwag sa daan.
Pinindot niya ang elevator saka pumasok.
Pasara na nang may kamay na pumigil sa
pinto.
"G-Gab..." sambit ni Nica nang makita ang
mukha ng binata.
"Thabz," nakangiting pagtama ni Gab at
pinindot ang close button.
"Bakit ikaw ang nagdala niyan?" salubong
ang kilay na tanong ni Gab habang
nakatingin sa cart na puno ng karton ng
softdrinks.
"Wala na kasi ang mga kasama ko, busy
sila," sagot ni Nica. Kapag may program,
sila ang pinaka-busy na estudyante sa
buong CTU.
"Kumusta ang tulog mo? Pasensiya ka na
kung napagod kita kahapon," paumanhin ni
Gab kaya ngumiti si Nica.
"Okay lang, nakatulog ako kaagad," sagot ng
dalaga at napasulyap kay Gab na maaliwalas
ang mukha.
"Mabuti naman. Sana napanaginipan mo
ako," ani Gab at hinawakan ang kanang
kamay ni Nica. "Ikaw kasi ang laman ng
panaginip ko," pag-amin niya na namumula
pa ang mukha kaya napangiti ang dalaga.
"Huwag kang mag-alala, thabz. Ikaw rin ang
laman ng panaginip ko," sagot ni Nica. Basta
nabibingi siya sa tunog ng puso niya nang
pisilin ni Gab ang kamay niya.
"Haist!"
Nagulat si Nica nang mahinang itinulak siya
ni Gab nang bumukas ang pinto at nasa
tapat nila si Luis at mga pinsan ni Gab na
nag-aabang ng elevator.
"Sa susunod, sa hagdan ka dumaan! Tatlong
taon ka na sa CTU, hindi mo pa alam na
bawal kayo gumamit ng elevator?" salubong
ang kilay na sabi ni Gab kaya natigilan si
Nica. Hala, ano ang nangyari? Parang ang
bago lang, ang bait nito sa kaniya a. Or
baka guni-guni lang niya ang lahat nang
nangyari kanina? Pero hindi e. Nakausap pa
nga niya si Gab.
"Hayaan mo na," sabat ni Luis. "Alam mo
namang babae 'yan."
"Eh, ano kung babae siya?" sagot ni Gab at
nakipagtitigan kina Luis.
"Psh! Akin na ang dala mo, saan ba ito
dadalhin?"tanong ni Luis at kinuha ang
tinutulak ni Nica. "Ihatid na kita, Nica."
"Hayaan mo siya!" sabat ni Gab at tinulak
ang kapatid. "Kailangan ka ng mga pinsan
natin. Hinihintay ka na nila!"
"Kaya nilang maghintay," sagot ni Luis.
"Hoy kayo!" tawag ni Gab sa mga lalaking
nasa paligid. "Kayo na nga ang magdala nito
sa kung saan man ito dalhin ni Nica!"
"Sige, Gab," sabay-sabay na sagot ng mga
ito at nagsilapit para kunin ang cart.
"Oh, ayan na. Bumalik ka na sa mga pinsan
natin! Kanina ka pa nila hinihintay. Kung
naiinip lang ang elevator, kanina pa 'yan
nanigaw sa inyo!" sabi ni Gab nang harapin
ang kakambal.
"Sige Nica, mauna na ako," paalam ni Luis at
lumapit sa elevator. Kanina pa siya hinihintay
ng mga pinsan.
Nang sumara ang pinto, humarap si Gab kay
Nica. "Umalis ka na, ano pa ang
tinutunganga mo?"
"W-Wala. Salamat sa pagpasakay sa
elevator," pasalamat ni Nica at napakamot sa
ulo.
"Nica?" mahinang tawag ni Gab kaya tumigil
ang dalaga pero hindi lumingon. "Hatid kita
mamaya, thabz."
Napayuko si Nica at lihim na napangiti. Para
silang mga tanga ni Gab.
"Oh? Ano pa ang hinihintay mo? Alis na sabi
e!" singhal na naman ni Gab kaya binilisan na
ni Nica ang paglalakad. Hindi niya alam kung
ano ang trip ni Gab kaya gusto niyang
tumawa nang malakas.
"Sabing hindi na siya gusto ni Gab e," sabi
ng babaeng makakasalubong niya kaya mas
lalong nilakihan na lang ng dalaga ang
paghakbang.
---------------------
Alas tres ng hapon, pumunta sila sa gym
dahil pinapatawag ng adviser nila. Si Sunny
ay nagpaiwan sa classroom para tumulong
sa pambato nila sa search mamaya.
"Paki-distribute na lang ng softdrinks sa
mga players sa loob ng court."
"Yes, ma'am," sabay na sagot nina Nica.
Ngayon ang championship ng basketball
pero hindi pinalad ang team nila.
Bitbit ang box na may lamang pagkain,
pumasok sila sa court.
"Miss? Pahingi ng tubig," sabi ng isang
player kaya lumapit si Nica dahil busy na ang
mga kasama niya. Kakasimula lang ng third
quarter.
"Gab," sambit niya nang makita si Gab na
nakasuot ng jersey. Katabi nito si Luis.
Player din pala ito. Kung sabagay, sayang
lang din naman ang tangkad nito kung hindi
marunong maglaro ng basketball.
"Nica! Pahingi ako ng tubig!" tawag ni Luis
at itinaas ang kamay saka pinaypay siya.
"Hi," bati ni Nica at kumuha ng isang mineral
water at inabot kay Luis. Napasulyap siya
kay Gab na nagsisintas ng sapatos.
"Gusto ko rin ng tubig," sabi ni Gab. "Dapat
lahat ng players, bigyan mo kahit na hindi
na humihingi pa!"
"Luis? Sub mo na si Pat," sabi ng coach
kaya tumayo si Luis.
"Pasok muna ako, Nica."
"Sige lang, good luck!" sabi ni Nica.
"Nasaan na ang tubig ko?" tanong ni Gab
kaya dumukot si Nica ng tubig sa box at
lumapit kay Gab.
"Heto na," sabi ni Nica at inabot sa
nakaupong binata sa harapan niya.
Tumingala si Gab, "Mabigat ba ang dala
mo?"
"Hindi naman," sagot ng dalaga nang abutin
ni Gab.
"Ilapag mo na ang box at sila na lang ang
kukuha," ani Gab.
"Pero--"
"Gusto ko ng sampung bote, palainom kami
ni Luis ng tubig," sabi ni Gab.
"S-Sure ka?" tanong ni Nica.
"Oo nga!" sabi ni Gab kaya kinuha ni Nica
ang tubig. "Walo na lang pala. Kukuha ako
ng dalawa pa sa kasama ko."
"Huwag na," tanggi ni Gab. "Okay na ang
walo. Maupo ka na sa likuran at
magpahinga."
"Hindi puwede kasi busy ako," tanggo ni
Nica.
Pinaypay ni Gab ang adviser nila na
kakapasok lang.
"G-Gab? Ano ang gagawin mo?"
"Miss? Dito na muna si Nica, siya ang
magdadala ng mga gamit namin ni Luis
mamaya. Siya rin ang maglilinis ng bola
after ng laro, okay?" paalam ni Gab kaya
nanlaki ang mga mata ni Nica. Mas bumigat
pa yata ang trabaho niya?
"Sige, Gab," pagpayag ng adviser nila.
"Maiwan na muna kita, busy kami e."
Sila na lang ang naiwan at medyo palayo sa
mga kasamahang players ni Gab.
"Huwag kang mag-alala, after ng game,
papaalisin kita, thabz," mahinang sabi ni
Gab. "Dito ka lang, manood ka ng basketball
namin."
"Ano ba ang ginagawa mo, Gab? Hindi kita
maiintindihan," tanong ni Nica. Minsan,
topakin din ang lalaking 'to e.
"Wala lang. Basta huwag ka nang umalis,
dito ka lang."
Ayun, naupo si Nica pero nang patapos na,
pinaalis na siya ni Gab kaya bumalik na
naman siya sa pagtulong sa mga kasamahan.
Alas diyes na nang matapos ang search at
ang department nila ang nanalo kaya
sobrang saya nina Nica.
"Sure kang hindi ka na sasabay?" tanong ni
Sunny.
"Oo, susunduin ako ni Papa," sagot ni Nica.
Iilan na lang naiwan dahil halos lahat ay
dumiretso sa bar.
Nang makaalis si Sunny, lumabas si Nica sa
gate at naglakad nang kaunti.
"Thabz!" tawag ni Gab na nakasandal sa
kotse tapos binuksan nang malapit na siya.
"H-Hi," alanganing bati ni Nica at sumakay.
"Uuwi ka na ba? Hindi ka--"
"Alam mo namang magagalit si Papa, 'di
ba?"
"May curfew ka pa rin?" hindi
nakapaniwalang tanong ni Gab.
"Oo naman. Baby pa ako e," sagot ni Nica.
"Oo nga, baby pa kita," pagsang-ayon ni
Gab at napasulyap sa magandang dalaga sa
tabi niya. "Thabz?"
"Bakit, thabz?" sagot ni Nica at napatingin
kay Gab na maingat na nagmamaneho.
"Naalala mo pa ba noong valentines day sa
hotel? Iyong may party tapos nag-dinner
date tayo?" tanong ni Gab kaya biglang
uminit ang magkabilang pisngi ni Nica.
"Pakibilisan, magagalit na si Papa." Pag-iiba
ng dalaga. Paano, muntik nang may
nangyari sa kanila ni Gab. Mabuti na lang
dahil sobrang mataba ito.
Nakangiti si Gab habang nagmamaneho pero
walang sinasabi hanggang sa nakarating na
sila sa tapat ng bahay nina Nica.
"Thabz?" tawag ng binata habang
tinatanggal ni Nica ang seatbelt.
"Bakit?" tanong ng dalaga at hinarap si Gab.
"Naalala mo pa ba noong nasa rooftop
tayo? Noong huling pagkikita natin bago
ako tumungo sa Japan?"
"B-Bakit? Galit ka pa ba?" kinakabahang
tanong ni Nica. Puro na lang throwback ang
ginagawa ni Gab.
"Wala lang. Hindi ko 'yon makalimutan. Sabi
mo, kapag mag-asawa na tayo, wala tayong
lambingan sa kama dahil sobrang taba ko at
babae ka lang na may pangangailangan?"
paalala ni Gab kaya nanlaki ang mga mata ni
Nica.
"G-Gab? Wala iyon. K-Kalimutan mo na
iyon," sabi ni Nica at napakagat sa ibabang
labi sa sobrang pagkapahiya. Nasobrahan
yata siya noon.
Tumawa si Gab. "Hindi ko na iniisip iyon,
thabz. Tutal, hindi na rin naman ako mataba.
Kaya ko namang gawin at tugunan ang lahat
ng gusto ko lalo na ang gusto mo bilang
babae," makahulugang sagot ni Gab.
Napalunok ng laway si Nica. "M-Mauna na
ako, thabz. Hinihintay na ako nina Papa,"
paalam ni Nica at mabilis na bumaba saka
patakbong pumasok sa loob ng bahay nang
mabuksan ang gate.

My Fat SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon